Pagbahing, tumutulong sipon o baradong ilong, sakit sa katawan, at sakit ng ulo - kapag mayroon ka ng alinman or lahat sa mga sintomas na ito, alam mong malapit ka ng magkaroon ng sipon. Kahit mabilis pa itong gumaling, ang pag pag harap dito ay maaring maka apekto sa pang araw araw na gawain.
Pero bakit nga ba tinatamaan ang sipon ang mga tao?Tandaan ang mga impormasyong ito na makakatulong sa iyo na maunawaan kung paano at bakit ka nagkakaroon nito.
- Ang karaniwang sipon ay sanhi ng mga virus, partikular na ang mga rhinovirus. Sinasabing hanggang 50% ng mga karaniwang sipon ay dulot ng mga rhinovirus. Gayunpaman, maaari ring maging sanhi ng sipon ang coronavirus, respiratory syncytial virus (RSV), o parainfluenza. Karaniwang lumalabas ang mga sintomas isa hanggang tatlong araw matapos ma-expose sa virus.
- Pumapasok ang colds virus sa iyong katawan sa tatlong iba't ibang paraan: sa bibig, mata, o ilong. Ang isang taong may sipon ay maaaring magkalat ng virus nito kapag sila'y umuubo, bumabahing, o nagsasalita. Maari mo ring masinghot ang mga droplets na naglalaman ng virus sa mula iyong bibig o ilong, na nagiging daan para makapasok ito sa iyong katawan.
Maaari rin makuha ang cold-causing virus sa pamamagitan ng hand-to-hand contact sa isang taong infected, at/o kapag hinawakan at/o naki-share ka sa mga bagay na ginamit ng taong may sipon. Sa oras na hawakan mo ang iyong mga mata, ilong, o bibig pagkatapos ng nasabing contact, maaari nang maglakbay ang virus patungo sa iyong katawan. - Ang isang adult ay karaniwang nagkakaroon ng sipon ng dalawa o tatlong beses sa isang taon. Samantala, ang mga bata ay maaaring magkaroon ng sipon nang apat o higit pang beses sa isang taon. Ito ay dahil ang mga immune system ng mga bata ay hindi pa ganap na kayang makakilala at labanan ang mga virus na nagdudulot ng sipon. Kapag ikaw ay naging adult na, mas nakikilala na ng iyong immune system ang mga virus na nagdudulot ng sipon, at mas kaya na nitong harapin ang mga virus nang maayos.
Dagdag pa dito, kapag magkakasama ang mga bata, lalo na sa paaralan, kadalasang hindi nila tinatakpan ang kanilang bibig kapag sila'y umuubo o bumabahing. Nakasanayan rin nilang hawakan ang kanilang mga mukha gamit ang maruruming kamay, na nagpapabilis naman sa pagkalat ng virus. - Bagamat karaniwan ang sipon sa malamig na panahon, hindi ito direktang sanhi ng sipon. Gayunpaman, maaaring makaapekto ang mas malamig na temperatura sa paraan ng pagkalat ng virus. Ang mga virus na nagdudulot ng sipon ay maaaring kumalat nang mas mabilis sa malamig na kapaligiran. Bukod dito, dahil mababa ang humidity kapag malamig ang panahon, maaaring matuyo ang iyong mga nasal passages, na nagiging mas madaling kapitan ng mga cold-causing viruses.
- Wala pa talagang kilalang lunas para sa karaniwang sipon. Ipinapayo ng health experts na hayaan mong ang sipon ay "ituloy ang takbo nito." Ngunit sa parehong oras, kailangan mong gawin ang mga hakbang upang palakasin ang iyong resistensya at maiwasan ang pagkalat ng mga cold-causing virus. Kung may sipon ka, siguruhing:
- Makakuha ng sapat na tulog.
- Kumain ng pagkain na mataas sa sustansya tulad ng sabaw ng manok, mga sabaw, orange, lemon, at mga berries.
- Uminom ng maraming fluids upang maiwasan ang dehydration.
- Iwasan ang matatamis na pagkain sapagkat ang mga ito ay maaaring mag-pahina ng iyong immune system.
- Iwasan ang pagpunta sa paaralan, opisina, o iba pang pampublikong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng mga virus na nagdudulot ng sipon.
- Iwasan ang pag-halik, pag-yakap, o pakikipag-kamay sa ibang tao.
- Hugasan nang mabuti ang kamay gamit ang sabon at tubig upang masigurong malinis ito mula sa germs, virus, at bacteria.
- Kung kinakailangan mong umubo o bumahing, lumayo sa mga tao at takpan ang iyong bibig. Siguruhing umubo o bumahing sa isang piraso ng tissue o manggas ng iyong damit.
Gayunpaman, kung ang mga sintomas ay nagiging nakakabahala na, kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa mga over-the-counter (OTC) na gamot na maaaring makatulong laban sa sintomas ng sipon.
Maaaring irekomenda din ang isang decongestant dahil maaaring makatulong ito sa pakikipaglaban sa nakakairitang stuffy nose, pati na rin sa mga baradong daluyan at daanan ng sinus.
Maghanap ng medikal na atensyon kung ang mga sintomas ay patuloy na nananatili kahit pa nagsimula na sa paggamot. Kung ikaw ay nakakaranas ng tuloy-tuloy na katamtaman o mataas na lagnat, severe sore throat, at sakit ng ulo, maaring senyales na ito ng mga isyu sa kalusugan na nangangailangan ng agarang atensyon.
References:
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12342-common-cold
https://www.cdc.gov/features/rhinoviruses/index.html
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/common-cold
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-cold/symptoms-causes/syc-20351605
https://www.webmd.com/cold-and-flu/cold-guide/common_cold_causes
https://www.medicalnewstoday.com/articles/323431
https://www.medicalnewstoday.com/articles/321786
https://www.healthline.com/health/common-cold-risk-factors#seasons
https://www.healthline.com/nutrition/15-best-foods-when-sick
https://www.piedmont.org/living-better/foods-and-drinks-that-compromise-your-immune-system