Ano ang Sore Muscles at Paano Ito Maiiwasan?

Muscle pain can be a sign of health issues.

Ano ang Sore Muscles at Paano Ito Maiiwasan?

Muscle pain can be a sign of health issues.

Naranasan mo na bang magkaroon ng pananakit sa kalamnan sa anumang bahagi ng iyong katawan, lalo na kapag biglang sumakit nang hindi inaasahan? Ang myalgia, o kung tawagin ay pananakit sa kalamnan, ay maaaring makaapekto sa ligaments, tendons, at fascia (mga malambot na tisyu na nag-uugnay ng mga kalamnan sa isa't isa pati na rin sa mga buto at organs sa katawan ). Ang isyung pangkalusugan na ito ay maaaring makaapekto sa mga tao ng lahat ng edad, at may maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit.

Kung ikaw ay naaabala ng pananakit sa kalamnan at gusto mong malaman kung bakit ito nangyayari, magpatuloy sa pagbasa para malaman ang mga posibleng sanhi kasama ng mga mungkahi kung paano ito maaaring tugunan bago ito lumala.

Ano ang nagiging sanhi ng pananakit ng kalamnan?

Maraming dahilan kung bakit nararanasan ng mga tao ang pananakit sa kalamnan. Ilan sa mga pinakakaraniwan ay ang mga sumusunod:

  • Pisikal na Aktibidad: Maaaring maranasan ng mga tao ang pananakit sa kalamnan matapos ang ehersisyo dahil sa delayed-onset muscle soreness (DOMS). Ang discomfort na ito, karaniwang sanhi ng pamamaga sa loob ng mga kalamnan, ay maaaring magsimula 6 hanggang 12 na oras matapos ang ehersisyo at maaaring magtagal ng hanggang 48 na oras. Karaniwan, ang DOMS ay isang magandang senyales na ang iyong mga kalamnan ay nagiging mas malalaki at mas malakas.

    Maaaring maranasan ng mga tao ang pananakit sa kalamnan matapos ang ehersisyo dahil sa delayed-onset muscle soreness (DOMS). Ang discomfort na ito, karaniwang sanhi ng pamamaga sa loob ng mga kalamnan, ay maaaring magsimula 6 hanggang 12 na oras matapos ang ehersisyo at maaaring magtagal ng hanggang 48 na oras. Karaniwan, ang DOMS ay isang magandang senyales na ang iyong mga kalamnan ay nagiging mas malalaki at mas malakas.

  • Mga Injuries: Sa ilang mga pagkakataon, ang pananakit ng muscles ay maaaring isang senyales ng mga injury tulad ng strain sa tiyan o likod, sprains, o broken bones. Kung pinaghihinalaan mo na ikaw ay nasugatan, humingi kaagad ng medikal na atensyon.

  • Mga bacterial at viral infection: Kapag ang isang tao ay nahawaan ng bacteria o virus, nilalabanan ng immune system ang impeksyon na nagiging sanhi ng pananakit ng kalamnan ng tao.

  • Mga neuromuscular illnesses: Ang mga karamdamang ito ay nakakaapekto sa mga muscle at muscular nerves, na nagdudulot ng panghihina. Ang mga taong na-diagnose na may muscular disease gaya ng amyotrophic lateral sclerosis (ALS o Lou Gehrig's disease), muscular dystrophy, myasthenia gravis, o spinal muscular atrophy (SMA) ay maaaring makaranas ng pananakit ng muscles.

  • Mga gamot at treatment options: May ilang mga gamot o paggamot na maaaring magdulot ng myositis (pamamaga ng mga cells ng muscles), o mag-trigger ng mga receptor ng pananakit sa kalamnan. Ang mga gamot na ginagamit para labanan ang high blood pressure o mataas na antas ng kolesterol, at mga paggamot sa kanser gaya ng chemoteraphy at radiation therapy ay maaaring mag-trigger ng pananakit sa kalamnan.

  • Stress: Kapag na-stress ka, naninigas ang iyong mga muscle. Nagreresulta ito sa kanilang pamamaga, paninikip, o pananakit. Bukod dito, maaari nitong mapababa ang iyong pain tolerance.

Paano Mo Matutugunan ang Sakit sa Kalamnan?

Mahalaga na matukoy ang sanhi ng iyong pananakit sa kalamnan at mas mabuting kumonsulta sa doktor.

Sa simula ng pananakit, bantayan nang mabuti ang iyong kalagayan at subukang maglapat ng mga remedyo sa bahay. Gayunpaman, kapag napansin mo ang alinman sa mga sintomas na ito, humingi kaagad ng medikal na atensyon:

  • Hirap sa paglalakad o paghinga 
  • Panghihina ng kalamnan
  • "Popping" na tunog 
  • Pamamaga
  • Sakit
  • Mataas na antas ng lagnat
  • Stiff Neck 
  • Malalim at bukas na sugat
  • Mga pantal o kagat ng insekto

Kung sigurado ka na ang pananakit sa iyong kalamnan ay hindi dulot ng malubhang pinsala, autoimmune disorders, o iba pang isyu sa kalusugan, tingnan ang mga subok at napatunayan nang paraan upang labanan ang pananakit nito:

  1. Pahinga: Makinig sa iyong katawan - huwag piliting galawin ang mga muscle. Sa pamamagitan ng paggawa nito, maaari mong bigyan ang mga muscles ng sapat na oras upang gumaling.

  2. Ice pack at warm compress o heat pack: Ilgay ang mga ito sa apektadong bahagi upang mabawasan ang pananakit at pamamaga, lalo na kung mayroon kang sprain o iba pang katulad na sakit.

  3. Stretching: Sa pangkalahatan, ang pag-uunat ay kilala upang mapalakas ang iyong flexibility at pinahusay na hanay ng paggalaw sa iyong mga joint. Ito ay nakakatulong babaan ang risk mo ng muscle stiffness.

  4. Pain Relievers: Tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga gamot tulad ng mefenamic acid, paracetamol, o ibuprofen. Anuman sa mga formula na ito ay maaaring makatulong sa pag-alis ng pananakit ng muscles. Siguraduhing basahin ang leaflet ng impormasyon ng produkto bago ito gamitin upang malaman kung kailan mo dapat inumin ang mga ito.

Kung ang sakit na nararamdaman mo ay sobra na, humingi ng medikal na atensyon upang suriin kung may mga kondisyon o damage na maaaring sanhi nito. Maaaring may mga underlying issue na kailangang aksyunan sa lalong madaling panahon.


References:

https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17669-muscle-pain

https://health.clevelandclinic.org/7-strange-things-stress-can-body/

https://www.webmd.com/fitness-exercise/features/sore-muscles-keep-exercising

https://www.webmd.com/fitness-exercise/guide/muscle-strain

https://www.scinternalmedicine.com/2018/05/11/my-muscles-are-sore-and-i-havent-been-working-out-why/

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/myalgia 

https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/what-are-common-symptoms-of-autoimmune-disease

https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/9-benefits-of-yoga

https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-importance-of-stretching

https://www.self.com/story/benefits-of-stretching

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/fitness/in-depth/stretching/art-20047931

https://www.mayoclinic.org/symptoms/muscle-pain/basics/when-to-see-doctor/sym-20050866 https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/metabolite

Send This Article

Related Articles