Unawain ang Koneksyon sa Pagitan ng Diabetes at Genetics

Learn how these two can influence each other.

Unawain ang Koneksyon sa Pagitan ng Diabetes at Genetics

Learn how these two can influence each other.

Kung may mga kapamilya kang na-diagnose ng diabetes, marahil ay pinayuhan ka na alagaan ang iyong kalusugan para mabawasan ang risk mo para sa health issue na ito. May papel umano ang genetics sa pagsisimula o onset ng diabetes, at ang koneksyon sa pagitan ng dalawang ito ay pinag-aralan sa loob ng maraming taon.,

Kapag hindi, naagapan, ang type 1 o type 2 diabetes ay pwedeng magdulot ng negatibong epekto sa mga organ at sistema ng katawan.

Ang diabetes ay posibleng magresulta sa mga isyu tulad ng pagkipot ng blood vessels, pagbawas ng daloy ng dugo, pagkapinsala sa blood vessels, pagbagal ng pag galing ng sugat, pagsimula ng sakit at ngalay sa ilang bahagi ng katawan, pagbawas ng pagiging epektibo ng mga kidney sa pagtapon ng waste o basura mula sa dugo, o paglabo ng paningin.

Bukod dito, ang diabetes ay maaari ring magpataas ng iyong risk para sa mga sumusunod na isyung pangkalusugan:

  • Mataas na BP o blood pressure
  • Malalang cardiovascular problems
  • Kidney failure
  • Problema sa mata at pagkabulag
  • Tuyong balat, fungal infections, skin tags, at iba pang isyu sa balat
  • May problema sa metabolismo at pagka-baog o infertility
  • Gastrointestinal problems 

Dahil dito, maaaring makakatulong ang pagtukoy ng family history pagdating sa diabetes. Alamin ang higit pa tungkol sa koneksyon ng diabetes at genetics, at kung kailan ka dapat suriin para sa sakit na ito.

Paano Nagiging Konektado ang Diabetes at Genetics?

Ayon sa mga resulta ng pananaliksik na ginawa ng ilang taon, ang mga genes ang konektado sa type 1 o type 2 diabetes. Ang mga “mutations” sa mga genes na ito ay posibleng dahilan kung bakit dumaranas ng sintomas ng diabetes ang mga tao:

  • Type 1 diabetes: HLA-DQA1, HLA-DQB1, at HLA-DRB1  
  • Type 2 diabetes: TCF7L2, CAPN10, at ABCC8 

Posible ang pagsasagawa ng pagsuri para makita ang mga genes na ito sa katawan. Pero, inirerekomenda lang ito sa research settings lamang at hindi ito hinihikayat na gawin nang madalas.

Ano ang Overall Risk Para sa Mga Taong May Kapamilyang Diabetic?

Depende ito sa uri ng diabetes ng tao. Para sa type 1 diabetes, may 5% hanggang 10% risk na ma-diagnose ka nito sa edad na 20 kapag ang iyong kapatid ay dati nang na-diagnose ng sakit na ito.  

Samantala, ang mga taong may mga tatay o nanay na may type 1 diabetes ay may 12% o 6% na posibilidad na ma-diagnose ng sakit na ito.

Pero kung parehong magulang ay may type 1 diabetes, isinaad ng American Diabetes Association na ang risk ng pagkakaroon nito sa mga bata ay nasa 1 in 10 at 1 in 4 (sa pagitan ng 10% at 25%).

Para naman sa type 2 diabetes, kapag ang isang magulang ay mayroon nito, may 40% risk ka para sa sakit na ito. Kung parehong magulang ang na-diagnose nito, ang risk ay tumataas sa 70%. Bukod dito, tandaan na tumataas rin ang risk mo para sa type 2 diabetes ng 3x kapag may first-degree relatives ka na may sakit na ito. 

Pwede ka Bang Masuri Para sa Diabetes?

Oo — may mga “markers” na pwedeng suriin na tutulong sa mga health professional na malaman kung may diabetes ka o wala. Kapag napansin mo ang sintomas ng diabetes, kumunsulta sa iyong doktor at magtanong tungkol sa mga pagsusuri para sa diabetes. May mga diagnostic method na naglalayong magsuri para sa diabetes:,,

  • Fasting plasma glucose (FPG) test: Kadalasang ginagawa sa umaga, ang FPG ay naglalayong sukatin ang antas ng glucose sa dugo pagkatapos mong makompleto ang fasting ng walong oras. Kapag ang plasma glucose levels ay katumbas o higit sa 126 mg/dL (7.0 mmol/L) pagkatapos ng isang overnight fast, maaaring kang ma-diagnose ng type 2 diabetes.
  • Random plasma glucose (RPG) test: Kapag nagpapakita ng sintomas ng type 2 diabetes, maaaring kang hiyakatin na sumailalim sa isang RPG test kahit hindi ka pa dumadaan sa fasting. Kung ang mga RPG test reading ay katumbas o higit sa 200 mg/dL (11.1 mmol/L) at mayroong sintomas ng hyperglycemia (mataas na blood sugar levels) tulad ng pagsusuka, higit na pagkauhaw, fatigue, at/o sakit ng ulo, maaaring maisagawa ang diabetes diagnosis.
  • Oral glucose tolerance test (OGTT): Ang pagsusuring ito, na pwede ring irekomenda sa mga buntis para makita kung may gestational diabetes sila, ay isinasagawa pagkatapos ng fasting na tatagal ng walong oras. May dalawa itong mahalagang hakbang Una ay ang isang pagkuha ng dugo na isasagawa ng isang health professional.

    Pagkatapos, iinom ka ng isang inumin na may glucose. Susuriin ang iyong glucose levels isang beses pagkatapos ang isang oras at isang beses muli pagkatapos ang dalawang oras. Kagaya sa mga RPG tests, kapag ang iyong resulta ay katumbas o higit sa 200 mg/dL (11.1 mmol/L), maaari kang ma-diagnose ng diabetes.

Mahalagang paalala: ang mga pagsusuring ito ay dapat gawin lamang sa gabay ng doktor o healthcare professional. Iwasan ang pag-diagnose ng sarili para sa iyong kasalukuyang kondisyon.

Kapag nakagawa ng diabetes diagnosis ang isang doktor, maaaring irekomenda ang pag-inom ng prescription na gamot tulad ng insulin at/o oral medicines na tutulong sa iyo na maagapan ang kondisyong ito nang mas mabuti.

Kung may dagdag na concerns tungkol sa posibleng koneksyon ng diabetes at iyong family history, kumunsulta agad sa isang doktor. Tutulungan ka nila sa pagsuri sa iyong kasulukyang health status at paano mo ito mapapabuti. Pero kung napapansin mo na ang sintomas ng diabetes, humingi agad ng atensyong medikal.


References:

https://www.cdc.gov/diabetes/basics/risk-factors.html

https://www.cdc.gov/diabetes/basics/getting-tested.html

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3746083/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1934573/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4065476/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4874193/

https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0002953

https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/tests-diagnosis

https://www.healthline.com/health/type-2-diabetes/genetics#risk-factors

http://www.pcdef.org/Documents/Diabetes-United-for-Diabetes-Phil.pdf

https://diabetesjournals.org/clinical/article/40/1/10/139035/Standards-of-Medical-Care-in-Diabetes-2022

https://diabetesjournals.org/care/article/45/Supplement_1/S17/138925/2-Classification-and-Diagnosis-of-Diabetes

https://www.diabetes.org/diabetes/genetics-diabetes

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/symptoms-causes/syc-20351193

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/diagnosis-treatment/drc-20351199

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hyperglycemia/symptoms-causes/syc-20373631 https://www.medicalnewstoday.com/articles/317483

Send This Article

Related Articles