Discover which foods can help lower and increase your chances of getting cancer.

Mga Pagkaing Dapat Kainin Para Pababain ang Cancer Risk

Find out which foods can increase or decrease your chances of developing cancer. Gain insights on how nutrition affects cancer prevention.

Discover which foods can help lower and increase your chances of getting cancer.

Mga Pagkaing Dapat Kainin Para Pababain ang Cancer Risk

Find out which foods can increase or decrease your chances of developing cancer. Gain insights on how nutrition affects cancer prevention.

Cancer ang isa sa mga kinatatakutang diagnosis ng sinumang tao. Maraming bagay ang nakakaapekto sa pagkakaroon ng cancer, tulad ng iyong genetics at lifestyle. Bagamat hindi mo mapapalitan ang iyong mga genes, pwede mong baguhin ang iyong mga lifestyle habits para mabawasan ang iyong risk sa nakakatakot na sakit na ito.    

Ang nutrition at diet ay isa sa mga mahahalagang lifestyle habits na pwedeng magpataas o magpababa sa iyong risk para sa cancer. Dito, tatalakayin ang ilang pagkain na maaaring maka-impluwensiya sa risk sa pagkakaroon ng cancer. . Siguraduhing basahin ito at kumilos na para maprotektahan ang iyong kalusugan!

Salarin ng Cancer: Mga Pagkain na Dapat Iwasan ng Husto

Carcinogens sa Karne

Una, mahalagang tukuyin ang kahulugan ng salitang “carcinogens.” Ito ay mga substances, organismo, o agents na may kakayahang magdulot ng kanser. Ang mga carcinogens sa pagkain ay hindi direktang nagdudulot ng cancer, pero maaaring maging sanhi ng sakit na ito sa kalaunan. 

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga processed meats ay pwedeng magpataas ng panganib para sa cancer. Ang uri ng karne na ito ay kinokonsidera bilang parte ng Group 1-Carcinogens. Ibig sabihin, may matibay na ebidensya na ang uri ng pagkain na ito ay maaaring magdulot ng cancer sa mga tao.

Sa kabilang banda, isinaad rin ng WHO na ang mga red meats ay bahagi ng Group 2A Carcinogens. Nilalagay ang ilang uri ng mga pagkain sa grupong ito kung may mahinang ebidensiya ng carcinogenicity sa mga tao, pero may matibay na ebidensya ng toxic na epekto sa mga hayop.

Kapag niluto ang karne sa mataas na temperatura, kagaya ng pag-ihaw o pag-prito , nagagawa ang mga chemicals tulad ng heterocyclic amines. Ang mga substances na ito ay napatunayang carcinogenic at mutagenic.

Dahil dito, ipinapayo ng ilang eksperto ang pag-iwas sa pag-iihaw ng pagkain at pagpili ng mga alternatibong paraan ng pagluluto, tulad ng pag-steam o pag-simmer ng pagkain.

Pagkaing Mataas sa Calories at Ubod ng Tamis

Ang mga pagkaing ito ay kadalasang highly processed at refined, nababawasan ang mga micronutrients, at naiiwan ang mga “empty calories.” Kapag dumami ang calories, maaari itong magdulot ng weight gain o pagdagdag ng timbang. Ang pagiging obese o overweight ay maaaring magpataas ng risk para sa ilang uri ng mga cancer tulad ng breast, colon, rectum, uterus, gallbladder, at kidney cancer.    

Mahalaga ang pagkontrol o pagmoderate pagdating sa mga matatamis na pagkain. Subukang manatili sa maximum o inirerekomendang calorie intake kada araw (depende sa iyong edad, timbang, at tangkad). 

Ang Lasa ng Proteksyon: Pagkaing Tutulong sa Pagbawas ng Risk a Cancer

Carotenoids sa Mga Dark-Colored Vegetables

Kung mamimili ka sa grocery, tandaang pumili ng mga dark leafy vegetables — siguradong dadagdagan nito ang iyong plato ng nutrisyon at health benefits. Ang dark leafy greens ay mayaman rin sa carotenoids.

Ito ay mga antioxidant compounds na napatunayang tumutulong sa pagpapababa ng risk para sa cancer at nagbibigay ng ilang health benefits tulad ng pagkakaroon ng malusog na balat at buhok. 

Ang mga carotenoid ay fat-soluble: ibig sabihin mas ma-a-absorb ng katawan mo ito nang mas mabuti kapag kinain kasabay ng mga healthy fats, bilang parte ng isang balanced meal. Ilan sa mga pwede mong pagkunan ng carotenoids ay lettuce, spinach, at talbos ng kamote. 

Soluble at Insoluble Fiber                                                                          

May dalawang uri ng fiber: soluble (natutunaw sa tubig) at insoluble. Ang soluble fiber ay pinoproseso ng iyong gut bacteria para gumawa ng mga substances tulad ng butyrate na may mga benepisyo para sa kalusugan. Ang soluble fiber ay pwede ring tumulong sa pagbawas ng blood sugar levels, na siyang may epekto sa panganib mo para sa cancer.

Ang pinakamabisang paraan upang makakuha ng mas maraming fiber sa iyong diet ay ang pagkain ng sapat na dami ng prutas at gulay araw-araw. 

Whole Grains                                                                                                                                   

Ang mga whole grains tulad ng brown rice, oatmeal, at whole-wheat bread ay nagtataglay ng phenolic acids. Mahalaga ang mga ito para sa kalusugan ng tao dahil makakatulong ito sa pag-iwas sa pinsala sa cells na dulot ng free radicals (unstable na molecules sa katawan na pwedeng magdulot ng pinsala sa mga cells). Ang mga whole grains ay mayaman rin sa fiber.   

Iba Pang Impormasyon Tungkol sa Pag-Iwas sa Cancer.                                                                   

Makakatulong ang Hope from Within sa pagdaragdag ng iyong kaalaman tungkol sa halaga ng diet at iba pang paraan para mabawasan ang panganib para sa cancer. Makipagtulungan sa iyong healthcare provider o nutrition specialist para mas maging masustansya ang iyong diet. 

References:   

https://www.healthline.com/health/soluble-vs-insoluble-fiber#benefits  https://www.healthline.com/nutrition/cancer-and-diet https://www.verywellhealth.com/carcinogens-in-cigarettes-how-they-cause-cancer-514412 https://www.verywellhealth.com/carcinogens-in-cigarettes-how-they-cause-cancer-514412

https://www.aetnainternational.com/en/about-us/explore/fit-for-duty-corporate-wellness/cancer-causing-foods-cancer-fighting-foods.html

https://www.nfcr.org/blog/cancer-fighting-food-whole-grains-for-better-breakfast-month-2021/

https://www.cdc.gov/cancer/obesity/index.htm

Send This Article

Related Articles