Sawa ka na bang umikot ikot sa kama sa gabi at gusto mo na makatulog nang mas maayos? Baka dapat mong tignan ang iyong diyeta. Bagamat marami nang available na produkto ang makabubuti para sa iyong pagtulog, may mga ilang pagkain rin na pwedeng makatulong.
Silipin dito ang ilang mga food choices na maaring magdulot ng pagbabago sa haba ng oras at kalidad ng iyong tulog gabi-gabi.
#1: Almonds
Kung naghahanap ka ng snack nakakatulong sa pagtulog, subukan ang almonds. Ito ay may mataas na level ng sleep hormone na melatonin, fatty acids, amino acids, lipids, magnesium, calcium, potassium, dietary fiber, at kakaunti lamang na level ng asukal (at least 4.35g bawat 100 grams).
Ayon sa isang pag-aaral noong 2019 ipinakita na ang pagkain ng 10 piraso ng sweet almonds bawat araw sa loob ng 2 linggo ay nakatulong sa kalidad ng tulog ng mga estudyante na may insomnia.
#2: Kiwi
Ang isang kiwi ay mayroong 43.5 calories, kasama ang mga vitamins gaya ng Vitamin C at K, folate, at potassium. Bagamat kilala ang kiwi para sa digestive health, labanan ang inflammation, at bawasan ang cholesterol level, alam mo bang maari din itong makatulong sa iyong pagtulog?
Ang kakayahan ng Kiwi na makatulong sa mahimbing na pagtulog ay maaaring dahil sa mga sangkap nito tulad ng antioxidant, flavonoids, carotenoids, anthocyanins, folate, at melatonin. Ang isang pag-aaral naman noong 2017 ay nagpakita na ang mga estudyanteng may sintomas ng insomnia at kumakain ng kiwi ay nagkaroon ng mas mahabang tulog –- isang bagay na na nagpapakita ng potensyal ng prutas na ito.
#3: Chamomile Tea
Kung hindi ka mahilig sa gatas, maaring subukan mong mag-brew ng isang tasa ng tsaa ng chamomile bago matulog. Ang partikular na tsaa na ito ay makabubuting inumin dahil kilala ito sa kakayahan nitong labanan ang insomnia at mapabuti ang kalidad ng pagtulog.
Sa isang pag-aaral noong 2020 pinakita na ang chamomile extract ay nakatulong na mapabuti ang kalidad ng tulog ng mga matatanda. Kilala ang chamomile na naglalaman ng isang flavonoid na tinatawag na apigenin na pinaniniwalaang may positibong epekto sa iba't-ibang sleep factors. Ang chamomile ay kilala na naglalaman ng flavonoid compound na tinatawag na apigenin na kilala na positibong nakakaapekto sa iba't ibang mga kadahilanan sa pagtulog.
Bago uminom o gumamit ng anumang uri ng mga herbal supplements o blends, konsultahin mo muna ang iyong doktor tungkol sa mga epekto nito sa iyo. Ang mga kadahilanang tulad ng lagay ng kalusugan o mga allergies ay maaring makaapekto kung paano mag-react ang iyong katawan sa mga produkto.
Bilang karagdagan, kung ikaw ay may problema sa kakulangan sa pagtulog kumonsulta kaagad sa iyong doktor o healthcare professional upang ito ay maaksyunan ng maayos.
References:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/324295
https://health.clevelandclinic.org/5-foods-that-help-you-sleep/
https://www.healthline.com/nutrition/drinking-milk-before-bed#fall-asleep-faster
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/21669584/
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23746068/
https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0965229917302601
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5470311
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6635337/
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6267416/
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5946253/
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5409706/
https://link.springer.com/article/10.1007/s41105-017-0095-9
https://ifst.onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1111/jfpp.15588
https://www.mdpi.com/2072-6643/12/3/672 https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/1102667/nutrients