MAY HIGH BLOOD PRESSURE KA BA? IWASAN ANG 3 PAGKAIN NA ITO

These food items are no-nos if you want lower BP levels.

MAY HIGH BLOOD PRESSURE KA BA? IWASAN ANG 3 PAGKAIN NA ITO

These food items are no-nos if you want lower BP levels.

Ang hypertension, o high blood pressure, ay isa sa mga pinaka karaniwang isyu sa kalusugan na nararanasan ng mga nasa hustong gulang. Ang data mula sa World Health Organization (WHO) ay nagpapakita na apektado ang humigit-kumulang 1.28 bilyong tao. Karamihan sa mga may kondisyong ito ay mula sa mga low and middle income countries. 

Ang high blood pressure ay madalas na itinuturing na sanhi ng maagang pagkamatay, at ang mas nakakabahala pa, tinatayang nasa 46% ng mga adults na may hypertension ay hindi alam na may ganito silang problema sa kanilang kalusugan. Ang high blood ay madalas na hindi napapansin dahil maaaring wala itong anumang sintomas, o di kaya ay banayad at paminsan-minsan lang ang sintomas. Karamihan ay napapansin lang ito kapag sila ay nagapapa-check ng BP– halimbawa sa annual physical check-up– at elevated ang lumalabas sa reading.

Ang panganib ng pagkakaroon ng hypertension ay tumataas habang ikaw ay tumatanda, pero 'wag mag-alala! Ang iyong blood pressure levels ay naaapektuhan ng iba't ibang lifestyle factors: gaano kahaba at kaganda ang iyong tulog, gaano ka aktibo sa regular na ehersisyo, paano mo hinhaarap ang stress, at ang iyong kinakain. Ibig sabihin nito, marami ka pang magagawa upang bawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng high blood, o mapaayos ang iyong kondisyon kung ikaw ay mayroon nang ganitong problema. 

Pagdating sa pagkain at blood pressure, may dalawang bagay na dapat isaalang-alang sa iyong diet: ang pagkuha ng tamang sustansya upang mas gumanda ang iyong heart and blood vessels function , at ang pag-iwas sa mga pagkain na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa iyong blood pressure. Narito ang ilan sa mga pagkain na dapat i-limit upang mapabuti ang iyong blood pressure:

Red Meat

Ang mga red meat tulad ng baka at baboy ay karaniwang parte na ng ating diet, ngunit maaaring magdulot ito ng high blood pressure. Ilan sa mga pag-aaral ay nagpapakita ng direktang kaugnayan sa pagkain ng red meat at blood pressure levels. Maaaring ito ay dahil ang pag-metabolize ng red meats ay nag-rerelease ng compounds na maaaring magpataas ng blood pressure level.

Maalat na Pagkain

Ang sodium, o mas kilala bilang asin, ay kinakailangan para gumana nang maayos ang ating mga "cells". Ngunit kung masyadong marami ang asin na iyong kinakain, maaaring ito ay magdulot ng high blood pressure. Ayon sa maraming pag-aaral, ang sobrang pagkain ng asin ay maaaring magdulot ng water retention sa iyong katawan, at ang dagdag na dami ng tubig ay nagpapataas ng pressure sa iyong blood vessels at nagpapataas ng iyong BP levels.

Mga halimbawa ng pagkain na mataas sa sodium ay ang mga canned soups, mga processed meats tulad ng bacon, ham, at sausage, mga deli meats, mga snacks tulad ng chips, pretzels, at popcorn, at pati na rin ang mga condiments tulad ng ketchup, toyo, at ilang mga salad dressing.

Matamis na Pagkain

Ang sugar ay madalas na iniuugnay sa diabetes, pero alam mo ba na maaari rin itong magkaroon ng negatibong epekto sa blood pressure? Ito ay dahil maaaring limitahan ng sugar ang produksyon ng nitric oxide (NO). Ang NO ay tumutulong sa pagpapalawak ng mga daluyan ng dugo para maging "relaxed" at sapat na maluwag upang ang dugo ay madaling umagos sa buong katawan. 

Bukod pa rito, ang labis na pagkonsumo ng sugar ay maaaring magdulot ng pagdagdag ng timbang at maging sanhi ng pagiging overweight o obese. Dahil sa dagdag na timbang, mas kakaiilanganin ng puso ng tulong sa pag-pump ng dugo sa buong katawan, na nagdudulot ng pagtaas ng pressure sa mga arteries. Sa huli, ang mga arteries na ito ay "nagre-resist" sa daloy ng dugo at nagpapataas ng blood pressure. 

Pagdating sa BP Levels, Makipag-usap sa Doktor

Dahil ang high blood pressure ay isang komplikadong isyu sa kalusugan na maaaring maimpluwensyahan ng maraming bagay, mas mainam na makipag-usap ka sa isang doktor o propesyonal tungkol sa iyong kalagayan. Maaari silang mag rekomenda ng karagdagang diagnostic procedure tulad ng mga lab test, electrocardiograms, o echocardiograms upang suriin ang iba pang mga salik na may kinalaman sa kalusugan ng iyong puso at mga daluyan ng dugo, at pag-usapan ang posibleng dahilan ng iyong kondisyon. 

Samantala, maganda na mayroon kang regular na check-up para masiguro na normal pa rin ang iyong blood pressure. Ngunit kung may mga nararamdaman kang hindi maganda o may sintomas ng high blood pressure, agad humingi ng tulong sa isang doktor.


References:

https://www.healthline.com/health/high-blood-pressure-hypertension/foods-to-avoid#foods-to-avoid 

https://www.healthline.com/nutrition/how-to-increase-nitric-oxide 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/foods-to-avoid-with-high-blood-pressure 

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/hypertension 

https://www.chp.gov.hk/en/features/28272.html 

https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0233777 

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2658466/ 

https://my.clevelandclinic.org/health/articles/4249-hypertension-and-nutrition 

https://www.bloodpressureuk.org/your-blood-pressure/how-to-lower-your-blood-pressure/healthy-eating/salt-and-your-blood-pressure/ 

https://www.diabetes.co.uk/in-depth/high-blood-pressure-excess-sugar-diet-may-culprit/ 

https://www.verywellhealth.com/sugar-and-hypertension-5117022 

https://www.healthgrades.com/right-care/weight-control-and-obesity/the-obesity-and-high-blood-pressure-connection

Pagtulog at Hypertension (nih.gov)

Maaari bang maging sanhi ng mataas na presyon ng dugo ang kakulangan sa tulog? – Mayo Clinic

Ehersisyo: Isang diskarte na walang gamot sa pagpapababa ng mataas na presyon ng dugo – Mayo Clinic

Stress at mataas na presyon ng dugo: Ano ang koneksyon? – Mayo Clinic

Pamamahala ng Stress para Makontrol ang High Blood Pressure | Amerikanong asosasyon para sa puso

Send This Article

Related Articles