Tulong sa Kalusugan: 3 Self-Check para sa mga Kababaihan Na Maaring Sumagip ng Buhay

Detect early warning signs of disease with the help of these self-checks.

Tulong sa Kalusugan: 3 Self-Check para sa mga Kababaihan Na Maaring Sumagip ng Buhay

Detect early warning signs of disease with the help of these self-checks.

Susi sa pag-iwas sa sakit ang maagang pagtuklas o early detection. Ngunit maraming tao ang nag-aalangan o walang kamalayan tungkol sa kung anong uri ng pagsusuri ang kailangan at mahalaga. Dagdag dito, kadalasan ang mga tests ay mahal at ang iba naman ay hindi ganoon kadaling ma-access.

Gayunpaman, may ilang mga pagsusuri sa kalusugan na maaari mong gawin nang mag-isa. Makakatulong ito upang makita kaagad ang mga potensyal na isyu sa kalusugan. Ang mga self-check ay maaaring gawin nang isa-isa o sa tulong ng isang partner. Narito ang ilang mahahalagang pagsusuri na pwedeng gawin ng mga kababaihan kahit sila ay mag-isa.

  1. Pagsusuri ng Dibdib
    Tumutulong sa pag-detect ng: Impeksyon sa suso o kanser sa suso
    Tuwing kailan dapat gawin: Minsan sa isang buwan. Gawin ito mga 1 linggo pagkatapos ng mens o monthly period. Kung menopausal naman, maaari itong gawin anumang araw, minsan sa isang buwan.

    Ang ganitong uri ng pagsusuri sa sarili ay nakakatulong mag-detect kung may mga bukol o batik na maaaring pahiwatig ng impeksyon o kanser sa suso. Mahalaga sa breast self-exam ang visual at manual na inspeksyon, gaya ng pagkaka-larawan sa sumusunod na gabay: (Infographic below)

    Kapag may naramdamang anumang kakaiba sa suso, kumunsulta kaagad sa isang OB gynecologist upang mapag-usapan ang posibleng sanhi ng pagbabagong ito at kung ano ang tamang aksyon para dito.

    Tandaan, ang breast self-exam ay hindi naglalayon na palitan ang screening o pagsusuri tulad ng mammogram o breast ultrasound. Ang pinakamainam ay, kung maaari, sumailalim sa mga screenings na ito taun-taon.

  2. Pagsusuri sa Balat
    Tumutulong sa pag-detect ng: Mga kanser sa balat tulad ng melanoma
    Tuwing kailan dapat gawin: 1 beses sa 1 buwan, bago o pagkatapos maligo

    Ang mga nunal na maaaring lumitaw saanman sa iyong katawan ay maaaring mga senyales ng kanser sa balat. Ang payo ng mga eksperto sa kalusugan ay bantayan ang "ABCDEs" ng melanoma. May pagbabago ba sa iyong mga nunal? Basahin dito ang mga senyales ng melanoma :

    • Asymmetry: Hindi uniform ang hugis ng nunal
    • Border: May irregular or crooked na border ang nunal
    • Color: Kakaiba ang pagka brown ng nunal, o minsan ay may halong pula, puti o asul na kulay
    • Diameter: ang nunal ay may lapad na higit sa 6mm (mas malaki kaysa sa laki ng karaniwang pambura ng lapis)
    • Nagbabago: Lumalaki o nagbabago ang hugis at kulay ng nunal, at kapansin pansin ang pagkakaiba nito sa ibang nunal

    Narito ang isang detalyadong gabay para sa mga dapat bantayan sa mga nunal:

    Kung marami kang nunal sa iyong katawan, huwag mag-panic. Karaniwang hindi nakakapinsala o normal ang mga ito kapag mayroon silang: pantay na kulay na itim, kayumanggi, o tan; alinman sa patag o nakaumbok; at may symmetrical na bilog o hugis-itlog. Gayunpaman, kapag mayroong isa o lahat sa nabanggit na ABCDE, dumiretso sa isang dermatologist upang magsagawa ng karagdagang pagsusuri.

    Ang mga nunal ay maaaring lumitaw sa halos anumang bahagi ng iyong katawan. Makakabuting humanap ka ng kasamang maaaring tumulong sa pag-check o pagsuri sa mga ito.

  3. Ang blood pressure
    Tumutulong sa pag-detect ng: Mataas na antas ng presyon ng dugo na maaaring pagsimulan ng ilang sakit
    Tuwing kailan dapat gawin: Araw-araw, at mas mabuti sa parehong oras bawat araw

    Kapag pinabayaan, ang high blood pressure ay maaaring maging simula ng iba't-ibang health concerns tulad ng atake sa puso, stroke, heart failure, atherosclerosis (pagkakaroon ng taba sa arteries), kidney failure, at eye defects.

    Upang suriin ang iyong blood pressure level gamit ang isang BP apparatus, siguraduhing magpahinga muna ng 5 minuto. Huwag manigarilyo, uminom ng kape o alkohol, o mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto bago mo suriin ang iyong blood pressure. Umupo nang tuwid na ang dalawang paa ay nasa sahig habang ang iyong braso ay nakasuporta’t nasa level ng dibdib. Siguraduhin na ang cuff ay direktang nakalagay sa iyong balat at hindi nakapatong sa tela ng damit.

    Narito ang isang gabay na makakatulong sa tamang pagbabasa ng sukat ng presyon ng dugo:


    Kung may pagdududa sa unang basa ng iyong presyon ng dugo, maghintay muna ng ilang minuto. Huminga ng malalim at kalmado bago muling gamitin ang BP apparatus. Kapag nakuha mo na ang iyong presyon ng dugo, itala ang mga resulta sa isang journal o mobile app upang makita kung mayroong pattern. Agad na kumunsulta sa doktor kung may kapansin-pansin na patuloy na pagtaas ng presyon ng dugo.

Kung mayroong paraan at pagkakataon, magandang gawing regular ang pagsasagawa ng self-check. Bukod dito, ang scheduled check-up naman sa ilalim ng isang doktor ay makakatulong para matukoy ang iyong kasalukuyang health status.


References:

https://my.clevelandclinic.org/health/diagnostics/3990-breast-self-exam

https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/skin-cancer-skin-self-exam

https://www.health.com/condition/skin-cancer/self-checks-women

https://www.nhs.uk/conditions/melanoma-skin-cancer/

https://www.nhs.uk/conditions/moles/

https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/understanding-blood-pressure-readings/monitoring-your-blood-pressure-at-home

https://www.goredforwomen.org/en/know-your-risk/risk-factors/high-blood-pressure-and-heart-disease

https://www.beaumont.org/conditions/melanoma/abcde’s-of-melanoma

https://www.aad.org/public/diseases/skin-cancer/find/at-risk/abcdes

Send This Article

Related Articles