Fatty liver disease can significantly affect your overall health - learn what it is and how to prevent it here.

Iwasan ang Fatty Liver sa Tulong ng Tips na Ito

Learn about the potential impacts of this disease on your body.

Fatty liver disease can significantly affect your overall health - learn what it is and how to prevent it here.

Iwasan ang Fatty Liver sa Tulong ng Tips na Ito

Learn about the potential impacts of this disease on your body.

Ang iyong katawan ay tahanan ng maraming organ, tulad ng atay, na mayroong maraming tungkulin para sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan.

Ang iyong atay ay may importanteng gampanin tulad ng pag-iimbak ng iron, paggawa ng mga protina para sa katawan at bile na kailangan para sa pagtunaw ng pagkain, paglikha ng mga substance na tutulong sa blood clotting at paghilom ng sugat, at pag-transform ng mga nutrients bilang enerhiya.

Pero ang isa sa mga pinakamahalagang tungkulin ng iyong atay ay ang pag-alis ng mga lason, toxin, at bacteria mula sa dugo. Kasabay nito, tumutulong ang atay sa pagpapabuti ng kalusugan ng immune system. Dahil sa mga positibong benefits na konektado sa atay, kinakayang kontrahin ng katawan ang mga infection at sakit nang mas mabuti.

Sa kasamaang palad, may mga factors na maaaring makagambala sa pag-function ng atay habang tumatagal. Maari itong pataasin ang iyong risk para sa fatty liver disease.

Habang maaga pa, alamin kung paano nakakaapekto ang isyu na ito sa iyong kalusugan, at alamin ang ilang paraan para mapanatili ang mabuting kalusugan ng atay.

Ano nga ba ang Fatty Liver Disease?

Ang fatty liver disease ay isang grupo ng mga sakit kung saan mapapansin ang build-up o pamumuo ng taba sa atay. May dalawang uri ng health issue na ito:

  • Nonalcoholic fatty liver disease (NAFLD) o hepatic steatosis, na pwede pang mahati sa dalawang klase ng isyu:
    • "Simple" fatty liverAng mga taong na-diagnose nito ay may build-up ng taba sa atay, pero walang dagdag na pamamaga (inflammation) o pinsala sa mga cell ng atay
    • Non-alcoholic steatohepatitis (NASH): Ibig sabihin, mayroong taba na namumuo sa atay, at ito’y may senyales ng pamamaga (inflammation) at pinsala sa mga cell ng atay
  • Alcoholic fatty liver disease o alcoholic steatohepatitis, kung saan ang labis na pag-inom ng alak ay nagdudulot ng pamumuo ng taba sa atay

Kapag hindi naagapan, ang pamamaga ng atay ay pwedeng magdulot ng pinsala sa tissues nito, at ang estadong ito ay tinatawag na steatohepatitis. Kapag nasira ang atay, maaari itong magdulot ng fibrosis kung saan may scar tissue na nabuo sa atay.

Ang uri ng tissue na ito ay pwedeng pumalit sa dating tissue at maging sanhi ng liver cirrhosis. Ngunit kapag hindi naagapan ang sakit na ito, maaari itong magdulot ng liver failure o kaya liver cancer.

Sino ang Nanganganib Para sa Fatty Liver Disease?

Ang mga factor na ito ay maaaring magpataas ng iyong risk para sa fatty liver disease:

  • Pagiging overweight o obese
  • Pagkakaroon ng Type 2 diabetes o prediabetes, metabolic disorders, o impeksyon tulad ng hepatitis B o C
  • Mataas na blood pressure levels
  • Mataas na levels ng triglycerides o LDL (masamang cholesterol) sa dugo
  • Karaniwan ang fatty liver disease sa mga adult na middle-age o mas matanda
  • Gamot o drugs tulad ng corticosteroids at gamot pang-kanser
  • Mabilisang weight loss kung saan ang isang tao ay nabawasan ng 5% ng kanyang body weight (10 pounds o mahigit) sa loob ng anim hanggang 12 buwan kahit wala siyang plano magbawas ng timbang
  • Prior exposure sa mga toxin tulad ng microcystins (MCs), disinfection by-products (DBPs), heavy metals (HMs), dioxins, polychlorinated biphenyls (PCBs), at carbon tetrachloride na matatagpuan sa mga pinagkukunan ng tubig, mga kemikal na pang-industriya. industriyal na kemikal, tubig na chlorinated o brominated, pintura, o pandikit

Isang aspeto ng fatty liver disease na dapat alalahanin ay ang pagiging asymptomatic ng karamihan sa mga kaso nito. Maaaring hindi matuklasan ang fatty liver disease hangga’t nakapagpa-check-up ang isang tao.

Sa ilang mga kaso, ang mga taong may fatty liver ay dumaranas ng sakit sa tiyan (lalo na sa upper right na bahagi), nausea, poor appetite o weight loss, jaundice (paninilaw ng balat at puti sa mata), edema (namamagang tiyan o binti), pagkahina, pagkapagod, o mental confusion.

Subukan ang Mga Tips na Ito Para Maalagaan ng Mas Mabuti ang Atay

Kung layunin mo ang maiwasan ang fatty liver disease at alagaan ang iyong atay nang mas mabuti, pwede mo itong simulan sa pamamagitan ng mga malaking pagbabago sa iyong lifestyle..

Ayon sa mga mananaliksik ng isang pag-aaral mula 2021, ang pagbabawas ng timbang o weight loss ay isa sa mga pinakaepektibong paraan para mapabuti ang kalusugan ng atay. Maaari kasi itong magdulot ng mas magandang mga kinalabasan para sa mga pasyenteng may fatty liver disease. 

Sikapin na kumain ng isang masustansyang at balanseng diet, uminom ng maraming tubig, at subukang mag-ehersisyo kung makakaya. Ang mga hakbang na ito ay makakatulong sa iyo na makamit ang angkop na timbang at bawasan ang panganib para sa fatty liver.

Higit sa lahat, pwede mong tanungin ang iyong doktor tungkol sa nararapat na diet para sa iyong kasalukuyang kalusugan, o kung may mga ipinagbabawal na pagkain na dapat mong malaman. 

Bukod sa pagbabawas ng timbang timbang, narito ang dalawa pang diskarte para mabawasan ang iyong panganib para sa fatty liver disease:

  1. Bawasan nang husto ang pag-inom ng alak: Ang pagbawas sa pag-inom ng alak ay pwedeng magpababa ng risk para sa pagbuo ng taba sa atay.

  2. Agapan ang mga health issue na pwedeng magpataas ng risk para sa fatty liver disease: Gaya ng nabanggit sa unang bahagi, ang mga isyu tulad ng diabetes, hypertension, o mataas na levels ng triglyceride ay pwedeng magdulot ng pinsala sa atay at pataasin ang risk para sa fatty liver disease. Kapag inagapan muna ang mga isyu na ito, maaari mong mabawasan ang risk para sa mga komplikasyon na nakakaapekto sa kalusugan ng atay.

    Kung nararanasan mo ang alinman sa mga nabanggit na problema at gusto mong protektahan ang iyong atay, magtanong sa doktor tungkol sa mga gamot tulad ng glimepride, metformin o atorvastatin para sa diabetes, o losartan o atorvastatin rin para sa mataas na blood pressure.

    Bagamat ang mga gamot na ito ay hindi direktang umaaksyon sa fatty liver, epektibo ito pagdating sa pag-agap ng mga problemang pangkalusugan na magpapataas sa risk mo para rito.

    Bukod dito, siguraduhin na lagi itong iniinom sa ilalim ng pangangasiwa o supervision ng iyong doktor.

Kung interesado kang malaman ng higit pa tungkol sa kalagayan ng iyong atay, pwedeng-pwede kang kumunsulta sa iyong doktor. Ang pagsuri ng mga senyales ng fatty liver disease hangga’t maaga pa ay mahalaga sa pagpigil ng komplikasyon na konektado sa isyung ito.


References:

https://medlineplus.gov/fattyliverdisease.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15831-fatty-liver-disease

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17770-unexplained-weight-loss

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/nonalcoholic-fatty-liver-disease

https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/liver-fatty-liver-disease

https://www.healthline.com/health/fatty-liver

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/toxic-hepatitis/symptoms-causes/syc-20352202

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S016041202100180X

https://www.cdc.gov/biomonitoring/THM-DBP_FactSheet.html

https://www.edf.org/health/carbon-tetrachloride 

https://dom-pubs.onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/dom.14569

Send This Article

Related Articles