Learn whether cancer is a hereditary disease here.

Namamana Ba ang Cancer? Ang Katotohanan Tungkol sa Genetics at Cancer

There are concerns surrounding cancer and its potential risk among relatives. Learn if cancer is hereditary or not, and how to reduce your risk for it.

Learn whether cancer is a hereditary disease here.

Namamana Ba ang Cancer? Ang Katotohanan Tungkol sa Genetics at Cancer

There are concerns surrounding cancer and its potential risk among relatives. Learn if cancer is hereditary or not, and how to reduce your risk for it.

Ang cancer ay isa sa mga pinaka-kinatatakutan na sakit, hindi lamang ng taong dumaranas nito, pero pati na rin ng mga kapamilyang maaaring maging apektado. Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, ang cancer ay ang pangatlong pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa. Naitala ang 14,928 na kaso ng pagkamatay mula sa cancer mula Enero hanggang Abril 2022.

Nauunawaan ng karamihan sa atin na ang risk sa pagkakaroon ng cancer ay pwedeng manggaling mula sa factors tulad ng paninigarilyo, obesity, at toxins sa kapaligiran. Pero, isang factor na maaaring magdulot ng pangamba ay ang epekto ng family history ng cancer.

Basahin ang quick read na ito na magpapaliwanag kung paano maaaring magdulot ng cancer ang mga gene sa katawan, at paano maiiwasan ang cancer na maaaring namamana.

Ano ang Posibilidad na Mag-ka-kanser Kung May History ng Cancer sa Pamilya?

Karaniwang paniniwala na ang sakit na cancer ay namamana at naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Pero hindi ganito ang nangyayari. Ayon sa National Cancer Institute, posible na “dumaloy” ang cancer sa mga magkakapamilya kung ipinasa ng isang magulang ang mutated gene sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng sperm o egg cell. 

Bagamat maaaring tumaas ang risk ng isang tao para sa cancer kapag may gene mutation na nakita, hindi agad ito nangangahulugan na magkakaroon ka ng sakit na ito. Sa katunayan, inihayag ng American Cancer Society (ACS) na 5% hanggang 10% lamang ng mga kaso ng cancer ay konektado sa mga gene mutation na namamana mula sa mga magulang.

Sa ibang mga kaso, posibleng maging laganap ang cancer sa iisang pamilya kung ang mga magkaka-mag-anak ay may mga kombinasyon ng genetic variants na pwedeng magdulot ng maliit na pagtaas para sa panganib para sa sakit na ito. Hight pa rito, may mga magkakapamilya na nagkataon lamang na na-diagnose ng cancer ng sabay-sabay.

Ano ang Family Cancer Syndrome?

Gaya ng inihayag ng ACS, kapag may pagbabago sa genes na maaaring magpataas ng cancer risk sa isang pamilya, ito ay tinatawag na family cancer syndrome. Tinatawag rin itong inherited cancer syndrome o genetic cancer syndrome.  

Ang namanang abnormal o mutated na gene ay naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Pero kagaya ng nabanggit, humigit kumulang na 5% hanggang 10% ng mga cancer lamang ay konektado sa mga gene defects na namamana sa magulang. Bukod dito, ang cancer na karaniwan sa mga pamilya ay konektado sa mga factors na maaaring magpataas ng panganib nila para sa sakit na ito, tulad ng paninigarilyo at obesity., 

Makakatulong ba ang Genetic Testing?

May mga experto na nagsasabing mahalaga ang genetic testing para sa mga taong may family history ng cancer. Ang pagsuri para sa genetic mutations na maaaring magpataas ng cancer risk ng isang tao ay makakatulong sa paggawa ng mga estratehiya na magpapabuti ng kalidad ng buhay at kalusugan.

Ang mga taong sumasailalim sa pagsusuring ito ay nagpapasa ng mga sample ng dugo o laway. Ito ay dahil ang mga cell mutations na maaaring magpataas ng cancer risk ay nakaka-apekto sa lahat ng mga cells sa katawan.

Pero bago sumailalim sa genetic testing, kumunsulta muna sa isang doktor o health practitioner. Pwede nilang tingnan ang iyong personal medical history o ng iyong pamilya para malaman kung may mga “pattern” na maaaring magpahiwatig ng mas mataas na cancer risk. Mahalaga ang hakbang na ito dahil may mga nagsasabi na ang genetic testing ay hindi kapaki-pakinabang para sa lahat. 

Paano Maiiwasan ang Cancer Kapag May Family History ng Cancer

Tandaan na ang paglaganap ng cancer sa isang pamilya ay hindi palaging konektado sa mga genes. Ang mga factor tulad ng lifestyle habits, kapaligiran (environment), o exposure sa polusyon o paninigarilyo ay maaaring magdulot ng malaking epekto. Tandaan ang mga tips na ito na makakatulong sa pagpapababa ng cancer risk ng inyong pamilya:

  1. Itigil ang paninigarilyo o paggamit ng mga produktong may tobacco.
  2. Kumain ng isang balanseng diet na puno ng masustansyang pagkain.
  3. Mag-ehersisyo nang madalas upang mapanatili ang healthy weight.
  4. Maglagay ng sunblock sa katawan at protektahan ito laban sa mga nakakapinsalang sinag ng araw.

Bukod dito, maaari mo ring tanungin ang iyong mga kapamilya tulad ng mga magulang, lolo’t lola, tita, tito, at mga pinsan tungkol sa history ng pamilya niyo pagdating sa cancer. Sikaping alamin kung may mga kapamilya kang na-diagnose o namayapa rin dahil sa isang uri ng cancer.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), pwede mong kausapin ang isang doktor kung ang iyong pamilya ay may kasaysayan para sa kanser, lalo na ng breast, ovarian, uterine, o colorectal cancer.

Matutulungan ka nila sa pag-unawa sa mga risk na mayroon ka, at tiyakin kung kailangan mo pang sumailalim sa ibang pagsusuri o genetic counseling. Sa genetic counselling, hahanapin ng eksperto ang mga mutatations sa iyong DNA na maaaring magpataas ng risk mo para sa ibang mga uri ng cancer. 

Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang mga guidelines ng American Cancer Society (ACS) at tingnan kung kailan ka dapat magpasuri para sa mga partikular na uri ng cancer.

Kapag may iba pang tanong tungkol sa pag-iwas sa cancer na pwedeng maging laganap sa pamilya, bisitahin ang Makakatulong ang Hope from Within para sa higit pang impormasyon. 

References:

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5915125/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC9857053/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2515569/

https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/risk/substances

https://www.cancer.gov/about-cancer/causes-prevention/genetics#is-cancer-hereditary
https://www.cancer.org/healthy/cancer-causes/genetics/family-cancer-syndromes.html

https://www.mdanderson.org/prevention-screening/family-history/hereditary-cancer-syndromes.html

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/in-depth/cancer-prevention/art-20044816

https://www.cdc.gov/cancer/family-health-history/index.htm

https://psa.gov.ph/content/2022-causes-deaths-philippines-preliminary-31-may-2022

Send This Article

Related Articles