Diabetes 101: ANO ANG SAKIT NA ITO AT PAANO ITO MAAAGAPAN?

Learn the basics of this disease that affects many people yearly.

Diabetes 101: ANO ANG SAKIT NA ITO AT PAANO ITO MAAAGAPAN?

Learn the basics of this disease that affects many people yearly.

Ang diabetes ay isa sa mga health conditions na ikinakabahala at kinatatakutan ng marami. Sa datos mula sa International Diabetes Federation (IDF) noong 2021, tinatayang 4,303,900 Filipino adults ang mayroon ng sakit na ito. Bukod dito, ang datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nagpapakita na ang diabetes ay nagdulot ng 38,854 na mga kamatayan sa bansa mula Enero hanggang Oktubre ng 2021. 

Walang tiyak na lunas para dito at karaniwang ang mga pasyenteng may diabetes ay walang sintomas. Kapag na-develop naman ang mga sintomas mula sa sakit na ito, ang pinaka-karaniwan ay ang madalas na pag-ihi, sobrang pagka-uhaw at pangangayayat.

Kung ikaw ay nag-aalala sa iyong kalusugan at sa kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay laban sa isang chronic disease tulad ng diabetes, makabubuting alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa sakit na ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng artikulong ito.

Ano ang mga karaniwang uri ng diabetes?

Ang diabetes ay isang kondisyon kung saan hindi sapat ang produksyon ng insulin ng iyong katawan o hindi maayos na pagkakagamit sa mga ito – bagay na nagdudulot ng insulin resistance. Ang insulin ang kumokontrol ng glucose level sa dugo at ng pag-iimbak ng glucose sa atay, mga muscles, at mga tissues. Kung hindi maagapan ang high blood sugar, maaring magdulot ito ng panganib tulad ng sakit sa puso at/o sakit sa bato, o pagkawala ng paningin. Bagamat hindi limitado sa Diabetes Mellitus ang mga ito, narito ang tatlong kilalang uri ng diabetes:

  • Type 1 diabetes:  Ito ay nagiging sanhi ng autoimmune na reaksyon kung saan ang katawan ay nagkakamali sa pag-atake sa mga cells na responsable sa produksyon ng insulin, kaya't nagiging maliit o wala nang insulin ang napro-produce ang pancreas. May role na ginagampanan ang genes sa pag-develop ng Type 1 diabetes, habang pinag-aaralan pa kung may kinalaman din dito ang environmental factors tulad ng mga virus at mga toxins. 

Ang mga taong diagnosed na may Type 1 diabetes ay karaniwang mas bata. Nagsisimula ang sakit bago sila mag-30 taon. Sila ay may payat na pangangatawan, prone sa pagkakaroon ng diabetic emergencies, at kadalasang ginagamot sa pamamagitan ng pagtuturok ng insulin.

  • Type 2 diabetes: Ang mga taong may Type 2 diabetes ay karaniwang nakakaranas ng insulin resistance kung saan ang mga cells ng kanilang katawan ay hindi maayos ang pagtugon sa insulin. Hindi nila magamit ang glucose sa dugo para sa enerhiya, bagay na nagdudulot ng high blood sugar. Karaniwang nag-uumpisa ang Type 2 diabetes pagkatapos ng 30 taon, ngunit dahil sa pagbabago ng mga dietary habits at lifestyle ngayon, mas bumabata na ang edad ng mga nagkakaroon ng Type 2 diabetes. Karaniwang sobra sa timbang ang mga taong ito. Maaaring gamutin ito sa pamamagitan ng mga gamot na pang-diabetes, mayroon man o walang insulin.
  • Gestational diabetes: Ito ay kadalasang inilalarawan bilang glucose intolerance na nabuo sa ikalawa o ikatlong trimester ng pagbubuntis. Napakahalaga na matukoy ang mga buntis na may gestational diabetes, dahil ang hindi kontroladong blood sugar ay maaaring magdulot ng komplikasyon tulad ng preterm labor, stillbirth, at iba pa. Kinokontrol ang gestational diabetes sa pamamagitan ng medical nutrition therapy. Kapag hindi pa rin kontrolado ang blood sugar sa kabila ng pagbabago sa diet, karaniwang ang susunod na hakbang sa paggagamot ay ang insulin.

Paano Malulunasan ang Diabetes?

Kagaya sa ibang karamdaman, mahalaga na makipag-usap ka agad sa doktor kung ikaw ay may mga sintomas ng diabetes o nasa panganib ka na ng pagkakaroon nito. Dahil wala pa tayong alam na lunas para sa diabetes, inirerekomenda ng mga propesyonal sa kalusugan na maging maingat sa lifestyle upang maiwasan ang mga komplikasyon. Kung ikaw o ang kilala mo ay may diabetes, mahalaga na gawin ang mga sumusunod:

  • I-monitor ang blood sugar level.
  • Kumain ng masustansyang pagkain at uminom ng maraming tubig.
  • Limitahan ang pagkain ng mga produktong mayaman sa carbohydrates at asukal. Dapat ding limitahan ang pagkain ng mga maaalat.
  • Isingit ang regular na ehersisyo sa araw-araw mong routine. Pero tulad ng lagi, kumonsulta muna sa iyong doktor dahil may mga ehersisyong hindi inire-rekomenda, lalo na para sa mga pasyenteng may komplikasyon dahil sa diabetes.
  • Maghanap ng paraan para maiwasan ang stress.
  • Kung may mga kamag-anak ka na dati nang may diabetes o kung mayroon kang mga sintomas ng hyperglycemia (tulad ng madalas na pag-ihi, labis na pagka-uhaw, paglabo ng mata, pagkapagod), sobrang katabaan, at iba pang sakit, maaari mong subukang magpa-screen para malaman kung mataas ang panganib mo sa diabetes. Gayundin, subukan ang healthy habits upang mabawasan ang posibilidad ng diabetes.

May Gamot ba para sa Diabetes?

Walang iisang paraan ng paggagamot na akma para sa lahat ng pasyenteng may diabetes. Depende ito sa kasalukuyang antas ng kontrol sa asukal, pagkakaroon ng komplikasyon sa sakit, iba pang mga karamdaman, reaksyon sa mga gamot, at mga goals na itinakda ng pasyente at ng healthcare provider.  

Maaaring magreseta ang ilang doktor ng mga gamot para sa diabetes tulad ng insulin na ini-inject o oral diabetes medicines, kasama ng tamang diyeta at ehersisyo. Ang Glimepiride, Metformin, at Gliclazide ay ilan sa mga halimbawa ng mga oral medicines ng mga may Type 2 diabetes para sa pag-kontrol ng blood sugar.

Tulad ng dati, ugaliing kumunsulta sa iyong doktor upang malaman kung aling gamot ang angkop para sa iyo. Karamihan sa mga gamot para sa diabetes ay nangangailangan ng reseta bago mabili. Gamitin lamang ito ayon sa payo ng doktor.


References:

Mga Pamantayan ng American Diabetes Association ng Medikal na Pangangalaga sa Diabetes 2022

Harrison's Principles of Internal Medicine 20th Edition

International Diabetes Federation 2021 Atlas 

https://psa.gov.ph/content/causes-deaths-philippines-preliminary-january-october-2021 

https://psa.gov.ph/sites/default/files/attachments/crd/pressrelease/COD_Jan-Oct2021_Tab1.pdf 

https://doh.gov.ph/node/11786 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/symptoms-causes/syc-20371444 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/in-depth/diabetes-management/art-20047963 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/diagnosis-treatment/drc-20371451 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-1-diabetes/symptoms-causes/syc-20353011 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gestational-diabetes/symptoms-causes/syc-20355339

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hyperglycemia/symptoms-causes/syc-2037363 

https://newsinfo.inquirer.net/1461980/diabetes-a-bitter-health-crisis-for-filipinos 

https://www.healthline.com/health/diabetes/types-of-diabetes

https://www.healthline.com/health/type-2-diabetes/genetics#genetic-testing 

https://www.cdc.gov/diabetes/basics/diabetes.html 

https://www.cdc.gov/diabetes/basics/symptoms.html 

https://www.cdc.gov/diabetes/basics/what-is-type-1-diabetes.html 

https://www.cdc.gov/diabetes/basics/type2.html 

https://www.cdc.gov/diabetes/basics/gestational.html

https://www.cdc.gov/genomics/famhistory/famhist_diabetes.htm 

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/diabetes 

https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/what-is-diabetes/prediabetes-insulin-resistance#insulinresistance 

https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/managing-diabetes/4-steps#step3 

https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/insulin-medicines-treatments#medicines 

https://www.nhs.uk/conditions/gestational-diabetes/ 

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/7104-diabetes-mellitus-an-overview#management-and-treatment

https://www.medicalnewstoday.com/articles/317718#carbohydrates 

https://www.webmd.com/diabetes/how-sugar-affects-diabetes 

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8232639/ 

Send This Article

Related Articles