Learn more about the many ways immune supplements can benefit your health.

3 Paraan Paano Pinapalakas ng Supplements ang Immunity

Here’s how the right supplements can give your immune system a much-needed boost.

Learn more about the many ways immune supplements can benefit your health.

3 Paraan Paano Pinapalakas ng Supplements ang Immunity

Here’s how the right supplements can give your immune system a much-needed boost.

Araw-araw, ikaw ay nakakasagap ng mga bacteria at virus, na tinatawag ding germs. Kung minsan, ang mga ito ay nagiging infection na makaka apekto sa iyong kalusugan. Kadalasan, ang mga mas madaling ma-apektuhan ay mga tao na may hindi magandang lifestyle habits, sinasadya man o hindi, tulad ng pagkain ng mga processed food pagpupuyat, at hindi paggalaw.

Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang palakasin ang iyong immune system ay ang pagkuha ng mas maraming sustansya mula sa pagkain ngunit maaari ka ring makinabang sa tulong na binibigay ng mga nutritional supplements. 

Kung iniisip mong magdagdag ng mga supplements sa iyong health kit narito ang ilang mga dahilan kung bakit magandang ideya ito! Tingnan kung paano makakatulong ang mga immune supplements sa iyong kalusugan dito.

#1: Pinupunan ng mga supplements ang agwat sa dami ng vitamins at minerals na kailangan ng iyong katawan araw-araw at ang aktwal na makukuha mo.

Natukoy na ng mga eksperto ang araw-araw na inirerekomendang dami ng iba't ibang nutrients na kailangan ng katawan, ngunit maraming tao ang hindi makamit ang kanilang araw-araw na quota dahil sa maraming dahilan. 

Ang mga immune-boosting supplements ay karaniwang naglalaman ng mas mataas na dami ng immune-boosting nutrients tulad ng Vitamin C at D, at Zinc. Ang mga supplements ito ay nagbibigay sa iyong katawan ng karagdagang halaga ng mga importanteng nutrients na ito para mas maabot mo ang inirerekomendang intake araw-araw.

#2: Nakakatulong ang mga supplements na bawasan ang panganib sa nutritional deficiencies at ang mga resulta nitong sakit.

Tandaan na hindi ang mga supplements ang nagpapababa sa risk ng nutritional deficiencies at mga sakit, kundi ang mga nutrients na binibigay ng mga ito,. Ang mga bitamina at mineral na ito ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa pamamagitan ng pagpapataas ng level ng mahahalagang nutrisyon na kinakailangan ng iyong katawan upang maayos na mag-function at maiwasan ang pag-develop ng sakit. 

#3: Nagtutulong-tulong ang mga supplements para suportahan ang iyong katawan 

Kadalasan, ang mga nutrients ay nagtutulungan, tulad ng isang grupo, upang mapabuti ang paggana ng iyong katawan. Halimbawa, ang mga suplements na may mga vitamins A at C ay maaaring makatulong sa iyong katawan na mag-absorb ng higit na iron, habang ang mga vitamin D supplements naman ay tumutulong sa pag-absorb ng calcium.

Isama ang Mga Supplements na Ito sa Iyong Immune-Boosting Starter Pack 

Naghahanap ka ba ng suplemento na maaari mong maging kasangga sa pagpapalakas ng iyong immune system? Narito ang ilan na maaari mong talakayin sa iyong doktor:

  • Ascorbic acid: Hindi ka maaaring magkamali sa mga affordable na Vitamin C supplements na ito.
  • Sodium Ascorbate: Dahil hindi gaanong acidic kaysa sa Vitamin C, maaaring makatulong ang supplement na ito na matugunan ang kakulangan sa vitamin C at mapabuti ang panlaban ng katawan sa mga nakakahawang mga sakit. 
  • Sodium Ascorbate + Zinc: Bukod sa vitamin C bilang sodium ascorbate, ang suplementong ito ay nakakakuha ng karagdagang tulong sa zinc, at maaaring makatulong palakasin ang immune system na labanan ang mga impeksyon.
  • Vitamin D: Upang makatulong na maiwasan ang kakulangan sa vitamin D, na nagpapababa naman ng iyong panganib sa osteoporosis, sakit sa puso, at iba pang malalang sakit.

Bago kumuha ng alinman sa mga supplements naito, kumunsulta muna sa isang doktor para matukoy ang iyong ideal na dosage. Ang mga factors tulad ng iyong edad at kasalukuyang status sa kalusugan ay maaaring makaapekto sa kailangang nutrisyon ng iyong katawan.

Tandaan din na ang mga supplements ay hindi kayang palitan ang isang healthy lifestyle -nandyan ang mga ito upang sumuporta sa iyong mga nakasanayan ng health practices. Kung iinom ng immune-boosting supplements, tiyaking sumusunod pa rin sa tamang diet na puno ng masustansyang pagkain, nag-eehersisyo hangga't maaari, at nakakakuha ng magandang kalidad na tulog.

Higit sa lahat, kung ang mga sintomas ng anumang sakit ay patuloy pa ring nararamdaman, kumunsulta agad sa iyong doktor.


References:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/do-supplements-really-benefit-the-immune-system#Dietary-supplements-and-immunity 

https://www.healthline.com/nutrition/increase-iron-absorption 

https://www.bones.nih.gov/health-info/bone/bone-health/nutrition/calcium-and-vitamin-d-important-every-age

Send This Article

Related Articles