Learn when coughs and colds occur more often in the Philippines.

Kailan ang Peak Season ng Ubo’t Sipon?

There are times of the year when you are more prone to cough and colds. Learn when you should watch out for these health issues and prevent them accordingly.

Learn when coughs and colds occur more often in the Philippines.

Kailan ang Peak Season ng Ubo’t Sipon?

There are times of the year when you are more prone to cough and colds. Learn when you should watch out for these health issues and prevent them accordingly.

Mainit, maaraw at humid, biglang uulan - ilan ito sa mga karaniwang biglaang pagbabago ng panahon na maaaring maranasan ng mga Pilipino araw-araw. Ang mga kondisyon na ito ay pwede ring maging pangunahing sanhi ng pagkalat ng mga pathogens na nagdudulot ng ubo’t sipon. 

Ang mga sakit na ito ay karaniwan sa mga Pilipino at kadalasang tumataas ang kaso sa ilang bahagi ng taon. Ang tanong: mas prone ka bang magkasakit kung maaraw o maulan? Para masagot ang tanong na ito, alamin kung kailan ang peak season ng ubo’t sipon sa Pilipinas para mapaghandaan ito nang maayos. 

Kailan Laganap ang Ubo at Sipon?

Sa Pilipinas, ang mga kaso ng ubo at sipon ay laganap sa mga buwan na Hunyo hanggang Nobyembre, na sinasabing panahon ng tag-ulan at “flu season” sa bansa. 

Tumataas ang mga kaso ng sakit sa panahong dito dahil pabago-bago ang mga temperatura ng paligid (lalamig tapos iinit at vice versa) na siyang nakakaapekto sa temperatura ng katawan.

Kapag umuulan, lumalamig ang temperatura na pwedeng magpahina sa resistensya. Kapag wala sa magandang kondisyon ang immune system ng iyong katawan, tataas ang risk para sa sakit.

Pero kahit nangyayari ang “flu season” sa mga nabanggit na buwan, hindi ibig sabihin na nawawala nang tuluyan ang iyong risk para sa ubo at sipon. Posible pa ring makaapekto ang mga pathogens na responsable para sa ubo at sipon sa iba pang mga buwan at magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan. 

Dahil dito, hindi mo dapat pabayaan ang iyong kalusugan sa anumang panahon. Narito ang ilang mga paraan para maiwasan ang ubo at sipon.

3 Paraan Para Mabawasan ang Risk Para sa Ubo at Sipon

Ang pag-iwas sa ubo’t sipon ay nagsisimula sa paghahanda ng depensa ng katawan laban sa mga virus at bacteria na nagdudulot nito. Naniniwala ang maraming health experts na ang malakas na immune system o resistensya ay isa sa mga pinakamahuhusay na paraan para maiwasan ang ubo at sipon:

  1. Uminom ng maraming tubig: Ang pagiging hydrated ay nakakatulong lalo na kung may sakit ka na dahil pinaninipis nito ang mucus at pinapadaloy ito nang mas maayos para mailabas sila sa katawan. Ang pag-inom ng tubig ay makakatulong rin sa regulasyon ng temperatura ng katawan, pagsasaayos ng organ function, at pagpapaganda ng kalidad ng pagtulog.
  2. Uminom ng immune-boosting supplement: Bagamat hindi dapat pumalit ang mga ito sa isang malusog na diet at lifestyle, ang mga immune-boosting supplements ay maaaring magbigay ng dagdag na tulong. Kadalasan, ang mga nutrients na nasa mga supplements ay nakakatulong sa pagpapalakas ng immune system ng katawan at nagbibigay ng iba pang benefits. 
  3. Hugasang mabuti ang kamay: Makakatulong ang habit na ito sa pagpapababa ng risk na magkaroon ng ubo at sipon dahil inaalis nito ang mga germs, viruses, o bacteria na maaaring nasa kamay mo na. Bukod dito, pinipigilan rin nito ang pagkalat ng mga pathogen papunta sa ibang tao.

    Hugasan ang kamay gamit ang sabon at tubig sa loob ng 20 seconds (katumbas ng isang pag-awit ng “Happy Birthday” song). Pero kung ikaw ay on the go at walang access sa tubig, magdala ng isang alcohol-based sanitizer na may at least 60% alcohol.

Ano ang Dapat Gawin Kapag Nagka-Ubo at Sipon?

Kung mayroon ka nang ubo’t sipon, gumawa ng mga steps para maiwasan ang pagkalat ng mga pathogens. Kapag umubo o bumahing, takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang tissue o ang iyong kamay (siguraduhing hugasan kaagad ang kamay pagkatapos).

Bukod dito, manatili sa bahay at iwasang makihalubilo sa mga tao. Ang close contact sa ibang mga tao kapag may sakit ka ay maaaring magpakalat sa mga germs na nagdudulot ng sakit. Kung hindi ito maiiwasan, magsuot ng well-fitting face mask na kasya sa mukha mo at siguruhing natatakpan ang iyong ilong at bibig. Sa ngayon, alam mo na ang simpleng hakbang na ito ay tumutulong sa pagprotekta ng mga buhay ng iba dahil tumutulong ito sa pagbabawas ng pagkalat ng germs, viruses, at bacteria patungo sa iba.

Panghuli, siguraduhing mayroon kang gamot para sa ubo at sipon para handa ka na sakaling sumama ang iyong pakiramdam. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga gamot na angkop para sa kasalukuyan mong kondisyon.

Kung patuloy pa rin ang sintomas, kumunsulta sa doktor o humingi ng atensyon pang-medikal. May mga health issues na nagpapakita sa pamamagitan ng mga sintomas tulad ng ubo at sipon, at pwede itong maging indikasyon na may problema sa kalusugan mo. 

References:

https://www.makatimed.net.ph/blogs/9-natural-remedies-for-colds-and-flu-symptoms/

https://www.bangkokpattayahospital.com/en/healthcare-services/internal-medicine-center-en/internal-medicine-health-articles-en/item/154-common-illness-caused-during-rainy-season-en.html

https://www.visitcompletecare.com/blog/can-you-get-sick-from-being-in-the-rain/

https://www.cdc.gov/hygiene/personal-hygiene/coughing-sneezing.html

https://www.cdc.gov/handwashing/when-how-handwashing.html

https://www.cdc.gov/handwashing/show-me-the-science-hand-sanitizer.html

https://www.cdc.gov/antibiotic-use/colds.html

https://www.cdc.gov/features/rhinoviruses/index.html

https://www.webmd.com/cold-and-flu/what-makes-colds-worse

https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/vitamin-c/

https://www.sfcdcp.org/communicable-disease/healthy-habits/how-to-put-on-and-remove-a-face-mask

https://health.clevelandclinic.org/eat-these-foods-to-boost-your-immune-system/

https://www.healthline.com/nutrition/immune-boosting-supplements https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/flu/symptoms-causes/syc-20351719

Send This Article

Related Articles