Get rid of pesky allergens that may be harming you at home - learn how here.

4 NA PARAAN PARA MAALIS ANG MGA NAKAKAPINSALANG ALLERGENS SA BAHAY

Keep your home safe and free of allergens with these allergy-proofing suggestions.

Get rid of pesky allergens that may be harming you at home - learn how here.

4 NA PARAAN PARA MAALIS ANG MGA NAKAKAPINSALANG ALLERGENS SA BAHAY

Keep your home safe and free of allergens with these allergy-proofing suggestions.

Pagbahing, sipon, makating ilong, at watery eyes - ilan lamang ito sa mga karaniwang sintomas ng allergic reactions. Habang ang mga reaksyong ito ay maaaring maramdaman ano mang oras o kahit saan, madalas ay nararanasan ito sa loob mismo ng iyong bahay.

Ilan sa mga produktong mayroon ka sa loob ng iyong bahay ay pwedeng maging allergen, o mga bagay na nakaka-trigger ng allergic reactions. Ilan sa mga karaniwang halimbawa ng mga allergens na matatagpuan sa iyong bahay ay ang mga sumusunod:

  • Dust mites
  • Ipis 
  • Mga alagang hayop tulad ng pusa at aso (dahil sa kanilang balahibo, balat, laway, o ihi)
  • Malambot na muwebles
  • Mga laruan / stuffed toys
  • Ilang mga beddings o unan
  • Carpets
  • Halaman
  • Amag mula sa mga moist areas

Karapatan mong ma-enjoy ang buhay sa iyong bahay ng hindi lubos na nag-aalala sa biglaang allergy attacks! Narito ang ilang tips na maaaring makatulong sa iyo upang maiwasan istorbong allergens at maiwasan ang allergy attack.

  1. Linisin ang mga Sahig at Kagamitan
    Ito ang dapat tandaan kung gusto mo talagang mabawasan ang mga allergens sa iyong bahay. Karaniwan ang paglilinis ng bahay isang beses sa isang linggo, pero kung may sapat na oras ka sa isang araw, pwede mong linisin kahit ang maliit na sulok o bahagi lang nito.

    Linisin ang mga iba-ibabaw na mabilis kapitan ng alikabok at germs. Linisin rin ang mga gamit tulad ng ceiling fan, blinds, at mga kurtina na maaaring kapitan ng allergens. Gumamit ng basang tela para maalis ang alikabok sa ibabaw at maiwasan ang pagsama nito sa hangin.

    Kung may mga damit, kahon o packages, pagbukud-bukudin ito nang maayos at ilagay sa tamang lugar upang maiwasang mag-ipon ang mga dumi pati na rin ang mga ipis.

    Linisin at kuskusin nang mabuti ang mga tiles sa iyong banyo upang maiwasan ang pagbuo ng molds o amag. Kung mayroon kang mga shower curtains, siguraduhing madalas itong nililinis.

    Mahalaga rin ang ginagamit mo sa paglilinis, kaya pumili ng mga produkto na walang anumang pabango dahil maaari itong maka-trigger ng mga allergic reactions. Magsuot ng mask na maayos ang fit habang naglilinis para hindi ka ma-expose sa mga allergens.

  2. Pumili ng mga Appliances na may HEPA filters.
    Ang high-efficiency particulate air o HEPA filter ay naging popular sa mga nakalipas na taon dahil sa positibong epekto nito sa kalidad ng hangin. Para sa mga taong may sintomas ng allergy, ang mga kagamitang may ganitong filter ay lubos na nakatutulong sa pag trap ng mga allergens tulad ng alikabok, pollen, pet dander, at usok ng sigarilyo.

    In fact, a 2020 clinical study by Park and co-authors from South Korea noted that people with allergic rhinitis symptoms due to dust mites had fewer medicine requirements after they used air purifiers for six weeks.  

    Ang paghahanap at/o pamumuhunan sa mga air purifiers at vacuum cleaners na may ganitong filter ay maaaring makatulong sa pag-alis ng mga allergens sa iyong tahanan at pag-iwas sa allergic reactions.

  3. Magtanggal ng sapatos bago pumasok sa iyong tahanan.
    Sa ibang mga bahay, ang mga bisita at residente ay pinakini usapang alisin ang sapatos bago pumasok - at ito ay may magandang dahilan. Ang iyong mga sapatos ay maaaring magdala ng pollen, alikabok, o mga allergy-causing germs na maaaring makapasok sa iyong bahay at magdulot ng mga sintomas. Ang pag alis ng sapatos bago pumasok sa bahay ay nakatutulong pumigil sa pagpasok ng allergens sa iyong tahanan.

  4. Baguhin ang pagkakaayos ng iyong kwarto.
    Ang ilang mga bagay na matatagpuan sa kwarto ay maaaring mapuno ng alikabok at iba pang mga allergens; dahilan para kumalat ang mga ito at magdala ng sari-saring allergic reactions. Upang maiwasan, takpan ang mga kutson at unan gamit ang dust-proof covers.

    Kung maaari, iwasan ang mga gamit sa kwarto na gawa sa balahibo at wool at piliing gumamit na lang ng mga produktong gawa sa synthetic materials. Panatilihing simple ang iyong set-up at alisin ang mga throw pillows, telang kurtina, at/o mga carpet. Labhan rin ang iyong mga bedsheets, punda ng unan, at kumot isang beses sa isang linggo.

Kung patuloy pa ring naaabala sa mga allergic reactions, tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga gamot sa allergy tulad ng RiteMED Loratadine 10 mg tableta o RiteMED Ceterizine 10 mg tableta.Ang mga partikular na gamot na ito ay may antihistamine na nakatutulong maibsan ang mga sintomas ng allergy. Kung nakakaranas ka ng mga allergic reactions na maaaring banta na sa buhay, kumonsulta agad para sa tamang medical attention.


References:

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7393300/

https://www.nhs.uk/medicines/hydrocortisone/

https://www.aafa.org/control-indoor-allergens/

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/pet-allergy/symptoms-causes/syc-20352192

https://www.aaaai.org/tools-for-the-public/conditions-library/allergies/indoor-allergens-ttr

https://www.verywellhealth.com/carpet-allergies-5205907

https://www.thespruce.com/cleaning-tips-to-reduce-allergens-4138161 https://www.webmd.com/allergies/hepa-filters-for-allergies 

https://www.webmd.com/allergies/features/allergy-tips

https://www.webmd.com/allergies/allergies-bedroom

https://www.bhg.com/homekeeping/house-cleaning/tips/reduce-allergens-in-home/

https://www.nhs.uk/medicines/loratadine/

https://www.nhs.uk/medicines/cetirizine/

Send This Article

Related Articles