Ang pangunahing layunin ng kahit sinong magulang ay ang pagpapanatili ng kalusugan at lakas ng kanilang anak. Pero minsan, hindi pa rin maiiwasan ang posibilidad na dapuan sila ng iba’t ibang karamdaman tulad ng allergic reactions, ubo, sipon, at lagnat.
Kapag nakitaan ng sintomas ang anak, huwag agad mabahala, lalo’t may mga gamot na makakatulong sa pagpapagaan ng kanilang karamdaman. Gaya ng nakasanayan, mahalagang kumunsulta sa iyong pediatrician para sa ekspertong gabay sa pag-aalaga ng iyong anak na may sakit. Tandaan na sundin ang mga payo ng pediatrician tungkol sa angkop sa dose, administration, at schedule ng pag-inom ng gamot.
Alamin ang mga gamot na pwedeng ihanda na tutulong sa pag-agap ng mga sintomas kung sakaling dapuan ng sakit ang iyong mga anak.
Gamot Para sa Allergic Reaction
Kung ang iyong anak ay dumaranas ng mga sintomas ng allergic rhinitis at may ubo, sipon, makati at nagtuatubig na mga mata, at madalas na pagbahing, makakatulong ang pag-inom ng antihistamines.
Bukod dito, mahalaga ding matukoy ang mga posibleng allergen/s na nagdulot ng mga sintomas na ito. Ipaalam rin sa pediatrician ang mga napansing sintomas ng allergic reaction.
Maaring ipayo ang pag-inom ng mga gamot na may diphenhydramine, chlorpheniramine, o loratadine. Magtanong rin sa pediatrician kung maaaring painumin ng loratadine ang bata. Pwede mo ring tanungin kung kailangan ng mas malakas na dosage ng iniresetang gamot tulad ng diphenhydramine.
Kung sakaling life-threatening ang mga napansing sintomas tulad ng pamamaga sa mukha, rashes, o paninikip ng lalamunan, magpatingin agad sa doktor.
Gamot Para sa Lagnat
Mahusay ang paracetamol kontra sa lagnat ng mga batang edad 29 days old pataas. Ang ganitong uri ng gamot ay maaaring tumulong sa pagpapababa ng mataas na temperatura ng katawan, habang tinutugunan ang ibang mga sintomas tulad ng pananakit ng ulo, tiyan, tenga, at katawan o panghihina.
Maiging kausapin muna ang iyong pediatrician bago bigyan o painumin ng paracetamol ang anak. Bigyan ang bata ng tamang dosage, ayon sa payo ng doktor.
Gayunpaman, kung nagpapatuloy ang lagnat at ang bata ay nagkakaroon ng iba pang mga sintomas tulad ng pagtatae, pagsusuka, pamamaga, at pagkawala ng gana sa pagkain, humingi kaagad ng medikal na atensyon.
Para sa mga sanggol na 28 araw palang o mas bata, mangyaring kumunsulta agad sa isang pediatrician.
Gamot Para sa Ubo
Tulad sa mga matatanda, ang uri ng gamot pang-ubo ay nakadepende sa kasalukuyan nilang kondisyon.
Para sa isang dry, non-productive cough o ubong walang plema, ang isang suppressant tulad ng dextromethorphan ay maaaring tumulong sa pagharang ng reflex na responsable para sa pag-ubo. Magtanong sa isang pediatrician kung ang isang deresetang gamot tulad ng dextromethorpan ay maaaring gamitin. Ang gamot na ito ay maaaring tumulong sa pagbibigay ng lunas sa dry cough, na maaaring dulot ng sipon, namamagang lalamunan, o impeksyon sa respiratory tract.
Sa kabilang banda, kung ang iyong anak ay nahihirapan dahil sa wet, productive cough o ubong may plema, maaaring makatulong ang isang mucolytic tulad ng ambroxol. Tumutulong ito sa pagpapanipis ng plema para mas madaling makahinga ang bata at mabawasan ang bara sa kanyang daluyan ng hininga.
Kumunsulta sa isang pediatrician tungkol sa mucolytic na ambroxol. Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng fluid production sa respiratory tract, na pwedeng magpanipis o magpalabnaw ng plema sa loob nito.
Gamot Para sa Sipon
Kung ang iyong anak ay may baradong ilong, maaaring makatulong ang mga gamot na may alinman sa phenylephrine o chlorphenamine maleate. Ang una ay tutulong sa pagbawas ng pamamaga ng ilong at tenga, pati na ang kaakibat nitong sakit at sa pagpapadali ng paghinga.
Ang pangalawa naman ay isang antihistamine na pwedeng tumulong sa pagbawas ng mga karaniwang sintomas ng allergy tulad ng makati at matubig na mga mata, tumutulong sipon, pagbahing, at rashes.
Mga Gamot Para sa Mga Isyu sa Tiyan Tulad ng Colic (Kabag)
Ang mga batang may kabag ay dumaranas ng sintomas tulad ng matigas at masakin na tiyan at ang walang-tigil na pag-iyak para sa mga sanggol, kahit napakain o napalitan na ang diaper nito.
Bagama't karaniwan ang kabag sa mga bata sa edad na ito, hindi ito komportable. Upang maibsan ang kabag sa mga sanggol o bata, maaaring tanungin ang iyong pediatrician tungkol sa pagbibigay sa kanila ng simeticone. Ang gamot na ito ay maaaring tumulong sa pagpawi ng discomfort na dulot ng pag-ipon ng gas sa tiyan at bituka, agapan ang iba pang sintomas ng kabag at aksyunan ang mga isyu tulad ng pagkabusog, paglunok ng hangin, o dyspepsia.
Kung sakaling makaranas ang iyong anak ng lagnat kasabay ng kabag, maaari mong tanungin ang iyong pediatrician tungkol sa pagbibigay sa kanila ng akmang dosage ng paracetamol para sa kanilang edad. Kung nagpapatuloy pa rin ang mga sintomas, agad na humingi ng medikal na atensyon.
Ano ang Dapat Gawin PAGKATAPOS Uminom ng mga Gamot ang mga Bata?
Kapag tapos nang inumin ng iyong mga anak ang kanilang gamot at bumuti na ang pakiramdam nila, itabi nang maayos ang mga produktong ito. Basahin ang impormasyon ng gamot upang malaman kung kailangan itong itago sa refrigerator o sa isang malamig at tuyong lugar, malayo sa sikat ng araw.
Pinakamahalaga, ilayo ang mga gamot sa iyong mga anak, lalo na sa mga batang mausisa at mahilig dumampot ng mga bagay-bagay. Itago ang mga gamot sa isang lugar na mahirap abutin ng mga bata tulad ng mga cabinet sa kusina na malayo sa kalan, lababo, o mainit na appliance.
Panghuli, tandaan na ang mga pediatrician ang mas nakakaalam pagdating sa mga wastong lunas kontra sakit. Iwasan ang pabigay ng mga gamot na walang payo ng doktor. Ang pediatrician at family doctor ay tutulong sa ito na bigyan ng tamang alaga ang iyong anak.
References:
https://www.parents.com/health/medicine/antibiotics/medicine-cabinet-checklist/
https://www.mottchildren.org/health-library/sig55751
https://kidshealth.org/en/parents/medication-safety.html
https://mrmjournal.org/mrm/article/view/511
https://www.nhs.uk/medicines/paracetamol-for-children/
https://www.webmd.com/drugs/2/drug-21821/phenylephrine-oral/details
https://www.medicinesforchildren.org.uk/medicines/chlorphenamine-maleate-for-allergy/#
https://www.medicoverhospitals.in/medicine/dicycloverine
https://www.hopkinsallchildrens.org/Patients-Families/Health-Library/HealthDocNew/First-Aid-Kit
https://www.healthhub.sg/a-z/medications/390/Mucolytics-and-Expectorants
https://www.knowyourotcs.org/ingredient/dextromethorphan/
https://www.healthline.com/health/wet-cough https://www.healthline.com/health/how-to-get-rid-of-dry-cough