May ilang mga sakit at karamdaman na tanging sa mga kalalakihan lamang maaaring makaapekto. Isa na rito ang prostate cancer o ang abnormal na paglaki ng prostate ng isang lalaki. Ang prostate ay isang gland na sing laki ng walnut na matatagpuan sa ibaba ng urinary bladder at sa harap ng tumbong o rectum. Ito ay bahagi ng reproductive system ng mga lalaki at nagpo-produce ng likidong matatagpuan sa semilya.
Ayon sa International Agency for Research on Cancer ng World Health Organization, may kabuuang 8,242 na bagong prostate cancer diagnoses ang naitala sa Pilipinas noong 2020. Ito ay umabot sa 5.4% ng mga bagong kaso sa nasabing taon. Ang prostate cancer rin ay ang pangatlo sa pinakamadalas na uri ng kanser sa mga lalaki.
Ang prostate cancer ay mas karaniwan sa mga matatandang lalaki, na karamihan sa mga kaso ay nasuri sa mga taong 65 taong gulang pataas. Ito ay bihira sa mga wala pang 40 taong gulang.
Dahil ang prostate cancer ay isa sa mga karaniwang kanser sa kalalakihan, ang overall prognosis ay makakabuti upang malaman kung ang isang tao ay may cancer. Ngunit may ilang mga hakbang na maaaring gawin para makatulong bawasan ang iyong panganib para sa kondisyong ito.
- Sundin ang isang Healthy at Balanced Diet.
Pumili ng pagkaing mayaman sa fiber at nutrients na maaaring magbigay ng maraming sustansya tulad ng mga leafy greens at iba pang mga prutas. Ang mga pagkain na may high healthy fat content tulad ng iba't ibang isda, seeds, at mga nuts ay mainanam rin.
Ugaliing kumain ng pagkaing mayaman sa lycopene, tulad ng kamatis, bayabas, pakwan, at papaya. Ipinakita ng isang pag-aaral noong 2020 na ang lycopene ay maaaring makatulong sa pag-prevent at pagkalat ng cancer cells sa katawan, na maaari ring mag-trigger ng apoptosis o pagkamatay ng mga cells.
Bukod dito, isama sa diet ang mga gulay tulad ng broccoli, cauliflower, pula o puting repolyo, bok choy, watercress, at kale. Ang mga partikular na gulay na ito ay naglalaman ng sulforaphane, isang compound na maaari ring makatulong na maiwasan ang pagbuo ng mga cancer cells sa prostate. Ang Sulforaphane ay maaari ring kumilos bilang isang antioxidant na posibleng makatulong sa paglikha ng isang environment na humaharang sa mga cancer cells. - Alamin ang mga uri ng pagkain na dapat iwasan.
Iwasan ang pagkaing mataas ang trans fats at saturated fat. Ang pagkakaroon ng sobrang trans fat at saturated fat sa iyong katawan ay maaaring lumikha ng kapaligirang nagdudulot ng pag-unlad ng mga cancer cells sa prostate.
Iwasan ang pagkain ng inihaw o nasunog na karne na niluluto sa mataas na temperatura. Ipinakita ng mga pananaliksik na ang pag-prito o pag-ihaw ay maaaring magdulot ng pagbuo ng mga kemikal na nagiging sanhi ng kanser tulad ng hydrocarbons at heterocyclic amines. - Mag-ehersisyo.
Hindi lamang nakakatulong ang ehersisyo sa pagtunaw ng mga calories at panatilihing magaan ang timbang, maaari rin nitong palakasin ang iyong immune system at labanan ang pamamaga.
Ngunit bago mag-ehersisyo, kung mayroon kang mga comorbidities o existing injuries, kumonsulta sa iyong doktor para sa tamang ehersisyo na maaari mong gawin. May ilang mga ehersisyo na maaaring magpahina sa iyong katawan at posibleng magpalala pa ng iyong kondisyon. Maaari ka ring magtanong sa isang physical trainer na makakatulong sa iyo sa tamang paraan ng pag-ehersisyo upang maiwasan ang injury.
Kung mayroon kang karagdagang mga tanong tungkol sa prostate cancer o gustong mong malaman ang kasalukuyang kalagayan ng iyong prostate, tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga screening test gaya ng digital rectal exam o prostate-specific antigen (PSA) test.
Kung may mga problema tulad ng benign prostatic hyperplasia (BPH) o malaking prostate, maaaring magreseta ang iyong doktor ng mga gamot tulad ng Terazosin. Siguraduhin laging sundin ang mga instructions at iba pang reseta na binigay ng iyong doktor.
References:
https://www.cancer.org/cancer/prostate-cancer/about/key-statistics.html
https://www.cancer.org/cancer/prostate-cancer/causes-risks-prevention/prevention.html
https://www.healthline.com/health/9-tips-to-prevent-prostate-cancer
https://www.healthline.com/nutrition/lycopene#food-sources https://www.healthline.com/nutrition/sulforaphane#food-sources
https://www.pcf.org/patient-resources/family-cancer-risk/prostate-cancer-prevention/
https://gco.iarc.fr/today/data/factsheets/populations/608-philippines-fact-sheets.pdf
https://www.cdc.gov/cancer/prostate/basic_info/what-is-prostate-cancer.htm
https://www.webmd.com/men/prostate-enlargement-bph/what-is-the-prostate
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6497009/
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6141106/
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0753332220306521
https://www.ingentaconnect.com/content/ben/cpd/2018/00000024/00000040/art00008
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/ijc.34028
https://www.ucsfhealth.org/education/nutrition-and-prostate-cancer
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/prostate-cancer/diagnosis-treatment/drc-20353093