See why men are more likely to be diagnosed with Type 2 diabetes here.

3 Dahilan Kung Bakit Mas Prone sa Type 2 Diabetes Ang Kalalakihan

Understand why a lot of men are diabetic with this quick read.

See why men are more likely to be diagnosed with Type 2 diabetes here.

3 Dahilan Kung Bakit Mas Prone sa Type 2 Diabetes Ang Kalalakihan

Understand why a lot of men are diabetic with this quick read.

Isa sa mga hindi kagandahang realidad sa mga lakakakihan ay ang ma diagnose ng mga komplikadong sakit gaya ng diabetes. Batay sa Diabetes Atlas ng International Diabetes Federation noong 2021, mas marami ng 17.7 milyon ang mga lalaking may diabetes kaysa sa mga babae. Sa mga lalaking may edad na 20 hanggang 79 taong gulang, nasa 10.8% ang prevalence nito kumpara sa 10.2% ng mga kababaihan.

Maliit man ang agwat nito, maraming pag-aaral pa rin na isinagawa ang nagsasabi na mas mataas pa rin ang panganib ng kalalakihan na makakuha ng diabetes kaysa sa mga kababaihan. 

Mayroong ilang mga rason kung bakit mas pre-disposed ang mga lalaki sa Type 2 diabetes kaysa ang mga babae. Tignang kung ano ang masasabi ng mga pag-aaral tungkol sa potensyal na link na ito.

#1: Pagkakaroon ng Visceral Fat

Ang visceral fat ay pangunahing matatagpuan sa iyong tiyan at bumabalot sa iyong mga abdominal organs. Ang ganitong uri ng taba ay maaaring nakakabahala dahil ito ay nakatago at hindi mabilis makita. Ang pag-ipon ng taba sa iyong mga organs ay maaaring hindi maramdaman na posibleng mauwi sa inflammation o pamamaga. Ang inflammation naman na ito ay maaaring magdulot din ng insulin resistance at diabetes.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2021, ang pagkakaroon ng visceral fat ng mga lalaki at babae ay nagpapataas ng risk ng Type 2 diabetes. Binigyang-diin din ng mga pag-aaral na mas tumataas ang risk ng mga lalaki sa diabetes kapag meron silang visceral fat na may laking 125 cm2 o mataas pa.2

#2: Tumaas na Bilang ng mga Lalaki na Nagkaka-isyu sa Kalusugan

Ayon sa isang pag-aaral noong 2020 pinakita ang pagkakaiba ng risk sa type 2 diabetes ng mga lalaki at babae. Ayon dito, ang mga lalaki ay mas madaling kapitan ng mga isyu sa kalusugan tulad ng labis na katabaan, insulin resistance, at hyperglycemia o mataas na blood sugar level. Ang lahat ng mga ito ay kilalang signs ng diabetes.,

#3: Mga Pagkakaiba sa Sensitivity ng Insulin

Ang "insulin" ay kadalasang nababanggit kapag diabetes ang pinaguusapan. Ang insulin ay isang hormone na ginagawa ng pancreas para tumulong sa regulasyon ng blood sugar sa katawan. Ang mga taong hindi insulin sensitive o mga insulin resistant ay mas madaling makakuha ng diabetes. Ang diabetes therapy ay isa sa mga hakbang na makakapagpabuti sa insulin sensitivity na tumutulong sa katawan i-regulate ang lebel ng blood sugar.

Ayon sa mga pag-aaral noong 2020 na binanggit kanina, ang antas ng insulin sensitivity ng mga kababaihan ay mas mataas kumpara sa mga lalaki. Ilan lang ang edad at hypoginadism (pagbaba ng produksyon ng mga sex hormone ng katawan) sa mga maaaring dahilan kung bakit mas mababa ang insulin sensitivity ng mga lalaki. 

Hindi ito nangangahulugan na ang mga kababaihan ay dapat maging kampante dahil ang "mga kalamangan" na ito ay maaaring mawala kapag ang glucose tolerance ay nauwi sa diabetes.

Paano Mapapababa ng mga Lalaki ang Kanilang Risk sa Diabetes?

Kung gustong maiwasan ang Type 2 diabetes, mahalagang sundin ang mga inirerekomendang mga pagbabago ng health experts. Para sa mga nagsisimula, siguraduhing dagdagan ang ehersisyo o physical activities. 

Maaaring makatulong ang pag-eehersisyo sa pagpapabuti ng iyong insulin sensitivity at mapanatili ang tamang blood sugar levels, blood pressure, at malusog na timbang. Mag-ingat lamang kung mayroong mga comorbidities o physical injuries para hindi na lumala pa ang iyong sitwasyon. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga ehersisyo na maaari mong gawin para mag-improve ang iyong kalusugan. 

Magkaroon ng balanced diet na binubuo ng mga masustansyang pagkain tulad ng mga prutas, gulay, at whole grains. Maaari itong makatulong sa pagpapanatili ng iyong malusog na timbang at maiwasan ang labis na katabaan na posibleng pataasin ang iyong tyansang magka-diabetes

Kumunsulta sa isang doktor tungkol sa mga risks ng sakit na diabetes. Matutulungan ka nilang ma-check ang iyong health status. Maari silang magrekomenda ng mga hakbang tungkol sa pag-iwas at paggamot sa sakit na ito.

Kapag nadiagnose ka ng diabetes, maaari kang payuhan ng iyong doktor na uminom ng mga gamot.

Ang Glimepiride o metformin na parehong mga inireresetang gamot ng iyong doktor ay maaaring makatulong sa pag-manage sa iyong kondisyon.


References:

https://academic.oup.com/jcem/article/101/10/3740/2764924

https://academic.oup.com/jcem/article/103/4/1678/4822914

https://link.springer.com/article/10.1007/s00125-019-05040-3

https://link.springer.com/article/10.1007/s00125-019-4939-5

https://www.mdpi.com/2673-4540/2/2/10

https://dmsjournal.biomedcentral.com/articles/10.1186/s13098-021-00646-3

https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0061763

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7553667/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5986816/

https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fendo.2019.00658/full

https://www.e-dmj.org/journal/view.php?number=2613

https://diabetesatlas.org/idfawp/resource-files/2021/07/IDF_Atlas_10th_Edition_2021.pdf

https://psa.gov.ph/content/2022-causes-deaths-philippines-preliminary-31-march-2022

https://www.medicalnewstoday.com/articles/323027

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/symptoms-causes/syc-20371444

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-2-diabetes/in-depth/diabetes-prevention/art-20047639

https://www.diabetes.org/healthy-living/medication-treatments/blood-glucose-testing-and-control/hyperglycemia

https://www.webmd.com/diet/what-is-visceral-fat

https://www.cuimc.columbia.edu/news/belly-fat-promotes-diabetes-under-orders-liver

https://www.cdc.gov/diabetes/basics/insulin-resistance.html

https://www.cdc.gov/diabetes/managing/active.html

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15216-low-sex-drive-hypogonadism

Send This Article

Related Articles