Learn whether blood pressure and blood sugar are connected here.

Blood Sugar at Blood Pressure: May Kaugnayan Ba Sila?

If you’re wondering whether blood sugar and blood pressure are linked to each other, check out this read to find out.

Learn whether blood pressure and blood sugar are connected here.

Blood Sugar at Blood Pressure: May Kaugnayan Ba Sila?

If you’re wondering whether blood sugar and blood pressure are linked to each other, check out this read to find out.

Pamilyar ang maraming tao sa mga terminong blood sugar at blood pressure. Kasama na rito ang mga nakatatanda na maingat sa pag-aalaga ng kanilang kalusugan. Ngunit ang tanong: May koneksyon ba ang blood pressure at blood sugar?

Ang sagot ay oo, may koneksyon sila, at mahalaga itong tandaan para sa iyong kalusugan. Alamin ang koneksyon ng blood sugar at blood pressure sa artikulong ito. 

Blood Sugar at Blood Pressure: Ano ang Pagkakaiba?

Ang blood sugar ay tumutukoy sa glucose na matatagpuan sa iyong dugo. Kung hindi ito aalagaan nang maayos, maaaring magdulot ito ng mga isyu sa kalusugan tulad ng hyperglycemia (mataas na blood sugar level) o hypoglycemia (mababang blood sugar level). 

Ayon sa American Diabetes Association (ADA), iba-iba ang normal na blood sugar level para sa mga taong may diabetes. Upang matukoy ang tamang blood sugar level, kailangan alamin ang mga factors tulad ng edad o life expectancy, tagal ng diabetes (o wala), mga pre-existing health conditions, mga komplikasyon kaugnay ng diabetes o cardiovascular disease, hypoglycemia unawareness, o iba pang health concerns ng pasyente.

Ang blood pressure ay tumutukoy sa lakas ng pwersa ng dugo kapag bumabangga sa mga artery walls. May dalawang mahalagang bagay na sinusukat ang blood pressure: ang systolic at diastolic blood pressure. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang una ay tumutukoy sa presyon sa mga arteries kapag tumitibok ang iyong puso, habang ang huli ay nagsasabi naman ng presyon sa mga arteries kapag nagpapahinga ka.

Tulad sa blood sugar, mahalaga na mapanatili ng mga tao ang normal na blood pressure level. Makakatulong ito para mabawasan ang panganib sa mga isyung pangkalusugan tulad ng hypotension (mababang blood pressure level) o hypertension (mataas na blood pressure level).

Sa mga natuklasan noong 2018, binigyang-diin ng mga eksperto mula sa American College of Cardiology at American Heart Association Task Force na ang normal na blood pressure level ay dapat na mas mababa sa 120/80 mm Hg. 

Pag-aaral sa Kaugnayan ng Blood Sugar at Blood Pressure 

Patuloy na pinapatunayan ng mga pag-aaral na may kaugnayan ang taas ng blood sugar at blood pressure ng isang tao. Ibig sabihin nito, ang anumang nakakaapekto sa isa ay nakakaapekto rin sa isa pang aspeto. Sa katunayan, ayon sa mga may-akda ng isang pag-aaral noong 2018 na inilathala sa The Canadian Journal of Cardiology:

“Their frequent coexistence in the same individual is not a coincidence, because aspects of the pathophysiology are shared by both conditions, particularly those related to obesity and insulin resistance.”

Maaaring magkaroon ng hypertension ang isang tao habang may diabetes dahil sa maraming kadahilanan. Ang madalas na laging nagiging dahilan ay ang sedentary na pamumuhay kasama ang sobrang calorie intake. Ang mga dahilan na ito ay maaaring magdulot sa mga tao ng obesity at maging sanhi ng malalang insulin resistance. 

Ang insulin resistance ay nangyayari kapag ang mga muscle cells, fat cells, at liver cells ay hindi maayos na tumutugon sa insulin hormones na ginagawa ng pancreas. Dahil dito, ang katawan ay hindi makatanggap ng glucose nang maayos. 

Binigyang-diin ng mga researchers na ang pagtaas ng insulin resistance ay maaaring magdulot ng mga isyung tulad ng heightened oxidative stress at inflammation. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng vascular stiffness, mataas na blood pressure level, at potensyal na risk para sa cardiovascular disease.

Ano ang Nangyayari sa Blood Sugar at Blood Pressure Habang Buntis?

Ang mga babaeng buntis ay maaari ring makaranas ng mga negatibong epekto dahil sa mataas na blood sugar level o mataas na blood pressure. Halimbawa, may mga buntis na maaaring ma-diagnose ng gestational diabetes 

Ang mga babae na may ganitong uri ng diabetes ay may problema sa insulin resistance, kung saan ang insulin ay hindi gumagana ng maayos dahil sa iba't ibang hormones na ginagawa ng placenta habang buntis. Kapag ito ay nangyayari, ang glucose ay nananatili sa dugo at hindi na-aabsorb ng mga cells. Maaari itong magdulot ng pagtaas ng blood sugar level, na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga buntis at kanilang mga lumalaking sanggol.,, 

May mga babaeng buntis na maaring maapektuhan din ng mga hypertensive disorders of pregnancy (HDP), kung saan kasama ang mga kondisyon tulad ng pre-existing hypertension, gestational hypertension (GH), at preeclampsia.

Ayon sa findings, ang mga babae na may diabetes (hindi kinakailangang gestational) ay mas mataas ang risk na magkaroon ng HDP. 20% ng mga babaeng buntis na may diabetes ay na-diagnose na may GH at/o preeclampsia. 

Ang panganib na ito ay maaaring mas mataas pa kung ang babae ay may iba't ibang karamdaman tulad ng pre-existing hypertension o hindi maayos na glucose control. Ang pagkakaroon ng diabetes habang buntis ay maaaring magdulot din ng mas mataas na risk para sa cardiovascular disease sa hinaharap. Panghuli, sinasabing ang pagkakaroon ng gestational diabetes ay maaaring magdulot ng mas mataas na panganib para sa HDP.

Paano Panatilihing Maayos ang Blood Pressure at Blood Sugar?

Kahit na tila mahirap, may ilang paraan para maiwasan ang mga potensyal na komplikasyon na kaugnay sa mataas na blood pressure at blood sugar levels:,,

  • Laging Mag-ehersisyo: Kausapin muna ang doktor o physical therapist upang malaman ang tamang mga ehersisyo na angkop sa iyong health status. Ito mahalaga lalo na kung mayroon kang mga dating o kasalukuyang injuries na maaaring mag-pahirap sa iyo na gumalaw.

  • Kumain nang Tama: Subukan ang pagkain ng maraming gulay at mga pagkain na mataas sa fiber. Pwede rin kumain ng sariwang prutas, ngunit dapat tamang dami lamang dahil may asukal din ito na hindi maganda sa katawan kung sobra. Sa kabilang banda, iwasan ang sobrang pagkain ng asin, asukal, at bad cholesterol tulad ng trans fat at taba mula sa hayop.

  • Itigil ang paninigarilyo: Ito ay lubos na nauugnay sa mataas na blood pressure. Tigilan ang paninigarilyo sa lahat ng oras upang maiwasan ang masamang epekto nito sa blood pressure at blood sugar levels.

  • Iwasan ang sobrang pag-inom ng alak: Tulad ng paninigarilyo, ang sobrang pag-inom ng alak ay nauugnay sa mataas na blood pressure level. Bukod dito, maari ring magdulot ito ng pagtaas ng calorie intake at pagtaba.

  • Kumonsulta sa doktor: Kung pakiramdam mo na nasa panganib ka ng pagkakaroon ng mataas na blood pressure o blood sugar, pumunta agad sa doktor. Sila ay makakatulong sa iyo na maunawaan ang iyong health status, mag-reseta ng mga gamot kung kinakailangan, at magbigay ng iba pang mga strategies na makakatulong sa pag-angat ng kalidad ng iyong buhay. 

Kung nag-aalala ka sa epekto ng mataas na blood sugar at/o blood pressure sa iyong kalusugan, makipag-usap kaagad sa isang doktor. Sila ang tutulong sa iyo na maunawaan ang iyong kasalukuyang kalagayan at ituturo ka sa tamang direksyon sa pamamagitan ng mga kapaki-pakinabang na payo at rekomendasyon para malutas ang mga isyung pangkalusugan na ito. 

References:

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279340

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK499961/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279027/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5953551/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8673181/

https://www.jacc.org/doi/10.1016/j.jacc.2017.11.006?_ga=2.86879320.1182640551.1528306905-1524800955.1528306905

https://diabetesjournals.org/care/article/45/Supplement_1/S144/138910/10-Cardiovascular-Disease-and-Risk-Management

https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/blood-sugar

https://diabetes.org/healthy-living/medication-treatments/blood-glucose-testing-and-control/checking-your-blood-sugar

https://www.cdc.gov/bloodpressure/about.htm https://www.cdc.gov/diabetes/basics/gestational.html 

https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/what-is-diabetes/gestational/definition-facts

https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/what-is-diabetes/prediabetes-insulin-resistance

https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?ContentTypeID=90&ContentID=P02444

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/diabetes/gestational-diabetes

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/diabetes/diabetes-and-high-blood-pressure

https://www.medicalnewstoday.com/articles/317220

Send This Article

Related Articles