Goodbye sa Pagka-inip ng mga Bata sa mga Activities na ito

Discover exciting ways to keep your kids sweating and active at home.

Goodbye sa Pagka-inip ng mga Bata sa mga Activities na ito

Discover exciting ways to keep your kids sweating and active at home.

Kapag summer break, magkakaroon ng maraming libreng oras ang iyong mga anak. Ngunit kahit mas madalas manatili ang mga bata sa loob ng bahay, hindi ito nangangahulugan na maiinip at hindi magiging masaya ang iyong mga anak habang sila'y nasa loob ng bahay!

Tulungang mapabuti ang kanilang paglalaro gamit ang mga activities na magpapagalaw sa kanilang katawan at magpapatalas sa kanilang isipan. Ang pinakamahusay na bahagi? Kaunti o wala kang kailangang mga gadget – maliban sa ilang mga kagamitan lang na meron kayo at ang inyong mga imahinasyon.

Maging Active sa Pamamagitan ng Ehersisyo

Kung may sapat na espasyo at mga taong puwedeng sumali sa inyong tahanan, pwede kayong maglaro ng mga karaniwang larong Pilipino tulad ng patintero, luksong tinik, at tumbang preso. Ito ay ideal para sa mga libreng oras o kapag weekends. Mapapabilis ng mga larong ito ang tibok ng puso ng iyong mga anak (sa magandang paraan) at mapapalabas nito ang competitive spirit ng bawat isa. 

Turuan Sila ng Larong Filipino

Kung ang iyong bahay ay may sapat na espasyo o kahit na mga manlalaro, maaari kang maglaro ng mga klasikong larong Filipino tulad ng patintero, luksong tinik, at tumbang preso. Ang mga ito ay perpekto para sa mga libreng oras o katapusan ng linggo. Ang mga larong ito ay magpapanatiling tumitibok ang puso ng iyong mga anak (sa mabuting paraan) at ilalabas ang espiritu ng pakikipagkumpitensya ng lahat. 

Mag-enjoy Nang Husto sa mga Board Games

Samantala, kung meron kayong board games tulad ng Scrabble, Monopoly, Snakes and Ladders, Pictionary, Jenga, Chess, o Checkers na nakahanda, turuan ang inyong mga anak kung paano laruin ang mga ito! Ang paglalaro ng board games ay pwedeng maging masayang family bonding na makakatulong din sa mga matatanda na magpahinga at mag -destress pagkatapos ng mahabang araw o tuwing weekends. 

Bigyan Sila ng Pagkakataong Magluto

Mainam din na habang bata pa ay umpisahan silang turuan sa kusina. Kung mahilig ang mga anak niyo sa pagkain at nagpapakita ng interes sa pagluluto, ito na ang tamang pagkakataon. Humanap ng madadaling recipes kung saan pwedeng tumulong ang iyong mga anak. Magandang pagpilian ang cookies, brownies, pancakes, o cupcakes.

Tiyakin lang na palaging bantayan sila para maiwasan ang aksidente. Kung kailangang gumamit ng kutsilyo o gunting o humawak ng mainit na kawali o kaldero, ikaw na ang gumawa ng mga ito para sa kanilang kaligtasan. Pwede mo rin silang hayaang panoorin ka mula sa malayo para matutunan nila kung paano gamitin ang mga equipments na ito ng tama, pero siguraduhing paalalahanan sila na huwag gamitin ang mga ito kapag wala silang bantay.

Mag-conduct ng mga Science Experiments

Gawing isang safe na science laboratory ang inyong tahanan sa pamamagitan ng mga eksperimento, gamit ang mga bagay na maaaring meron ka na. Ang maganda tungkol sa mga eksperimentong ito ay marami kang online resources na mapagkukunan ng ideya. 

Pwede kang sumunod sa mga pangkaraniwang mga experiement tulad ng paggawa ng mga bulkan o lava lamp. Ngunit mayroon ding mga experiment na tutulong sa iyong mga anak na gumawa ng kanilang sariling slime o kaya'y gumawa ng “magic” sa pamamagitan ng pagpapalutang o pagpapagalaw ng mga bagay!

Tulad ng sa pagluluto, sundan ang mga safety measures. Maghugas ng kamay at magsuot ng mga personal na proteksyon tulad ng goggles, guwantes, o kahit lab gown. Turuan ang iyong mga anak ng tamang paraan ng paghawak ng ilang mga bagay o substances bago mo sila hayaang hawakan ito upang maiwasan ang aksidente o pinsala.

Sa susunod na maghanap ka ng mga aktibidad para labanan ang boredom ng mga bata, huwag kaagad magbigay ng mga gadgets o mga laruan. Subukan mong mag-isip ng kakaibang gawain at tingnan ang mga educational at fun activities na siguradong magugustuhan ng lahat tuwing summer vacation.


References:

https://www.beaches.com/blog/educational-indoor-activities-for-kids/ 

https://premiumjoy.com/blog/how-to-choose-puzzle-for-children/#Puzzles_for_Preschoolers_3-5_Years_Old 

https://www.verywellfamily.com/absolutely-free-activities-for-kids-2997490 

https://www.sciencefun.org/kidszone/experiments/https://www.mkewithkids.com/post/here-are-two-weeks-worth-of-fun-and-easy-science-experiments/

Send This Article

Related Articles