May allergies ka? Sa totoo, naiisip lamang natin na malaking bagay ang paghinga ng maluwag kapag tayo ay nakararanas na ng baradong ilong, walang tigil na pag-singhot, malabong boses, at masikip na daluyan ng hangin pag-hinga.
Ano ang dahilan ng allergies? Maraming maaaring maka-trigger sa kemikal na histamine na kadalasan ay nagiging dahilan ng mga nabanggit na sintomas.
Kung may allergies ka, malamang ay alam mo na kung ano ang dahilan ng mga ito, pero alam mo ba kung saan ito galing? Basahin ang sumusunod at alamin ang apat na karaniwang dahilan ng allergies.
- Dust Mites
Ito ang maliliit na insect-like pests na kumakain ng dead human skin cells at nabubuhay sa maiinit at mamasa- masang na lugar. Hindi man nangangagat ng katawan ang mga parasites na ito, ang protinang galing sa dust mula sa kanilang dumi at ihi ay nagdadala naman ng peligro sa mga taong may allergies.
Sa kasamaang palad, dahil sa mainit na klima sa Pilipinas, ang dust mites ay mahirap iwasan. Tumitira sila sa mga gamit gaya ng kama, kutson, upholstered furniture, carpets, at mga kurtina. Ang patuloy na exposure sa dust mites ay nakakaapekto sa kalusugan hindi lamang ng mga taong may allergies kundi pati na rin sa may mga hika.
Para tulungang mabawasan ang dust mites sa iyong bahay, maaaring maglagay ng dust mites cover sa mga kutson at punda. Maglaan ng schedule para sa lingguhang paglilinis upang ang mga iba-ibabaw ay matangal ang dust mites at malabhan ang mga beddings gamit ang mainit na tubig. - Pollen
Ang pollen allergy ay mas kilala bilang "hay fever" at kadalasang nangyayari tuwing tag-init. Ayon sa isang pag-aaral, ang pinaka laganap na uri ng pollen sa Pilipinas ay ang pollen galing sa damo.
Maaaring maiwasan ang allergic reaction sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot bago pa man mag-umpisa ang pollen season. Pwede ring limitahan ang mga outdoor activities at gumamit ng air purifier upang mabawasan ang mga sintomas. - Animal Dander
Isa sa maaaring mangyari sa pagkakaroon ng allergies: hindi ka makapag-alaga ng pets o hayop.
Ang animal dander ay gawa sa microscopic flecks na galing sa balat ng pusa, aso, daga, ibon, at iba pang mga hayop na may balahibo o pakpak. Maaari itong manatili nang matagal sa hangin dahil sa gaang ng timbang; dahilan kung bakit nakaka-kapit sila sa maraming gamit sa bahay. - Molds o Amag
Ang molds o amag ay isang klase ng fungus na matatagpuan sa lahat ng parte ng mundo. Nabubuhay ito sa madidilim at mamasa-masang mga lugar tulad ng banyo, cabinet sa ilalim ng lababo na may tagas ng tubig, pati na rin sa damuhan. Ang maliliit na mold spores na ito ay lumulutang sa hangin at hindi nakikita ng mga mata.
Iba-iba rin ang klase ng mold allergies –- maaari kang maging allergic sa amag galing sa hangin, samantalang ang iba naman ay pwedeng maging allergic sa amag galing sa pagkain tulad ng kabute at piling mga keso. May mga halimbawa rin ng delikadong molds tulad ng “black mold” na maaaring makapag dulot ng mapanganib na mga sakit.
Kung ikaw ay may allergy sa amag o molds, maaari mong ibsan ang mga sintomas sa pamamagitan ng paglalagay ng exhaust fan o bintana sa iyong banyo. Kino-kontrol nito ang dampness at pagkakaroon ng molds. Maging mapagmatyag din sa mga tagas ng tubig sa bubong, dingding, o tubo.
Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa iyong mga allergies, kumunsulta kaagad sa iyong doktor. Para sa iba pang impormasyon sa mga gamot na maaari mong inumin para sa allergy, i-click ito.
Sources:
https://www.healthline.com/health/allergies#symptoms
https://www.webmd.com/allergies/know-your-allergy-triggers
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/allergies/symptoms-causes/syc-20351497
https://www.lung.org/clean-air/at-home/indoor-air-pollutants/dust-mites
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/22309-mold-allergy
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pet-allergy/symptoms-causes/syc-20352192