Take note of these mental health tips for diabetics.

6 Tips Para Palakasin ang Mental Health ng mga Diabetics

A diabetes diagnosis can significantly impact one’s mental well-being. Take note of these tips that may help you cope with your diagnosis a bit better.

Take note of these mental health tips for diabetics.

6 Tips Para Palakasin ang Mental Health ng mga Diabetics

A diabetes diagnosis can significantly impact one’s mental well-being. Take note of these tips that may help you cope with your diagnosis a bit better.

Alam ng karamihan ang epekto ng diabetes sa pisikal na kalusugan, ngunit hindi lahat ay nakaka-alam na may epekto din ito sa mental health.

Dahil ang diabetes ay maaaring makaapekto sa napakaraming aspeto ng kalusugan at lifestyle ng tao, may mga taong pwedeng malula sa mga pang-araw-araw na pangangailangan para sa diabetes at makaranas ng mental health issues sa kalaunan.

Sa katunayan, sinaad ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ang mga diabetics na nalulula, nalulumbay, o hindi nasisiyahan sa kanilang pagtugon sa sakit ay maaaring maapektuhan ng tinatawag na diabetes distress.

Kung hindi ito maagapan, ang diabetes distress ay maaaring maghikayat sa mga tao ng mga negatibong gawi na pwedeng magdulot ng masamang epekto sa kalusugan at kalidad ng buhay, at paigtingin pa ang diabetes.

Ang kondisyong ito ay maaaring makaapekto kahit sa mga pasyenteng maayos nang nakapag-”adjust” at nakapag-”manage” ng kanilang kondisyon. Ayon sa CDC, ang “diabetes distress” ay maaaring makaapekto sa humigit-kumulang 33% hanggang 50% ng mga pasyente sa loob ng 18 na buwan.

Ang stress ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa iyong blood sugar levels, na nagiging sanhi ng ‘di inaasahang pagtaas o pagbaba nito at posibleng magdulot ng mas malalang problema sa kalusugan. Sa ilang mga pagkakataon, ang stress na dulot ng diabetes ay pwedeng maging sanhi ng kahirapan sa maayos na pag-aalaga ng sarili laban sa sakit na ito.

Paano mo haharapin ang mga kondisyon ng mental health na konektado sa diabetes? Tandaan ang mga tips na ito na makakatulong sa’yo sa pagtugon sa isang diabetes diagnosis. Ang mga estratehiyang ito ay maaaring makatulong sa iyo (o sa iyong kakilala) na bawasan ang mga negatibong damdamin na kaugnay sa diabetes:

  1. Makipag-usap sa pamilya at/o mga kaibigan tungkol sa iyong nararamdaman. Isang payo na inuulit ng mga health experts ay ang pakikipag-usap sa iyong mga mahal sa buhay tungkol sa iyong mga damdamin at problemang hinaharap mo.

    Sa abot ng iyong makakaya, subukang maging malinaw at tapat tungkol sa paano mo nais na matulungan ka ng mga tao. Ang pagpapahayag ng iyong damdamin ay maaaring makatulong sa pagbawas ng stress. Bukod dito, ang pag-kimkim ng mga emosyon o damdamin ay maaaring magdulot ng negatibong epekto.

  2. Kumunsulta sa mga health professionals at kausapin sila tungkol sa iyong nararamdaman. Maaaring mapadalas ang iyong pag-konsulta o pagbisita sa kanila sa loob ng matagal na panahon, kaya’t mabuti nang maging tapat ka tungkol sa mga damdamin mo kaugnay sa iyong diagnosis.

    Tutulungan ka ng mga health professionals kung paano haharapin ang mental health problems na konektado sa diabetes, magmungkahi ng paraan upang maagapan ang mga emosyon na ito, o magpakilala sa iyo sa iba nilang kasamahan na sa tingin nila ay makakatulong din sa iyo.

  3. Bigyang-pansin ang iyong nararamdaman. Maaari nakakaranas ka ng iba’t ibang emosyon dahil sa pagkakaroon ng diabetes. Pwede kang magsimula sa pamamagitan ng pagsulat sa journal upang matutukan mo ang mga emosyong nararamdaman mo sa isang partikular na araw.

    Pero kung nalulula o nararamdaman mo na ang “distress,” agad na hanapin ang gabay ng isang mental health professional o counselor, lalo na ‘yung may kaalaman tungkol sa pakikipag-ugnayan sa mga taong mayroong chronic health issue.

  4. Sumali sa mga support group para sa mga diabetics. Kapag may nakakaintindi sa iyong pinagdadaanan, maaari silang magbigay ng kapaki-pakinabang na payo.

    Ang pagsali sa mga grupo, o paglahok sa mga virtual o face-to-face na aktibidad ay hindi lamang magbibigay sa’yo ng pagkakataon na makilala ang iba pang tao na alam ang iyong pinagdadaanan, ngunit pwede mo ring matutunan kung paano nila hinaharap o pinapabuti ang kanilang kondisyon.

  5. Makilahok sa masaya at nakaka-relax na mga aktibidad: Ito ay maaaring makatulong sa pagbawas ng nararamdamang stress, mag-isa mo man itong gawin o kahit may kasamang iba. Magagandang halimbawa ng mga gawain na ito ay:
    1. Paglalaro kasama ang pamilya at/o mga kaibigan
    2. Paglalaan ng oras para sa quick walk
    3. Pagbabasa ng aklat o libro
    4. Pagsasanay ng mga relaxing na ehersisyo tulad ng meditation o yoga (makipag-ugnayan lamang muna ang iyong doktor kung magagawa mo ang mga aktibidad na ito upang maiwasan ang injuries)

  6. Sundin ang isang malusog na lifestyle. May mga usapan na ang magandang pisikal na kalusugan ay maaaring tumulong sa pagpapabuti ng iyong mental na kalusugan. Sa ganitong pag-unawa, subukang panatilihing nasa magandang kondisyon ang iyong pisikal na kalusugan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng positibong lifestyle changes.

    Kung ikaw ay may diabetes, siguraduhing kumain ng masustansyang pagkain, bawasan ang pag-inom ng alak o caffeine at ang pag-konsumo ng asukal, mag-ehersisyo (basta’t ikaw ay kumunsulta sa doktor tungkol sa tamang ehersisyo para sa iyong kondisyon), at sigurahing makakuha ng sapat at maayos na pagtulog.

    Bagama't posibleng hindi agad makita ang inaasam na “malaking” pagbabago sa iyong buhay, may makukuha kang mga benefits sa mga ito kung palagi itong gagawin.

Tingnan ang iba pang mga stratehiya sa pagtugon sa mga emosyon na maaaring dulot ng diabetes diagnosis, pati na rin ang iba pang mahalagang impormasyon tungkol sa sakit na ito sa pamamagitan ng pagbisita sa Tamang Alaga website ngayon.


References:

https://www.cdc.gov/diabetes/managing/diabetes-distress/ten-tips-coping-diabetes-distress.html

https://www.cdc.gov/diabetes/managing/mental-health.html

Send This Article

Related Articles