Sipon o baradong ilong, migraine, muscle pain, panghihina, o pagod - ilan lamang ito sa iba't ibang sintomas na kinakaharap ng mga taong mayroong sakit ng ulo, lagnat, o trangkaso.
Upang mapabilis ang iyong pag-galing at makabalik sa normal, kailangan mong magpahinga, uminom ng gamot, at kumain ng masustansyang pagkain.
Gayunpaman, may mga pagkain rin na maaaring magpabigat sa iyong sakit ng ulo, lagnat, o trangkaso, lalo na kung sobra ang dami ng mga ito. Tandaan ang mga pangunahing bagay na dapat iwasan kung mayroon kang sakit ng ulo, lagnat, o trangkaso, at ang mga substitute para sa mga ito:
-
Kape
Kontrolin ang pagnanais na uminom ng kape, kahit na ang iyong sakit ng ulo, lagnat, o trangkaso ay hindi malubha. Ang caffeine, na matatagpuan sa kape at tsaa, ay maaaring mag-silbing diuretic (pampaihi) at magdulot ng pagkawala ng fluids mula sa iyong katawan na maaaring magdulot ng risk `sa dehydration.
Palitan ng: tubig o mga tsaa tulad ng ginger tea o turmeric tea. Ang mga ito ay makakatulong labanan ang dehydration. Bukod dito, mayroong karagdagang benepisyo ang mga tsaa.
Halimbawa, ang luya ay kilala sa pag-alis ng nausea, pagsusuka, at inflammation. Sa kabilang banda, maaaring magkaruon ng antioxidant at anti-inflammatory na potensyal ang turmeric dahil sa isang sangkap na tinatawag na curcumin.
-
Prito at/o maalat na pagkain
Inirerekomenda ng mga eksperto sa kalusugan na iwasan ang mga uri ng pagkaing ito kahit pa wala kang sakit. Kapag meron kang sakit sa ulo, lagnat, o trangkaso, maaaring lalong makasama ang mga pagkaing ito.
Ang prito at maalat na pagkain ay maaaring manatili sa iyong digestive system nang mas matagal at maaaring magdulot ng bloating. Sa ilang mga sitwasyon, maaaring dumaan ang mga ito sa iyong katawan ng mas mabilis at magdulot ng pagtatae.
Palitan ng: sabaw o lugaw. Ito ay mga mabubuting pagpipilian dahil naglalaman ang mga ito ng vitamins at minerals na maaaring makatulong sa iyong pakiramdam. Karaniwan, inirerekomenda sa mga may sakit na kumain ng sabaw o lugaw dahil naglalaman ang mga ito ng fluids at electrolytes na nagbibigay proteksyon laban sa dehydration.
Maaari ring makatulong ang sabaw o lugaw sa pagpapanipis ng plema sa baga, pagbibigay ng moisture sa mga nasal passages, at paglaban sa inflammation.
-
Chips at mga junk food
Ang chips at mga pagkain katulad ng junk food ay walang anumang nutrients. Kaya wala itong maitutulong sa iyong paggaling. Bukod dito, ang magaspang na texture ng mga pagkaing ito ay maaaring makairita sa iyong lalamunan at magpalala sa iyong ubo.
Palitan ng: prutas. Ang ilang piraso ng sariwang prutas ay naglalaman ng maraming vitamins at minerals. Ang orange, dalandan, pomelo, at iba pang uri ng citrus fruits ay maaaring makatulong dahil mayaman ito sa vitamin C na makakatulong sa paglaban sa mga virus na sanhi ng sakit ng ulo, lagnat, o trangkaso. Makakatulong rin ang mga ito sa pagpapalakas ng depensa ng iyong katawan.
Harapin ang mga Sintomas Gamit ang Tamang Gamot
Bukod sa pagkain ng tama, huwag kalimutan uminom ng gamot na maaaring makatulong sa mga pagpapabuti ng sintomas ng trangkaso tulad ng lagnat, sakit ng ulo, o baradong ilong, o tumutulong sipon. Depende sa iyong kondisyon, maaaring gumamit ng gamot na makakatulong sa mga sintomas ng trangkaso.
Headaches | Fever | Clogged or runny nose | |
Paracetamol | ✓ | ✓ | ✓ |
Ibuprofen + Paracetamol | ✓ | ✓ | ✓ |
Phenylephrine HCl Chlorphenamine Maleate Paracetamol | ✓ | ✓ | ✓ |
Gayunpaman, kung ang iyong sakit ng ulo, lagnat, o baradong ilong o tumutulong sipon ay hindi pa rin nawawala pagkatapos mong uminom ng mga gamot na ito, agad na kumonsulta sa isang doktor. Ang mga sintomas na ito ay maaaring senyales na ng isang mas malubhang problema sa kalusugan na kailangang maagapan agad.
References:
https://www.healthline.com/nutrition/coffee-when-sick
https://www.healthline.com/health/what-to-eat-when-you-have-the-flu
https://www.everydayhealth.com/digestive-health/diet/foods-to-avoid-during-digestive-problems/
https://www.medicalnewstoday.com/articles/321786
https://www.medicalnewstoday.com/articles/teas-for-colds
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9639-headaches#symptoms-and-causes
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/fever/symptoms-causes/syc-20352759
https://www.cdc.gov/flu/symptoms/index.html
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0272638621007125
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7019938/