Pataasin ang Level ng Vitamin C sa Katawan sa Tulong ng Mga Pagkaing Ito

Up on Vitamin C, up on immunity and more! Read on for a refresher on what vitamin C can do, along with a list of vitamin C-rich sources.

Pataasin ang Level ng Vitamin C sa Katawan sa Tulong ng Mga Pagkaing Ito

Up on Vitamin C, up on immunity and more! Read on for a refresher on what vitamin C can do, along with a list of vitamin C-rich sources.

Bukod sa mga regular na healthy habits, ang pagkain ng masustansya ay mahalaga sa pagtiyak na ang katawan (at mga internal na proseso nito) ay gumagana nang parang well-oiled machine. Pagdating malakas na resistensya, ang vitamin C ay nangunguna sa listahan ng mga nutrients na sumusuporta rito.

Kailangan mo ba ng vitamin C para sa mas malakas na resistensya? Siguraduhin na mayroon kang mga pagkaing mayaman rito sa iyong kinakain araw-araw.

Vitamin C at Paano Ito Pinapalakas ang Resistensya

Ang vitamin C, na kilala rin bilang “ascorbic acid” ay water-soluble nutrient na itinuturing na “essential” dahil sa dalawang pangunahing dahilan. Una, ito’y bitamina na pwede lang makuha mula sa mga halaman at mga pagkaing fortified. Pangalawa, ito’y magagawa at stored sa katawan, kaya inirerekomenda ang regular na pagkuha nito mula sa diet.

Sa kabilang banda naman, ang vitamin C ay mahalagang parte ng ilang mga proseso at sistema sa katawan, tulad ng nervous at immune system at ng kalusugan ng buto at dugo.

Kilala ang vitamin C bilang isang paraan para palakasin ang resistensya. Tumutulong ang vitamin C sa pagsuporta sa depensa ng katawan sa mga ilang mga paraan tulad ng: 

  • Pagsulong ng produksyon ng mga lymphocytes at phagocytes o white blood cells na nagpapaalis ng antigens o foreign na bacteria mula sa katawan
  • Paghikayat sa epektibong paggana ng mga white blood cells habang pinoprotektahan sila laban sa pinsalang dulot ng free radicals
  • Pagpapatibay sa natural na barrier ng balat at pagtaboy ng mga nakakapinsalang bacteria dahil malaki ang papel ng vitamin C sa produksyon ng collagen

Fact Check: Pwede Bang Gamutin ng Vitamin C ang Sipon?

Bagamat popular ito na remedyo, maraming pag-aaral ang kailangan pang gawin para mapatunayan kung maaaring magamot ng Vitamin C ang sipon. Pero base sa mga nagawang obserbasyon, ang mga regular na dose ng Vitamin C ay maaaring magpabawas sa tagal at pagkalubha ng mga sintomas. 

Pero ayon pa rin sa mga pananaliksik, ang mababang level ng vitamin C ay konektado sa mas mahinang resistensya. Pinipigilan man ang sipon o hindi, ang pang-araw-araw na dose ng Vitamin C ay pwedeng magpababa sa risk ng infection, lalo na kung ika’y regularly exposed sa mga sanhi ng mas mahinang resistensya tulad ng labis na stress at kakulangan sa tulog.

Mabuting Source ng Vitamin C

Hindi lang mga oranges ang pangunahing pagkukunan ng vitamin C! Para sa pang-araw-araw mong requirement ng nutrient na ito, subukang isama ang mga gulay at prutas na mayaman sa vitamin C sa iyong diet. 

Prutas

  • Lemons. Ang lemon juice ay mayroong antioxidant properties at tumutulong sa pamamahala ng blood pressure at blood sugar. 
  • Calamansi. Bagamat maliit, ang prutas na ito ay sagana sa vitamin C na tutulong sa pagpapalakas ng resistensya at paglaban sa mga virus na maaaring magdulot ng sakit. 
  • Papayas. Ang vitamin C na natagpuan sa mga papaya ay pinag-aralan para sa kanilang abilidad na pagbutihin ang memorya.
  • Bayabas o guava.  Mamitas ng bayabas mula sa puno kung mayroon man dahil mayaman ito sa lycopene.
  • Strawberries. Ang mga strawberry ay mayaman sa vitamin C at iba pang mabubuting plant compounds na pwedeng tumulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng utak at puso. 
  • Pinya o pineapples. Ang prutas na ito ay mayaman sa vitamin C pero maaari din itong magbigay ng vitamin A, B vitamins, at mahalagang nutrients tulad ng magnesium, potassium, at beta-carotene.

Gulay

  • Parsley. Ang kilalang garnish na ito ay mayaman rin sa vitamin K at iba pang mga antioxidants. Kapag naglagay ka ng 2 tablespoons ng parsley sa iyong pagkain, maaaring magbigay ito ng 11% ng daily value para sa vitamin C.
  • Kale. Bukod sa vitamin C, mayaman rin ang kale sa vitamin C at mga carotenoids (lutein at zeaxanthin). 
  • Broccoli. Ayon sa mga pananaliksik, ang kalahating tasa ng steamed broccoli ay makakatulong sa pagpapababa ng risk para sa inflammatory diseases.
  • Bell peppers. Ang makulay na mga gulay na ito ay maaaring magdulot ng maraming health benefits dahil sagana ito sa vitamin C, pati na rin sa vitamins A, B6, at E, folate, at fiber.

Huwag Kalimutang Uminom ng Vitamins!

Mahalagang kumain ng masustansyang pagkain, pero huwag kalimutan na kailangan mo rin ng sapat na nutrients mula rito. Dito maaaring makatulong ang mga supplements. Panatilihin ang kalusugan ng iyong immune system at siguraduhing gumagana ito!

Sources: 

https://www.healthline.com/nutrition/vitamin-c-foods

https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/vitamin-c/

https://www.healthline.com/nutrition/vitamin-c-benefits

https://www.healthline.com/nutrition/does-vitamin-c-help-with-colds

https://www.medicalnewstoday.com/articles/benefits-of-cherries#nutrition

https://www.medicalnewstoday.com/articles/plum-nutrition-facts#nutrition-facts

https://www.medicalnewstoday.com/articles/276903#nutrition https://www.medicalnewstoday.com/articles/bell-peppers

Send This Article

Related Articles