Mabilis at Madaling Paraan Para Maagapan ang Allergies

Finding the right treatment for your allergy starts with understanding the condition and its different types.

Mabilis at Madaling Paraan Para Maagapan ang Allergies

Finding the right treatment for your allergy starts with understanding the condition and its different types.

Nakakaranas ka ba ng pagbahing o pangangati ng ilong pagkatapos kumain ng partikular na pagkain, humawak ng aso, o pumasok sa isang lugar na maalikabok o may amag? Kung oo ang sagot mo, ito ay senyales na ang iyong katawan ay nagre-react sa mga allergens sa iyong paligid. 

Bagama't karaniwan ang mga sintomas ng allergy, maaari itong maka-istorbo sa ilang pagkakataon. Hindi mo gugustuhing maranasan ang mga sintomas ng allergies habang ika’y nasa importanteng lugar o kaganapan, hindi ba?

Kung nahihirapan ka sa mga allergies, ipagpatuloy lang ang pagbabasa. Narito ang isang gabay kung bakit negatibo ang reaksyon ng iyong katawan sa mga allergen, kasama ang mabubuting stratehiya na dapat tandaan sa susunod na makaranas ng allergy symptoms.

Ano ang Mangyayari Kung Ikaw ay May Allergic Reaction?

Kapag ang isang allergen, o substance na sanhi ng mga allergy ay pumasok sa iyong katawan, itinuturing itong isang “invader.” Dahil dito, ang immune system ay tumutugon sa pamamagitan ng paggawa ng isang kemikal na tinatawag na histamine. Sa pagtaas ng produksyon ng histamine sa katawan, mararanasan mo ang mga sintomas ng allergy tulad ng pag-ubo, pagbahing, pantal, o pangangati.

Ang iyong katawan ay tumutugon din sa mga allergen sa pamamagitan ng paggawa ng mga antibodies na tinatawag na Immunoglobulin E (IgE). Karaniwan itong nangyayari sa unang “exposure” mo sa isang allergen. Ang pangunahing layunin ng IgE antibodies ay hanapin ang mga allergens na responsable sa reaksyon, at alisin ang mga ito sa iyong katawan.

Ano ang Nagdudulot ng Allergy?

Maraming sanhi ang mga sintomas ng allergies. Ang ilan sa mga pinaka-karaniwang allergens ay:

  • Mga gamot tulad ng penicillin o aspirin
  • Pollen 
  • Dust mites o alikabok na matatagpuan sa mga unan, kutson, carpet, at upholstery
  • Mga produktong latex tulad ng rubber gloves
  • Mga pagkain tulad ng gatas, itlog, soy, wheat, shellfish, mani, at tree nuts
  • Mga kagat ng insekto, lalo na ng mga bubuyog 
  • Mga alagang hayop tulad ng pusa at aso (kadalasan dahil sa exposure sa patay na balat o balakubak na galing sa mga hayop na ito)
  • Amag na nasa mga basang lugar sa loob ng bahay (sa basement, kusina, o banyo) o sa labas

Kung hindi ka sigurado tungkol sa sanhi ng iyong allergies, maaari kang sumailalim sa pagsusuri sa balat o sa dugo upang matukoy ito.

Paano Mo Malulutas ang Mga Allergy?

Kung nakakaranas ka ng sintomas ng allergies, subukan na manatiling kalmado. Bantayan at tandaan ang mga sintomas na iyong nararanasan at ang posibleng sanhi ng mga ito.

Bukod dito, kung napansin mo na mabilis kang mag-react sa mga allergens at nakaranas na ng mga sintomas dati pa, tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga gamot na maaaring inumin na tutulong sa pagbigay ng agarang lunas.  

May mga OTC na antihistamine at decongestant na pwedeng bilhin. Ang una ay tumutukoy sa isang klase ng mga gamot na tumutulong sa pagharang o pagbawas ng mga histamine na nagdudulot ng allergy. Sa kabilang banda, ang mga decongestant ay tumutulong sa pagtugon sa mga baradong nasal passageways na namaga o sumikip dahil sa allergens at mga sintomas

Pero kung ikaw o isang kakilala ay nakaranas ng matinding sintomas gaya kahirapan sa paghinga, pagkawala ng circulation, low blood pressure, o fainting, humingi kaagad ng tulong medikal. Ito ay maaaring mga senyales na ng anaphylaxis o anaphylactic shock, kung saan ang immune system ng katawan ay nag-overreact ng husto sa isang partikular na allergen. 

Bukod sa mga sintomas na na-trigger nito, ang anaphylaxis ay maaari ding magdulot ng pagsikip sa iyong mga airways (na pwedeng magdulot ng kahirapan sa paghinga). Ang mga blood vessels ay maaari ring tumagas, maging sanhi ng fluid build-up, at posibleng magdulot ng isang uri ng pamamaga na tinatawag na edema.

Kung nagpatuloy ang iyong allergies nang mas matagal, kumunsulta kaagad sa iyong doktor. Maaari nilang matuklasan kung bakit naiiba ang iyong mga reaksyon kumpara sa iba at/o magrekomenda ng mas mabisang gamot na maaaring makatulong na maiwasan ang mga negatibong epekto ng allergies.


References:

https://www.aafa.org/types-of-allergies/ 

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8610-allergy-overview

https://www.webmd.com/allergies/know-your-allergy-triggers  

https://www.webmd.com/allergies/antihistamines-for-allergies 

https://www.webmd.com/allergies/antihistamines-1 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pet-allergy/symptoms-causes/syc-20352192 

https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/allergy-shots/about/pac-20392876 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anaphylaxis/symptoms-causes/syc-20351468 

https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/3-ways-to-manage-allergies 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/321500#-what-is-an-allergic-reaction 

https://www.healthline.com/health/allergies/timeline-anaphylactic-reaction#stay-calm 

https://www.healthline.com/health/allergies/allergic-reaction#symptoms 

https://www.nhs.uk/conditions/anaphylaxis/ 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/216062#what-happens

https://www.medicalnewstoday.com/articles/159111#_noHeaderPrefixedContent

Send This Article

Related Articles