Para sa ilan, ang allergic reactions ay maaaring maging abala. Bukod dito, hindi rin madaling malaman kung ano ang mga sanhi o allergens kung hindi ka magpapa-test. Ang nakakalungkot pa dito, maaari itong lumala at magdulot ng iba’t ibang komplikasyon tulad ng sinusitis, otitis media (pagbabago sa presyon ng hangin at pagdaloy ng mucus mula sa ilong patungo sa tenga), at hika.
Para labanan ang negatibong epekto ng allergy, ugaliing maghanda ng mga anti-histamines (gamot para sa allergy). Alamin rin ang mga pangkaraniwang gamot na dapat mong ilagay sa medicine cabinet o dalhin sa iyong bag.
Ang Mga Anti-Allergy o Antihistamine ay Maaaring Maging Kaagapay Laban Sa Allergic Reaction
Inirerekomenda ang mga Anti-Allergy meds o Antihistamines para sa mga allergic reactions. Hinaharang ng mga gamot na ito ang mga epekto ng histamine, isang kemikal na responsable sa pag-trigger ng mga sintomas tulad ng pamumula, pamamaga, at pangangati.
Available ang mga antihistamine sa maraming format, tulad ng mga tablet o capsules, syrups, nasal spray at mga eye drops. Kung gusto mong maghanda ng stock ng mga gamot para sa allergy, ito ang mga kailangan tandaan:
- Cetirizine: Tumutulong itong maiwasan ang mga kati at pantal, pagbahing, sipon, pangangati ng ilong, at sore eyes. Ito'y inirerekomenda sa mga matatanda na inumin isang beses sa isang araw.
- Levocetirizine: Ang antihistamine na ito ay nagpapagaan ng mga sintomas na nauugnay sa allergic rhinitis. Inirerekomenda ito para sa mga matatanda na inumin nang isang beses sa isang araw.
- Loratadine: Kung ikukumpara sa ibang antihistamines, ang loratadine ay hindi nagdudulot ng antok. Ito'y inirerekomenda sa mga matatanda na inumin isang beses sa isang araw.
- Diphenhydramine: Inirerekomenda ito para sa mga taong may mga sintomas na nauugnay sa hay fever o karaniwang sipon. Ito ay nakakatulong para sa pag-alis ng mga sintomas na nauugnay sa allergic rhinitis, allergic conjunctivitis dahil sa pagkain, at mild skin allergies. Ang mga matatanda ay pinapayuhang uminom ng isang kapsula kada anim na oras o ayon sa reseta ng doktor.
Isang mahalagang paalala na ang mga antihistamine tulad ng Cetirizine, Levocetirizine at Diphenhydramine ay maaaring mag-trigger ng antok bilang side effect. Kaya naman para makaiwas sa aksidente, huwag magmaneho o magpatakbo ng mga kumplikadong makinarya pagkatapos uminom ng alinman sa mga antihistamine na nabanggit.
Nakatutulong rin ang mga Decongestants Para Pagaanin ang mga Sintomas ng Allergy
Kilala ang mga decongestant sa pagpapaliit ng mga blood vessels (daluyan ng dugo) sa ilong. Dahil dito mas lumuluwag na ang pagdaloy ng hangin sa ilong. Ang dalawang karaniwang ginagamit na over the counter decongestant ay ang phenylephrine at phenylpropanolamine. Ang mga over the counter decongestant na ito ay nagdudulot ng pansamantalang ginhawa mula sa nasal congestion ngunit hindi ginagamot ang sanhi ng mga allergy. phenylephrine at phenylpropanolamine. Ang mga over the counter decongestant na ito ay nagdudulot ng pansamantalang ginhawa mula sa nasal congestion ngunit hindi ginagamot ang sanhi ng mga allergy.
Maaring magtanong sa inyong doktor tungkol sa mga gamot na may combination ng anti-allergy at decongestant. Nakakatulong ang gamot na ito na magbigay ng lunas mula sa mga sintomas ng allergic rhinitis. Ilan sa mga sintomas na ito ay ang baradong ilong, runny at itchy nose, sneezing, at itchy sore eyes. Gayunpaman, tandaan na ang gamot na ito ay maaaring maging dahilan ng pagka-antok na maaaring makaapekto sa iyong trabaho.
If symptoms persist, consult your doctor.
References:
https://www.webmd.com/allergies/allergy-medications
https://www.webmd.com/allergies/what-are-histamines
https://www.medicalnewstoday.com/articles/311845#medications
https://www.verywellhealth.com/generic-allergy-medicines-83104
https://www.healthline.com/health/allergies/decongestants#Understanding-Decongestants
https://www.healthline.com/health/drugs/cetirizine#side-effects
https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a698026.html
https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a607056.html
https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a682539.html
https://www.nhs.uk/medicines/loratadine/ https://www.nhs.uk/conditions/antihistamines/