Para sa ilang mga magulang, minsan ay mahirap unawain ang ugali ng mga anak. Hindi lahat ng bata ay magkakapareho ng kilos, at malaki ang impluwensya ng kanilang kapaligiran sa kanilang asal.
Ngunit mahalaga pa rin na bigyang pansin ang pag-uugali at kinikilos ng mga bata, sa bawa’t stage ng kanilang paglaki. Alamin ang mga karaniwang pagbabago sa mga bata sa kanilang paglaki, at kung paano sila maalagaan nang maayos at may pagmamahal.
Newborns or Infants (0 hanggang 1 Taong Gulang)
Sa panahong ito, ang mga bagong panganak o sanggol ay umiiyak para iparating na sila'y gutom, antok, may sakit, o hindi komportable.
Ano Ang Maaari Mong Gawin: Kapag umiiyak ang iyong sanggol, tingnan kung ano ang kailangan niya, bigyan siya ng pansin, at iparamdam mo sa kanya na ligtas siya kapag kasama ka. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya o pagsama sa kanya sa tahimik na lugar, pagkanta ng nakakakalma, o pagmasahe sa likod niya.
Kapag umiiyak ang iyong anak na sanggol dahil sa iniisip mong may sakit ito o hindi komportable, agad kumunsulta sa pediatrician. Maaari silang mabigyan ng kinakailangang gamot para sa agarang ginhawa. Kapag gumaling na ang sanggol, tulungan silang i-iwas sa mga sakit sa pamamagitan ng pagpapa-bakuna at pagpapalakas ng kanilang resistensya sa pamamagitan ng tamang nutrisyon na angkop sa kanilang edad at pagkakaroon ng sapat na pahinga at tulog.
Kumonsulta sa inyong pediatrician para mabigyan ng tamang multivitamins para sa immunity at healthy appetite.
Toddlers (1 hanggang 3 Taong Gulang)
Habang sila'y lumalaki, natututunan ng iyong anak kung paano magsalita o makipag-ugnayan, mag-behave, lumakad at tumalon. Nakakakilala na rin sila ng mga pamilyar na mukha at mga bagay, sumusunod sa mga simpleng utos, at gumagaya ng kilos ng ibang tao.
Makikita mo na nagsisimula na silang magkaroon ng sariling personality. Ipapakita nila sa iyo ang mga bagay na gusto at ayaw nila. Susubukan nilang gawin ang mga bagay nang mag-isa. Subalit hindi pa nila ganap na nauunawaan ang logic at maaaring mahirap para sa kanila ang magkaroon ng self-control sa ibang pagkakataon. Maaring magtampo sila o magpakita ng palatandaan ng pagiging maselan sa pagkain.
Ano Ang Magagawa Mo: Mas madaling sabihin kaysa gawin, ngunit ang pasensya ay mahalaga. Mas bigyan mo ng atensyon ang mabubuting kilos na nais mong makita mula sa kanila, sa halip na pansinin ang hindi kanais-nais na mga ugali. Kapag sila'y nagta-tantrums, hayaan silang ilabas lang ang kanilang emosyon at huwag silang parusahan para dito. Hikayatin silang mag-explore ng kanilang independence, gawin ang mga gawain nila nang mag-isa, at pag-usapan ang kanilang mga emosyon para mas maunawaan mo sila.
Bigyan sila ng mga vitamins at minerals na kinakailangan nila, gamit ang mga supplements na maaaring tumulong sa pagpapalakas ng kanilang resistensya, gana sa pagkain, energy, at mental alertness. Pumili ng supplements na makakatulong sa pagtangkad, paglakas ng ngipin, buto, at kalamnan, paglinaw ng mata, at pag-ganda ng balat.
School-Age Children (4 hanggang 11 Taong Gulang)
Sa panahong ito, mas maayos na ang motor at communication skills ng mga bata at nagsisimula na rin silang magkaroon ng mga kaibigan. Dahil sila ay lumalaki, sinusubukan na din nilang makihalubilo at makakuha ng pagtanggap sa mga pamantayan ng kanilang tahanan o komunidad. Maaring magpakita sila ng iba't-ibang mga pag-uugali kung saan ang iba ay hindi kanais-nais.
Ano Ang Magagawa Mo: Tulad noong sila ay toddler pa, magpakita ng pasensya sa iyong mga anak. Kung hindi tamang kilos ang ipinakikita ng iyong anak, kausapin sila ng pribado. Hayaan silang magkamali at matuto nang hindi nila nararamdaman na sila ay nagkamali. Huli, bigyan sila ng pagkakataon na pag-usapan ang kanilang mga emosyon at mga iniisip ng hindi natatakot.
Dahil ang mga bata sa panahong ito ay madalas nang nasa labas ng bahay, siguruhing sapat ang kanilang proteksyon laban sa germs at mga virus. Ang vitamin C ay makakatulong sa pag-depensa nila laban sa free radical damage, pagpapalakas ng kanilang immune system, at pagtulong sa collagen production.
Mga Adolescents (10 hanggang 19 Taong Gulang)
Maaaring maging emosyonal o maramdamin ang iyong anak sa panahong ito. Ang mga adolescents ay sumusubok pang kilalanin ang kanilang mga sarili, magkaroon ng identity, at bumuo o magpanatili ng pakikitungo sa ibang tao.
Gayunpaman, kasama nito ang pagtaas ng kamalayan lalo na sa katawan (Body conscious) at kahihiyan nila sa kanilang mga katawan, peer pressure na tularan ang mga kaibigan, at posibleng hindi pagkakaunawaan sa ilang mga bagay.
Ano Ang Magagawa Mo: Bilang magulang, gabayan sila kapag sila'y gumagawa ng desisyon. Ipaintindi ang mga posibleng mangyari sa mga desisyong ito. Maglagay ng "judgement-free" zone sa inyong tahanan kung saan maaring pag-usapan ang mga isyu na kinakaharap nila nang walang takot sa negatibong kahihinatnan. Huli, bigyan sila ng pagkakataon na magkamali at matuto mula dito - ang mga leksyong ito ay magiging tulong sa kanila kapag sila ay naging adult na.
Huwag ring kalimutan ang kanilang pisikal na kalusugan! Ibigay sa kanila ang tamang nutrisyon sa pamamagitan ng masustansyang pagkain at mga supplements na naglalaman ng mga nutrients tulad ng Vitamins A, C, at D, at ang B complex, na nagbibigay ng extra energy para sa kanilang araw-araw na mga gawain at nagpapababa sa panganib na pagkakasakit.
Kung ang iyong anak ay patuloy na nagpapakita ng mga senyales ng pagiging di komportable, maaaring siya ay may sakit. Kung siya ay nagpapakita ng mga sintomas, at patuloy na may mga ganitong nararamdaman, kumunsulta agad sa iyong doktor.
References:
https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9706-pregnancy-newborn-behavior
https://raisingchildren.net.au/newborns/behaviour/understanding-behaviour/newborn-behaviour
https://kidshealth.org/en/parents/babies-cry.html
https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/positiveparenting/toddlers.html
https://www.mountsinai.org/health-library/special-topic/school-age-children-development
https://www.apa.org/pubs/highlights/peeps/issue-88
https://www.uhhospitals.org/Healthy-at-UH/articles/2020/06/teen-behavior-whats-worrisome-whats-not
https://www.texaschildrens.org/blog/high-risk-behaviors-watch-adolescents
https://www.betterhelp.com/advice/adolescence/18-areas-of-normal-adolescent-behavior/