4 Pagkaing Nakapagpapalakas ng Resistensya at Dapat Isama sa Araw-Araw na Diet

Looking for immune-boosting food? Check these out!

4 Pagkaing Nakapagpapalakas ng Resistensya at Dapat Isama sa Araw-Araw na Diet

Looking for immune-boosting food? Check these out!

Gusto mo bang palakasin ang resistensya ng iyong katawan? Nagsisimula ito sa inyong pang araw-araw na diet. Ang masustansyang pagkain tulad ng sariwang prutas at gulay ay nagbibigay sa iyong katawan ng kinakailangang sustansya o nutrients para gumana ito ng maayos.

Damay na dito ang iyong immune system o resistensya na tutulong sa pagprotekta ng katawan laban sa mga “invaders” tulad ng bacteria at virus na nagdudulot ng sakit.

Marami ang kilalang masustansyang pagkain para patibayin ang inyong resistensya o immune system. Narito ang ilan sa mga pagkain na “underrated” na pwede mong isama sa iyong diet para sa pagpapalakas ng resistensya.

  1. Cauliflower: Ang mga citrus fruit tulad ng oranges at lemons ang kadalasang pumapasok sa isipan kapag binanggit ang vitamin C. Kaya maaari kang magulat na malaman na ang cauliflower ay isang magandang source ng Vitamin C. Ang isang tasa o 100 g ng cauliflower ay may 27.5 calories at 53 mg ng vitamin C o ascorbic acid.

    Ang vitamin C ay kilalang-kilala pagdating sa pagpapalakas ng resistensya. Tumutulong ang vitamin C sa paglaban sa oxidative stress at inflammation sa iyong katawan, pagkontra sa mga free radicals, pagbawas ng panganib para sa impeksyon, at mabilisang paggaling ng sugat.

    Kung plano mong kumain ng mas maraming cauliflower para sa Vitamin C, mag-ingat sa pagluto nito. Maaring mas makabuti kung kainin ang cauliflower nang hilaw, blanched, o bahagyang pinainit lamang. Ayon sa isang pag-aaral, ang vitamin C content ng gulay na ito ay nababawasan pagkatapos itong pakuluan, i-steam, o initin sa microwave.

  2. Matatabang isda o fatty fish: Mababasa sa mga pananaliksik na ang mga isda tulad ng salmon, herring, mackerel, at sardinas ay naglalaman ng omega-3 fatty acids. Ang pagkain ng mga healthy fats na ito ay nakabubuti para sa kalusugan ng iyong puso, utak, mata, kasu-kasuan, at balat. Maaari ring makatulong ang omega-3 fatty acids sa pag-control o pagpapabuti ng mood.

    Ang omega-3 fatty acids ay kilala din para sa kanilang mga anti-inflammatory at immunomodulating effects. Sinasabing nakakatulong ang omega-3 fatty acids para sa mga taong na-diagnose na may lupus, multiple sclerosis, at inflammatory bowel disease.

    Kahit na hindi ka diagnosed ng alinman sa mga sakit na nabanggit, ang omega-3 fatty acids ay maaaring tumulong sa pagbawas ng mga inflammatory markers sa katawan, at palakasin ang resistensya.

  3. Turmeric: Ang spice na ito ay minsang tinatawag na Indian saffron o golden spice. Ito ay maaasahan hindi lamang sa pagdagdag ng lasa’t linamnam sa pagkain, ngunit makakatulong din sa pagpapabuti ng immune health.

    Ang mga immune-boosting na epekto ng turmeric ay maaaring iugnay sa isang plant compound na tinatawag na curcuminoids. Ang pinaka-kilala sa mga ito ay ang curcumin. Ayon sa mga pag-aaral, ang curcumin ay mayroong antioxidant, antiviral, antibacterial, at anti-inflammatory effects.

    Ang turmeric ay maaaring idagdag sa mga pang-marinade ng manok o ihalo sa kanin. Maaari rin itong idagdag sa gatas o haluin kasama ng honey para makagawa ng isang “tonic.” Pwede ka ring maghanap ng turmeric na tsaa sa mga tindahan na malapit sa iyo.

  4. Green tea: Bagamat may iba’t-ibang health benefits na iniuugnay sa iba't ibang-kulay ng tsaa, ang green tea ay kilala dahil sa posibleng benefits nito para sa immune health. Ang pag-inom ng green tea ay tumutulong sa pagdepensa ng katawan mula sa oxidative stress at free radicals.

    Ang mga polyphenols o compounds tulad ng epigallocatechin-3-gallate (EGCG) na matatagpuan sa green tea ang siyang responsable para sa mga benefits nito. Ang uri ng plant compound na ito ay pinag-aaralang may antioxidant, anti-cancer, at anti-inflammatory effects, at ipinakitang nagbabawas ng mga panganib o risk para sa mga autoimmune na sakit.

Sa tulong ng mga nabanggit na pagkain, kasama ng iba pang mga prutas, gulay, at lean meats, maaari mong simulan ang pagpapalakas ng husto ng iyong resistensya. Sana ang listahang ito ay magbigay ng iba pang mga ideya tungkol sa mga pagkaing pwedeng idagdag sa iyong diet.

Bukod sa pagkain ng balanced diet, tandaan na isama ang ehersisyo sa iyong pang-araw-araw na gawain. Ang regular na ehersisyo ay nakakatulong sa pag-burn ng calories, pagpapanatili ng tamang timbang, at pagtiyak na ang iba't ibang proseso sa loob ng katawan (kabilang ang immune system) ay mahusay at nasa optimal na kondisyon.

Bukod sa balanced diet at ehersisyo, maaari mong suportahan ang iyong pang-araw-araw na nutrisyon sa tulong ng mga immune-boosting supplement na may ascorbic acid o curcumin.


References:

https://www.healthline.com/health/food-nutrition/foods-that-boost-the-immune-system#citrus-fruits

https://www.healthline.com/nutrition/top-10-evidence-based-health-benefits-of-green-tea

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322412#which-foods-boost-the-immune-system

https://www.medicalnewstoday.com/articles/306981

https://www.medicalnewstoday.com/articles/269538

https://www.pcrm.org/news/blog/foods-boost-immune-system

https://my.clevelandclinic.org/health/articles/21196-immune-system

https://www.northshore.org/healthy-you/fresh-recipes-warm-tumeric-drinks/

https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/vitamin-c/

https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/1103345/nutrients

https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fimmu.2020.574029/full

https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fphar.2021.643119/full

https://wjarr.com/sites/default/files/WJARR-2019-0073.pdf

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7434784/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6966103/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2855614

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6834330/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4030645/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5664031/

https://www.nccih.nih.gov/health/green-tea

https://www.mdpi.com/2076-3921/10/10/1627/htm

https://www.mdpi.com/2072-6643/13/7/2421/htm

https://www.mdpi.com/1420-3049/26/12/3755/htm

Send This Article

Related Articles