Hindi maikakaila na dumarami na ang mga taong nagiging maalam tungkol sa potensyal na epekto ng mga isyu sa mental health at kung gaano kahalaga na ito ay tugunan. Ngunit ang hamon ay nasa complexities ng partikular na health conditions na ito.
Hindi pare-pareho ang sagot sa lahat ng mga problema sa kalusugan ng isipan, dahil maaaring makaapekto ito sa mga tao sa iba't ibang paraan. Ang isang bagay na maaaring gumana para sa isa ay maaaring hindi gaanong epektibo para sa iba.
May mga gamot at therapies na inirerekomenda upang makatulong sa mental health, ngunit alam mo ba na maaaring makatulong ang iyong diyeta upang mapabuti ito? Mayroong ilang mga nutrients na matatagpuan sa pagkain na maaaring makatulong sa iyo sa partikular na isyu sa mental health. Narito ang mga gabay na dapat tandaan.
- Omega-3 fatty acids: Ang mga kilalang antioxidants na ito ay konektado sa mas magandang well-being at kilala sa potensyal na benepisyo nito sa mga problema sa mental health.
Ang positibong epekto ng Omega-3 sa mental health ay maaaring may kinalaman sa kakayahan nito na pumunta sa membrane ng brain cell. Nakikipag-interact ito sa mga molecules na maaaring makaapekto sa kalusugan sa magandang paraan. Bukod dito, mayroon din ang mga antioxidants na ito ng anti-inflammatory properties na maaaring makatulong sa pag-alis ng depresyon.
Sa isang eksperimento na inilathala noong 2018akitang may positibong epekto ang mga Omega-3 supplements sa mga matatanda na may mild to moderate na depresyon. Samantalang isang pag-aaral noong 2020 ay nagpapakita na ang kakulangan sa Omega-3 ay konektado sa mas mataas na risk para sa mga sakit sa isipan tulad ng depresyon, attention-deficit/hyperactivity disorder, bipolar disorder, at schizophrenia.
- B Vitamins: Sa loob ng maraming taon, maraming naitalang research tungkol sa mga benepisyo ng B Vitamins. Sa kaso na ito, may natuklasan na may mga positibong epekto ang B Vitamins sa mental health.
Katulad ng omega-3, may mahalagang role ang B vitamins sa utak dahil ito ay gumaganap bilang co-factors na nag-proproseso at nag-reregulate ng dopamine at serotonin. Ito ay mga neurotransmitters na sangkot sa regulasyon ng mood.
Bukod dito, ang mga findings noong 2021 ay nagbigay-diin na ang pagkain ng ilang B vitamins ay nakakatulong sa better mental health parameters. Halimbawa, ang pag-inom ng supplements na may vitamin B7 (biotin) ay konektado sa mas mababang risk ng depresyon, anxiety, at stress. Ang pag-inom ng mga bitaminang B1 (thiamine), B3 (niacin), at B5 (pantothenic acid) ay nakakabawas rin sa panganib ng pagkakaroon ng anxiety, habang ang pag-inom naman ng vitamin B9 (folic acid) ay nakakabawas sa risk ng depresyon.
- Zinc: Bagaman mas kilala ang mga tao sa mga benepisyo ng zinc pagdating sa pagpapalakas ng immune system at pagproseso ng DNA at protina, maaaring nakakaganda rin ang partikular na nutrient na ito para sa iyong mental health. Karamihan ng zinc ay matatagpuan sa utak. Maraming pag-aaral ang nagpapakita na ang mababang level ng zinc sa utak ay nakakapag-pataas ng risk ng isang tao para sa depresyon, anxiety, at emotional instability.
May ilang studies na nag-ulat na ang pag-inom ng zinc supplements o kasabay ng mga antidepressant ay maaaring makatulong sa mga taong may mga mental health issues.
Ngunit tandaan na ang mga mga nutrients na ito ay hindi itinuturing na "cures" o gamot para sa mga mental health disorders, o "replacements" para sa mga taong nadiagnose na may problema sa pag-iisip.
Mahalaga pa rin na magsumikap na panatilihin ang isang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagkain ng mga masustansyang pagkain, pagkakaroon ng sapat na tulog, at pagsama ng regular na ehersisyo sa iyong araw-araw na routine.
Kung ikaw ay nakakaranas ng mga isyu sa mental health, tiyaking kumunsulta ka agad sa isang mental health professional. Maaari silang magbigay ng mga mungkahi sa paraan ng epektibong pag-address sa mga problemang ito.
References:
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S241464472030004X
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S027153171730502X
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0165032721002810?via%3Dihub
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6770181/
https://www.medicalnewstoday.com/articles/323144#Fortified-foods-and-beverages- https://www.health.harvard.edu/blog/omega-3-fatty-acids-for-mood-disorders-2018080314414
https://www.healthline.com/nutrition/zinc#what-it-is
https://www.intechopen.com/chapters/50622
https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fphar.2017.00414/full