Try these fun activities that will keep kids entertained while letting their brains develop!

3 Fun Learning Activities Para sa Mga Bata

Fun activities that will make your kids smarter: a winning combo!

Try these fun activities that will keep kids entertained while letting their brains develop!

3 Fun Learning Activities Para sa Mga Bata

Fun activities that will make your kids smarter: a winning combo!

Kapag tapos na ang iyong mga anak sa kanilang takdang-aralin o mga gawaing-bahay, sila'y nararapat na magkaroon ng pahinga sa pamamagitan ng paglalaro! Maraming mga aktibidad ang maaaring pagpilian. Bakit hindi subukan na gawing mas kasiya-siya ang oras ng laro habang pinapahusay ang kanilang mga kakayahan?

Tandaan ang mga masayang aktibidad na ito na maaaring makatulong sa kabuuang pag-develop ng utak ng iyong mga anak!

  1. Magbasa ng mga libro.
    Ang pagbabasa sa murang edad ay makakatulong:
    • Buuin ang kanilang bokabularyo
    • Pagbutihin ang kaalaman sa lengwahe, komunikasyon, pakikinig, at memorya.
    • Ipakilala nang maaga ang konsepto ng mga numero, titik, kulay, at hugis
    • Ituro ang halaga ng pagsasalita at pakikipag-usap.
    • Magbigay ng impormasyon tungkol sa kanilang kapaligiran

      Ang pinakaangkop na mga libro na babasahin ay depende sa edad ng iyong mga anak. Kung ang iyong anak ay nasa stage kung saan sila ay mahilig ng humawak ng mga bagay-bagay, maaaring bigyan sila ng mga vinyl o cloth books na may matitingkad na kulay. Habang lumalaki ang iyong anak, maaari kang lumipat sa paggamit ng mga board book na may mga larawan o bagay, mga librong may salamin, mga pop-up, o flap na aklat.

      Pwede ka ring tumingin sa mga kwento na naka-focus sa oras ng pagtulog at pag ligo, at gumagamit ng mga pag-uulit ng salita o parirala.

  2. Pagpipinta gamit ang daliri.
    Magiging magulo? Oo. Ngunit makakatulong ba ito sa pag-develop ng utak ng mga bata? Isa ring oo! Ang pagpipinta gamit ang daliri ay hindi lamang nakakatulong sa iyong anak na matuto nang higit pa tungkol sa mga kulay at kung paano pagsamahin ang mga ito, ngunit nakakatulong din ito sa pagpapaganda ng sensory integration, sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila tungkol sa pandama at paningin.

    Dahil ang pagpipinta gamit ang daliri ay isang malikhaing aktibidad, ang mga kognitibong kakayahan at pagiging malikhain ng iyong anak ay nahahasa. Nagagamit ang kanang bahagi ng kanilang utak kapag may nakakakita sila ng blangkong canvas sa harap nila. Bukod dito, ang pagpipinta gamit ang mga daliri ay tumutulong din sa pag-develop ng kanilang fine motor skills, dahil kasama sa aktibidad na ito ang paggamit ng mga daliri at wrists.

    Bago ang finger painting session, ihanda ang mga pinturang hindi nakakalason, patungan para madaling linisin tulad ng isang malaking sheet ng papel o lumang tray, at maghanda ng mga materyales sa paglilinis tulad ng mga sponge, malinis na tubig, at tuwalya. Magsuot ng smock o apron sa ibabaw ng inyong mga damit, o kahit lumang t-shirt na hindi ninyo iindahin kung madumihan.

    Panghuli, palaging subaybayan ang iyong mga anak sa tuwing nagpipinta gamit ang daliri para maiwasan silang magkalat at maging magulo. Hangga't maaari, gawin ang aktibidad na ito sa mga lugar na madaling linisin, at malayo sa mga dingding o sopa na maaaring lagyan ng bata ng pintura.

  3. Subukan ang role playing.
    Malamang ay naglaro ka ng "bahay-bahayan" sa bahay man o sa paaralan, habang ikaw ay lumalaki. Bakit hindi hayaan ang iyong mga anak na maranasan ito at tulungan silang gamitin ang kanilang imahinasyon? 

    Ang anumang uri ng larong may pagpapanggap ay posibleng magturo sa iyong mga anak na "subukan" ang iba't ibang mga tungkulin; magturo ng mga values tulad ng empathy at hayaan silang makita ang mga bagay mula sa iba't ibang pananaw. Subukan din silang i-train sa araling panlipunan, wika, at paglutas ng problema. Tulungan silang maging mas malikhain para mabawasan ang kanilang aggression.

Bukod sa mga learning activities, hikayatin din ang mga bata sa isang healthy lifestyle. Siguraduhing makakuha sila ng sapat na tulog bawat gabi, kumain ng maraming prutas, gulay, at iba pang masustansyang pagkain, at uminom ng maraming tubig.

Bilang magulang, maaari mo ring palakasin ang kanilang kalusugan sa tulong ng mga multivitamin supplement tulad ng ascorbic acid, zinc, o ibang pang multivitamins.  Ang mga ito ay maaaring makatulong na maiwasan ang kakulangan sa Vitamin C, at palakasin ang mga panlaban ng iyong mga anak sa mga virus at mikrobyohabang pinapabilis ang kanilang pangkalahatang development.

Kung gusto pang malaman ang iba pang masaya at educational na aktibidad na pwedeng magawa ng iyong mga anak, at kung paano mo sila matutulungan lumaking matalino at malakas, makipag-usap sa iyong pinagkakatiwalaang pediatrician.


References:

https://www.webmd.com/parenting/features/preschooler-brain-boosting-activities

https://kidshealth.org/en/parents/reading-babies.html

https://www.kindercare.com/content-hub/articles/2014/august/8-everyday-activities-that-fuel-your-childs-brain-development

https://raisingchildren.net.au/guides/activity-guides/making-and-building/finger-painting-1-3-years

https://www.moms.com/finger-painting-benefits-kids/

https://blogs.scientificamerican.com/beautiful-minds/the-need-for-pretend-play-in-child-development/ 

Send This Article

Related Articles