Ang sakit sa puso ay isa sa mga health issues na madalas ikabahala ng mga kalalakihan habang sila ay tumatanda, at ayon sa mga datos, may sapat na dahilan para dito.
Ayon sa datos noong 2017 mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang sakit sa puso (lalo na ang ischaemic heart disease) ang pangunahing sanhi ng kamatayan na nagdulot ng 50,503 na pagkamatay sa mga lalaki. Natuklasan din na sa pangkalahatan, mas maagang nagkakaroon ng sakit sa puso ang mga kalalakihan ng hindi bababa sa sampung taon kaysa sa karamihan ng mga kababaihan.
Ang magandang balita: may kakayanan kang bawasan ang iyong panganib na magkaroon ng sakit sa puso! Sa pag alam kung anong aspeto ng iyong pamumuhay ang nakakaapekto sa iyong kalusugan, maari mong ma-improve ang iyong heart health. Tingnan ang maikling pag-aaral na ito upang malaman pa ang mga common risk factors ng sakit sa puso sa mga kalalakihan.
- Mataas na Level ng Bad Cholesterol
Bagamat madalas magkasama ang mga terminong "sakit sa puso" at "kolesterol," kinakailangan natin ang kolesterol dahil ito ang pangunahing sangkap ng ating mga reproductive hormones tulad ng testosterone, steroid hormones tulad ng Vitamin D, at mga membrane ng ating mga cells. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng sobrang taas na low-density lipoprotein (LDL) cholesterol ay maaaring magdulot ng panganib sa iyong puso. Ang maliit at mas makapal na mga particles ng LDL cholesterol ay maaaring pumasok sa mga walls ng iyong mga blood vessels na nagdudulot ng atherosclerosis (ang pagkakaroon ng mga taba, kolesterol, at iba pang sangkap sa iyong mga artery walls), na maaari namang unti-unting bumara sa iyong mga arteries at pigilan ang daloy ng dugo. Kapag ang mga bahagi ng LDL ay nagiging oxidized dahil sa pagtaas ng free radicals sa iyong katawan, ito ay nagreresulta sa pamamaga na nagdudulot ng karagdagang pinsala sa iyong mga blood vessels.
Naka-aapekto sa level ng LDL cholesterol sa iyong katawan ang iyong diyeta, tulad ng sobra-sobrang pagkain ng mga processed at/o mataas sa carbohydrate na pagkain, mga pagkain na mataas sa saturated fats, at/o mga pagkain na mataas sa trans fat. Ang ganitong uri ng diyeta ay nagdudulot din ng sobra o labis na katabaan na negatibong nakaka-apekto sa level ng LDL sa iyong katawan.
Ang pag-inom ng supplements tulad ng Sytrinol mula sa LifeFood ay makakatulong sa pagpapababa ng iyong cholesterol levels sa maraming paraan: ito ay tumutulong na bawasan ang antas ng LDL, itaas ang antas ng HDL (ang good cholesterol), at magbigay ng mga antioxidants upang maiwasan ang oxidation ng LDL.
- Problema sa Mental Health Tulad ng Depresyon
Sa mga pag-aaral, natuklasan na may kaugnayan ang depresyon at emotional distress sa sakit sa puso, lalo na ang sakit na coronary artery disease o pagkabara ng mga ugat sa puso.
Ang mga taong labis na nai-stress, labis na nag-aalala, o may depresyon ay madalas na may mas mataas kaysa sa normal na level ng cortisol, ang hormone ng stress, na nagpapataas ng bilis ng tibok ng puso at blood pressure level. Sa paglipas ng panahon, ang patuloy na pagtaas ng cortisol, presyon ng dugo, at bilis ng tibok ng puso ay negatibong nakakaapekto sa puso at mga blood vessels.
Ang mga taong stressed, nag-aalala, at/o may depresyon ay mas madaling mahikayat manigarilyo, kumain ng di masustansiyang pagkain, at uminom ng alak upang labanan ang emotional distress. Ang mga unhealthy habits na ito ay nagpapataas pa ng panganib para sa sakit sa puso.
Bukod dito, kung ikaw ay nakaranas na ng heart failure, stroke, o heart attack, mas malamang na maapektuhan ka rin ng depresyon at anxiety. Kung ganito ang sitwasyon, ipinapayo ang pagkakaroon ng emosyonal na suporta at propesyonal na tulong upang tulungan kang makaalis sa negatibong cycle ng iyong emotional state na nakakaapekto sa iyong puso.
- Diabetes
Ang pagkakaroon ng diabetes ay nagpapataas ng panganib para sa sakit sa puso. Ang mga may diabetes ay mas posibleng magkaroon ng sakit sa puso at ma-stroke kaysa sa mga hindi diabetic, at kadalasang nagsisimula na ito sa mas murang edad.
Ang high blood glucose levels sa diabetes ay nagdudulot ng pinsala sa mga ugat, pati na rin sa mga nerves na responsable sa pag-kontrol ng puso at blood vessels.
- Mababang Testosterone Level
Bagamat kinakailangan pa ng karagdagang pananaliksik upang lubos na kumpirmahin ang koneksyon na ito, sinasabing ang mababang antas ng testosterone (T) sa mga kalalakihan ay maaaring magpataas ng panganib para sa coronary artery disease, metabolic syndrome, at/o type 2 diabetes. Habang tumatanda ang mga kalalakihan, bumababa ang kanilang testosterone levels, at maaaring magdulot ito ng mas mataas na bilang ng taba sa katawan na maaring maging daan para pagkakaroon ng sakit sa puso. Sa katunayan, ang sobra o labis na katabaan ay maaring magdulot ng mababang testosterone anuman ang edad.
Kung ikaw ay nag-aalala sa panganib mo sa sakit sa puso, huwag kang mag-atubiling makipag-usap sa iyong doktor. Maari ka nilang tulungang matukoy ang iyong health status. Pwede rin silang magmungkahi ng paraan upang mapabuti ang iyong lifestyle at paliitin ang posibilidad mo na magkaroon ng iba pang mga sakit.
References:
https://www.cdc.gov/heartdisease/men.htm
https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/special-heart-risks-for-men
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15029-heart-disease–erectile-dysfunction
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5512682/
https://www.healthline.com/health/high-cholesterol/testosterone-and-cholesterol#testosterone-and-hdl
https://www.webmd.com/cholesterol-management/high-cholesterol-in-men
https://www.webmd.com/diabetes/heart-blood-disease
https://www.webmd.com/cholesterol-management/cholesterol-and-artery-plaque-buildup
https://www.newvictoria.co.uk/about-us/news/cardiovascular-risk-in-men/
https://uihc.org/health-topics/understanding-link-between-depression-and-heart-disease
https://www.sciencedaily.com/releases/2013/09/130924135146.htm