Napakahirap para sa sinumang pasyente at sa kanilang pamilya ang ma-diagnose ng kanser. Ang maraming uri ng kanser, ang iba't ibang epekto nito sa katawan, at ang iba’t ibang paraaan ng paggamot dito ay talaga namang nakakalito. Ang emosyonal at mental na epekto ng pagkakaroon ng kanser ay nakakaapekto rin sa kondisyon ng tao. Ang ugali o disposisyon ng pasyente, mga saloobin, paniniwala, at support system ng pamilya ay may mahalagang papel sa tagumpay ng anumang paggamot na gagawin.
Sa dami ng mga factor na nakakaimpluwensya sa prognosis, ang pagsubok na matugunan silang lahat ng walang organisadong estratehiya ay maaaring maging nakakalito. Dito maaaring makatulong ang pagkakaroon ng isang Functional Medicine (FM) doctor. Habang ang oncologist ang bahala sa paggamot ng cancer, at ang mga subspecialist naman ay tumutulong sa paggamot sa iba pang komplikasyon ng kanser, maaaring gabayan ng FM doctor ang pasyente sa pagbuo ng isang holistic (pangkalahatan at alternatibo) na plano sa paggamot.
Paano Nakakatulong ang Functional Medicine sa mga Cancer Patients
Sa isang pag-aaral noong 2019 na tumingin sa higit sa 7000 pasyente sa Center for Functional Medicine (CFM) ng Cleveland Clinic, napakita na "the functional medicine model of care demonstrated beneficial and sustainable associations with patient-reported health-related quality of life”. Isinasaalang-alang ng mga practitioner ng system biology approach na ito ang madalas na ‘di napapansing mga lifestyle factors ng isang tao. Kasama dito ang nutrisyon, pagtulog, stress levels at coping mechanisms , mindset, at ehersisyo — at maging ang support system ng isang tao. Ang pagtugon sa mga tinatawag na root causes of health na ito ay nakakatulong na mapabuti ang pangkalahatang kondisyon ng pasyente at mas maging epektibo ang cancer treatments tulad ng chemotherapy, radiation, at operasyon.
Pinagtutuunan ng pansin din ng CFM ang "patient-centered" na katangian ng functional medicine approach kung saan ang pasyente ay aktibo sa pagtukoy at pagpapatupad ng kanyang therapy. Madalas kasing nagiging problema ng mga pasyente ng kanser ay ang pakiramdam na nawawalan na sila ng self-control. Ito ay may malalim na epekto sa kapakanan nila. Ang mga pasyente, pagkatapos makatanggap ng diagnosis ng kanser ay madalas na nakakaramdam ng iba’t ibang negatibong emosyon. Kasama dito ang pagtanggi o denial, galit, takot, pagkabalisa, depresyon at kalungkutan.
Ang pagiging participatory at proactive ng FM framework ay tumutulong sa pasyente na marecover ang kanilang positive emotions.
Humingi ng Patnubay sa mga Eksperto ng The BioBalance® Wellness Institute
Kung interesado ka dito, maaari kang mag-set ng appointment sa The BioBalance® Wellness Institute sa Mandaluyong City. Nag-aalok ang personalized medical center na ito ng mga personal na konsultasyon online. Bukod dito nagbibigay din sila ng espesyal na pagsusuri na makakatulong sa iyong matukoy ang kasalukuyang kalagayan ng kalusugan.
Ang kanilang portfolio ng mga advanced test ay tumutulong sa kanilang mga doktor na suriin ang mga function ng katawan at matukoy ang mga imbalance na nagdudulot sa sakit. Ang isa sa mga tests na ito ay tumitingin sa mga biomarker na tinatawag na mga organic acid. Nagbibigay rin ito ng impormasyon tungkol sa kung paano gumagawa ng enerhiya ang mga cells ng isang tao. Sinasabi ng resulta ng test na ito kung mayroon silang sapat na micronutrients o wala upang gumana nang maayos. Isa pang madalas na ginagawang pagsusuri ay ang stool profile na nagbibigay impormasyon tungkol sa digestion at ang komposisyon ng bakterya sa iyong bituka. Sinusukat rin ng iba pang mga panel ang: nutritional status na may kaugnayan sa protein at essential fatty acids, cell damage dala ng free radical, environmental toxins and heavy metals at advanced lipid profile. Ang mga ito ay nakakadulot ng panganib para sa pag-develop ng mga malalang kondisyon, kabilang na ang kanser.
Nag-aalok din ang BioBalance® Wellness Institute ng mga supplement na sumusuporta sa mga partikular na pangangailangang pangkalusugan. Kabilang dito ang kalusugan ng bituka, puso at utak, kaligtasan sa sakit, pamamahala ng timbang, at mas mahusay na pagtulog.
Kasama sa kanilang listahan ng mga propesyonal na doktor ang nakatapos ng pagsasanay sa Institute of Functional Medicine (IFM).
- Dr. Stanley Chua: Resident consultant ng BioBalance® Wellness Institute, si Dr Stan ay European Double-Board Certified sa Nutritional Medicine at Anti-Aging Medicine. Isa sa mga unang IFM-certified na doktor sa bansa, isa rin siyang accredited medical acupuncturist.
- Dr. Rolando Balburias: Isa sa mga pioneer ng Functional Medicine sa bansa, si Dr. Oyie ay naka-focus sa paggamit ng pagkain bilang gamot. Siya ay parehong IFM-certified at European Double-Board Certified sa Nutritional Medicine at Anti-Aging Medicine.
- Dr. Denise Herrera-Lavilles: Kabilang sa mga unang IFM-certified na doktor sa bansa, si Dr. Den ay may degree sa Molecular Biology, pagsasanay sa Internal Medicine, at coursework sa Molecular Medicine. Nakatuon ang kanyang studies sa pagsulong ng kalusugan at pag-iwas sa sakit para sa mga nasa matatanda.
- Dr. Angelica Lorenzo, F.P.C.P.: trained sa parehong Internal Medicine at Functional Medicine, si Dr. Eca ang unang HeartMath Certified Trainer sa bansa. Sa kanyang pagsasanay rin mula sa Center for Mind Body Medicine (CMBM) sa U.S., tinutulungan niya ang mga pasyente na maghandle ng stress, ma-improve ang heart rate vitality at pagandahin ang koneksyon ng isip at katawan.
Upang malaman pa ang tungkol sa pagtugon sa kanser at mga kaugnay na isyu nito, bisitahin ang Makakatulong ang Hope from Within para sa mas maraming kaalaman at gabay.
References:
https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/chemotherapy/about/pac-20385033
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/what-is-a-functional-medicine-doctor
https://www.cancer.gov/about-cancer/treatment/cam
https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000932.htm
Ang Sikolohikal na Epekto ng Diagnosis ng Kanser (welldoing.org)
https://jamanetwork.com/journals/jamanetworkopen/fullarticle/2753520