Click here to learn about home hypertension first aid that you can use during an emergency.

First Aid para sa Hypertension

Try to keep your blood pressure stable while waiting for a healthcare professional. Read this first-aid guide to keep your hypertension from worsening.

Click here to learn about home hypertension first aid that you can use during an emergency.

First Aid para sa Hypertension

Try to keep your blood pressure stable while waiting for a healthcare professional. Read this first-aid guide to keep your hypertension from worsening.

Ang matinding pananakit ng ulo, pananakit ng likod, heart murmur, mga problema sa paningin, pagkawala ng koordinasyon, at pag-ugong sa tainga ay sintomas ng mataas na presyon ng dugo na pwedeng magdala ng takot. Ngunit huwag mabahala. Manatiling kalmado! Tandaan na pwede mong makontrol ang sitwasyon.

Maaagapan ang anumang komplikasyon at maliligtas ang iyong buhay sa tulong ng first aid o unang panlunas. Ang paggamit ng maaasahang medical information ay makakapagbigay sa’yo ng kaalaman para matugunan ang high blood pressure emergencies.

Ang presyon ng dugo ay ang sukat ng lakas ng pwersa ng dugo sa artery walls habang nagpa-pump ang puso. Ang normal na presyon ng dugo ay 120/80 mm Hg (120 ang systolic pressure, 80 ang diastolic pressure). Sinusukat ng systolic pressure ang presyon sa iyong arteries habang nagpa-pump o nagbobomba ang puso. Ang babang numero na kilala bilang diastolic blood pressure naman ay ang presyon sa arteries habang nagpapahinga ang puso sa pagitan ng bawat pag-pump. Ang normal na blood pressure ay kritikal para sa maayos na pag- daloy ng nutrisyon sa mga organ ng katawan.

Nagsisimula ang hypertension kapag ang systolic reading ay 130 mmHg o mas mataas, habang ang diastolic reading naman ay lumalagpas sa 90 mmHg. Kapag ang presyon ng iyong dugo ay higit sa normal, baka kailanganin mong tumawag ng doktor agad. 

Mahalaga na manatiling kalmado habang naghihintay sa healthcare professional. Panatilihin ang iyong composure at sundan ang mga hakbang na nakalista sa ibaba.

Suriin ng Mabuti ang Iyong Blood Pressure

Gawin lamang ang test matapos ka magpahinga; tandaan na ang pisikal na aktibidad at stress ay maaaring makaapekto sa iyong blood pressure reading. Narito ang ilang hakbang kung paano maaaring suriin nang mano-mano ang iyong blood pressure ng iyong kasama.

  1. Siguraduhin na ang iyong mga paa ay patag sa lupa at ang iyong braso ay nasa level ng dibdib. 
  2. Hanapin ang iyong pulso sa pamamagitan ng bahagyang pagpindot ng iyong hintuturo at gitnang daliri sa loob at sentro ng iyong elbow bend. 
  3. Ilagay ang bell ng stethoscope sa ibabaw ng brachial artery. 
  4. Palobohin ang BP cuff hanggang sa wala nang marinig na tunog sa stethoscope. 
  5. Dahan-dahang i-deflate ang blood pressure cuff at pakinggan ang Systolic Reading (Maaari itong magkaroon ng tunog na kaparehas ng pagtapik). 
  6. Patuloy na makinig habang bumababa ang presyon ng BP cuff at humihina ang tunog habang hinihintay ang diastolic reading.

Maghanap ng Wastong Bentilasyon

Buksan ang mga bintana para makapasok ang hangin sa iyong kuwarto. O, maaari ring magbukas ng air conditioner kung mayroon. Sa puntong ito, iwasan muna ang mainit na espasyo, dahil ang sobrang init ay nakakataas ng blood pressure. init maaaring magtaas ng presyon ng dugo.

Ang init at humidity ng hangin ay nagpapataas ng blood flow sa balat. Ang mataas na temperatura ay nagiging sanhi ng mas mabilis na pagtibok ng puso at pati ang sirkulasyon ng dugo ay dumudoble ang bilis kumpara sa karaniwang araw..

Umupo’t Huminga ng Malalim

Pumili ng tamang posisyon sa pag-upo. Magpahinga nang kumportable habang pinapanatili ang tamang daloy ng hangin. Huminga ng malalim at mag-relax.

Makakatulong ang pagpapalakas ng breathing muscles para maiwasan ang hypertension. Halimbawa, ang slow breathing exercises ay maganda para sa parasympathetic nervous system. Ito ay tumutulong din na pabagalin ang iyong heart rate paluwagin ang mga daluyan ng dugo o blood vessels, na nagpapababa ng blood pressure sa kabuuan.

Piliing Maging Positibo

Ang tulong ay paparating na. Ang pag-iisip nang negatibo ay maaaring makadagdag sa pagtaas ng blood pressure. Maaari itong tumaas ng 30 mmHg. Kapag ang isang tao ay na-stress, ang katawan ay naglalabas ng cortisol. Ang Cortisol, na kilala rin bilang stress hormone, ay nagpapataas ng temperatura at presyon ng dugo.

Inumin ang Iyong Maintenance Medication

Ang paglimot sa iniresetang gamot ay pwedeng maging dahilan ng pabago-bagong presyon ng dugo. Tandaan na hindi dapat ihinto ang pag-inom ng isang gamot kung hindi ito alinsunod sa prescription ng iyong doktor. Bukod sa pagtaas ng presyon ng dugo, maaari ka ring makaranas ng mga sintomas ng withdrawal tulad ng pagkabalisa, pagkamayamutin, panginginig, at migraine.

Siguraduhing Walang Laman ang Pantog o Bladder

Ang pagpigil ng ihi ay nakakasama hindi lang sa kidneys kung hindi pati sa blood vessels. Huwag kalimutang umihi habang naghihintay ng ambulansya o isang doktor. Ayon sa pananaliksik, ang pagpigil sa iyong ihi ng hindi bababa sa 2 oras ay nagpapataas ng systolic at diastolic na presyon ng dugo. Inirerekomenda na walang laman ang bladder sa oras ng emergency. 

Tandaan, I-monitor ang iyong blood pressure pagkatapos mong umihi. Ang punong pantog ay maaaring makaapekto sa pagkuha ng tamang blood pressure reading. Maaari itong tumataas ng 10-15 puntos.

Uminom ng Sapat na Tubig

Uminom ng maraming tubig habang naghihintay sa doktor. Suriin kung malinaw ang iyong ihi. Ang mga taong malimit na dehydrated ay mas prone sa hypertension. Kapag 'di sapat ang tubig na pumapasok sa katawan, nadi-dehydrate ang cells. Bilang tugon, inuutusan ng utak ang pituitary gland na maglabas ng vasopression, isang kemikal na nagpapaliit ng blood vessels. Dahil dito, tumataas ang presyon ng dugo.

Maligo ng Mainit

Ayon sa pag-aaral, ang paliligo gamit ang mainit na paliguan o pagpunta sa sauna ay maaaring makatulong para sa mga may mataas na presyon ng dugo. Ang pananatili sa iyong shower nang hindi bababa sa 10 minuto ay nakakatulong na mapababa ang iyong presyon ng dugo sa pamamagitan ng pagbabawas ng tensyon sa muscles. Kapag ang iyong mga kalamnan o muscles ay nakapahinga o relaxed, ang iyong mga blood vessel ay mas maluwag. Kaya naman mas gumaganda ang sirkulasyon ng dugo. 

Kung hindi posibleng makaligo o mag-shower, maaaring gumamit ng basang sponge para sa katawan. Tandaan ang iyong pulse points kapag nag-sponge bath. Ito ang iyong mga wrists, batok, at likod ng mga kasu-kasuan.

Maging Tapat Sa Iyong Doktor.

Depende sa mga pangyayari, maaaring dalhin ang pasyente sa emergency room o mag-iskedyul ng appointment sa isang doktor. 

Kapag nakikipag-usap sa doktor, huwag tipirin ang pagkwento ng mga detalye. Makakatulong ang pagkwento ng lahat ng mga naging aktibidad mo bago ang iyong emergency. Maaari mo ring talakayin ang tungkol sa iyong diyeta at pamumuhay. Siguraduhing maging alerto pagdating sa mga sintomas na iyong nararamdaman. Huwag mahiyang sabihin sa kanya ang lahat ng mga sintomas na nararanasan mo.


References:

https://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/news/20210708/breathing-exercises-lower-bp-heart-attack-risk

https://www.medicinenet.com/how_to_lower_my_blood_pressure_immediately/article.htm

https://www.bloodpressureuk.org/your-blood-pressure/getting-diagnosed/getting-a-blood-pressure-check/

https://www.heart.org/en/health-topics/high-blood-pressure/changes-you-can-make-to-manage-high-blood-pressure

https://hhma.org/how-can-i-lower-my-blood-pressure-immediately/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3383137/

https://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/how-to-lower-blood-pressure

https://www.ahajournals.org/doi/pdf/10.1161/01.HYP.14.5.511]

https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/effects-of-high-temperatures-on-blood-pressure-heart

Send This Article

Related Articles