Ang sakit ng ulo lalo na kapag hindi ito inaaasahan ay nakakapanghina ng loob. Ang pangunahing sintomas ng sakit ng ulo ay pananakit nito o ng mukha, o di kaya ay pamimintig o matalas na “sensations” na pwedeng makaabala sa araw mo.
Nangyayari ang sakit ng ulo kapag na-expose ka sa mga trigger na nagiging dahilan para “ma-activate” ang nerves sa muscles at blood vessels, at magpadala ng hudyat o signals sa iyong utak. Dahil dito, pinoproseso ng utak ang mga reaksyon na ito bilang sakit at discomfort.
Ayon sa isang pag-aaral noong 2022 na 52% ng mga tao sa buong mundo ay dumaranas ng active headache disorder. Bukod dito, 26% ng mga tao ay nahihirapan dahil sa tension type headaches, habang 14% naman ay nagtitiis sa mga migraines, at panghuli, 4.6% ay nagkakaroon ng sakit ng ulo na tumatagal ng 15 araw o higit pa.
Sinasabing mayroong 150 na uri ng pananakit ng ulo. Sa dami nito, hindi kataka-taka na maraming posibleng sanhi ang karaniwang problema na ito.
Bagamat hindi banta sa kalusugan ang karamihan sa mga uri ng sakit ng ulo, may mga uri nito na pwedeng maging senyales ng isang seryosong kondisyon. Narito ang ilan sa mga uri ng sakit ng ulo at ang posibleng sanhi o trigger ng mga ito:
- Medical conditions o problema sa kalusugan
Ito ang mga pangunahing sanhi ng isang uri ng sakit ng ulo na tinatawag na secondary headaches. May mga secondary headache na konektado sa mga isyu tulad ng head injuries, high blood pressure o hypertension, sinus congestion, trauma, o tumor. - Gamot na inirereseta (prescription medicines)
Isang posibleng sanhi ng migraines (malalang pagtibok o pamimintig sa isang bahagi ng ulo) ay ang mga gamot na ito, lalo na ang mga inirerekomenda para sa mga kondisyon ng puso, birth control, o sintomas ng menopause.
- Osmophobia o pagiging sensitibo sa mga amoy
Alam mo ba na may mga amoy na nagdudulot ng sakit ng ulo? Ang osmophobia, o sensitivity sa mga amoy, ay nakita sa 95% ng mga taong may migraines. Bukod dito, may mga amoy na maaari ding maging sanhi ng cluster headaches (kung saan na-ti-trigger ang isang nerve malapit sa utak). Halimbawa ng mga amoy na pwedeng magdulot ng sakit ng ulo ay usok mula sa sigarilyo o kotse, pabango, o gamit panglinis. - Photophobia o pagiging sensitibo sa ilaw.
Isa pang uri ng sensitivity na konektado sa sakit ng ulo ay kontektado sa mga ilaw. May mga uri ng ilaw na pwedeng magdulot ng cluster headaches o migraines, tulad ng kumukutitap na mga ilaw, nakakasilaw na ilaw, glare mula sa mga screen ng computer o monitors, at pati mga fluorescent lights. - Pagkain at Inumin.
May mga dietary choices na pwedeng magpataas ng risk para sa sakit ng ulo. Halimbawa, ang mga bacon o karne ay may mga nitrites na maaaring magdulot ng cluster headaches o migraines. Ang mga substances na ito ay pwedeng magdulot ng expansion sa mga blood vessels sa utak at magdulot ng sakit ng ulo.
Bukod dito, ang mga aged cheeses, avocados, bananas (saging), sour cream, nuts (mani), peanut butter, at yogurt ay konektado sa mga migraines. Higit pa rito, ang chocolate (tsokolate), processed food na may monosodium glutamate (MSG), at alak (alcohol) ay nai-ugnay sa tension headaches (kung saan may mild to moderate pain na maihahambing sa mahigpit na pagbalot ng isang banda sa ulo mo).
- Pagbabago sa panahon.
Ang mga pressure changes na nagiging sanhi ng pagbabago sa panahon ay maaaring magresulta sa pagbabagong chemical at electrical sa utak, at pati ng irritation sa nerves. Dahil sa mga factors na ito, pwede kang dumaranas ng cluster headaches, tension headaches, o migraines.
- Biglaang pagtigil sa mga gamot o substances.
Ang mga taong biglang tumigil sa pag-inom ng gamot o pag-konsumo ng iilang mga substances ay maaaring makaramdam ng sakit ng ulo. Halimbawa, ang mga taong biglang huminto sa pag-inom ng caffeine o gamot kontra sa iba-ibang sakit (pain relief) ay prone sa mga migraines o tension headaches. - Lifestyle factors.
May mga lifestyle issues na pwedeng magdulot ng iba’t-ibang uri ng sakit ng ulo. Pwedeng sumakit ang ulo ng mga taong may migraines dahil sa “disruptions” sa kanilang pagtulog o pagkain; poor posture na maaaring magdulot ng strain sa mata, leeg, o likod; at pati na rin emosyonal na stress dahil sa mga isyu sa tahanan, trabaho, o paaralan.
Sa kabilang banda, ang stress, kakulangan sa tulog, fatigue, at gutom ay kilalang mga trigger ng tension headaches.
Heto ang isang gabay na nagsasaad ng mga posibleng sanhi ng sakit ng ulo at partikular na isyung naidudulot nito:
Cluster headache | Tension headaches | Migraines | New daily persistent headaches | |
Medical conditions o problema sa kalusugan | ✔* | |||
Gamot na inirereseta (prescription medicines) | ✔ | |||
Sensitivity sa amoy | ✔ | ✔ | ||
Sensitivity sa ilaw | ✔ | ✔ | ||
Pagkain at Inumin | ✔ | ✔ | ✔ | |
Pagbabago sa panahon | ✔ | ✔ | ✔ | |
Biglaang pagtigil sa pag-inom ng mga gamot o substances | ✔ | ✔ | ||
Lifestyle factors | ✔ | ✔ |
*Karamihan ng mga kaso ng new daily persistent headaches ay primary, pero may mga pagkakataon na nangyayari ito dahil sa ibang mga problemang pang-kalusugan.
Isang epektibong paraan para maagapan ang sakit ng ulo ay ang pag-inom ng gamot na aaksyunan ang isyung ito. Tanungin ang iyong doktor tungkol sa nararapat na gamot na iinumin para sa kondisyon mo. Siguraduhin na may mga gamot na nakatago sa bahay o sa bag mo para maagapan ang sakit ng ulo kahit saan at kailan.
Kung nagpapatuloy ang mga sintomas, kumunsulta sa iyong doktor.
References:
https://thejournalofheadacheandpain.biomedcentral.com/articles/10.1186/s10194-022-01402-2
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/9639-headaches
https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/causes-of-headaches
https://www.mayoclinic.org/symptoms/headache/basics/causes/sym-20050800
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/migraine-headache/symptoms-causes/syc-20360201
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tension-headache/symptoms-causes/syc-20353977
https://www.healthline.com/health/headache/new-daily-persistent-headache#causes
https://www.webmd.com/migraines-headaches/cluster-headaches
https://www.webmd.com/migraines-headaches/guide/food-related-headaches
https://www.webmd.com/migraines-headaches/features/seasonal-cluster#
https://americanheadachesociety.org/news/whats-that-smell/
https://americanmigrainefoundation.org/resource-library/photophobia-migraine/
https://www.medicalnewstoday.com/articles/migraine-and-light-sensitivity#occurrence