Para sa marami sa atin na nagsasabay-sabay ng maraming gawain at pinagkakaabalahan , ang food delivery ay maaaring maging life-saver. Kapag naubusan ka ng mga sangkap para sa proper meal, walang oras maghanda ng putahe, o nais lang ilibre ang sarili sa masarap na pagkain, ang pagpapa-deliver ng pagkain ang nagiging solusyon.
Gayunpaman, ang sobra nito ay maaaring makasama, hindi lang sa iyong finances. Maraming idini-deliver na pagkain, lalo na ang mga mula sa mga fast food establishments, ay maaaring magdulot sa iyo ng mga problema sa kalusugan.
Kaya bago mo buksan ang app na ‘yan o tawagan ang hotline, unahin mong isaalang-alang ang posibleng epekto sa kalusugan ng pagpapa-deliver na pagkain. Alamin kung paano maaaring makaapekto ang fast food sa iyong kalusugan, at tuklasin ang ibang alternatibong may benepisyo para sa iyong kalusugan.
Bakit HINDI Magandang Choice ang Fast Food?
Isa sa advantage ng fast food ay ang mabilis na paghahanda nito, at ang disadvantage naman ay ang mababang nutritional value na binibigay nito. Kumakain tayo ng pagkain para makakuha ng calories na nagbibigay ng enerhiya at mga tamang sustansiyang nagpapagana sa ating katawan. Bagamat nagbibigay ng maraming calories para sa enerhiya ang fast food, maaaring hindi ito makapagbigay ng tamang sustansiya.
Ang calories sa fast food ay mula sa mga refined at processed carbohydrates, karagdagang asukal, trans fats, at sodium. Kilala ang mga ito sa pagpapataas ng blood sugar at LDL (bad cholesterol), pagpapababa ng HDL level (good cholesterol), pagpapalala ng pamamaga o inflammation at oxidative stress sa katawan, pagiging sanhi ng bloating, at pag-aambag sa pagtaas ng timbang. Lahat ng ito, kasama na ang kakulangan sa mga sustansiyang kinakailangan, ay naglalagay sa iyo sa panganib na magkaroon ng mga sumusunod:
- Labis na timbang (Obesity)
- Resistensya sa insulin (Insulin resistance)
- Diabetes
- Mga kondisyon sa puso tulad ng stroke, heart attack at/o heart failure
- Mood Disorders tulad ng depression
- Mga kondisyon sa utak tulad ng dementia
Ano ang Dapat Hanapin sa Mga Pagkain Pina-Padeliver?
Kung plano mong magpadeliver ng pagkain araw-araw, mas mabuting i-level up ang iyong mga pagpipilian. Iwasan ang fast food at pumili ng mga delivery service na maaaring mag-offer ng sariwa at maingat na inihandang mga pagkain.
Ang maingat na pag-iisip ay makakatulong sa iyong katawan na makakuha ng mga sustansyang kinakailangan. Humanap ng mga pagkaing mayaman sa sariwang prutas at gulay at may kaunting carbohydrates, taba, at asukal. Kung posible, piliin rin ang mga pagkaing mataas sa fiber.
Kung susubukang hanapin online, ay madali mong makikita ang mga negosyo sa iyong lugar na nag-aalok ng sariwang mga pagkain araw-araw o linggo-linggo. Madalas, ang mga inihahandang pagkain ay maaaring naaayon sa iyong mga layuning pang-kalusugan tulad ng pagpapababa ng timbang o pagpapalaki ng muscles, at ang mga ito ay propotioned sa tamang calorie count. May mga negosyo rin na iniisip ang iyong mga personal na hilig o mga allergy sa pagkain. Narito ang iba pang mga tips na dapat tandaan kapag nagpapadeliver ng iyong pagkain:
- Tignan ang portion size: Siguraduhing ang pagkain na ini-oorder mo ay sapat para sa iyo at/o sa iba pang miyembro ng inyong bahay. Kung ikaw ay umoorder para sa sarili mo, piliin ang laki ng bahagi na angkop para sa iyo at sa iyong calorie needs. Ang pagsubok na i-restrict ang iyong calories kahit 'di kailangan ay maaaring maging negatibo: kung hindi ka nabusog sa pagkain, mas malamang na mag-meryenda at kumain ka ulit kinalaunan, at posibleng hindi masustansya ang iyong kakainin.
- Ihaw o inihaw, huwag prito: Ito ay dahil ang mga pritong pagkain ay niluluto sa mantika na may mataas na dami ng fat at maaaring ma-coat ng mga crumbs (isang pinagmumulan ng carbohydrates). Kung maaari, pumili ng mga inihaw o roasted na pagkain tulad ng manok (walang balat), lean pork, o lean beef.
Kung may karagdagang alalahanin ka tungkol sa mga negatibong epekto ng patuloy na pagkain ng fast food, o tamang bilang ng calories para sa iyong partikular na edad at kalusugan, kausapin agad ang isang doktor o nutritionist. Sila ay mga propesyonal na maaaring gumabay sa’yo sa pag-unawa ng mga pangunahing aspeto ng malusog na diet, habang tinitignan ang posibleng health issues na maaari mong harapin.
References:
https://health.clevelandclinic.org/heres-how-fast-food-can-affect-your-body/ https://www.healthline.com/health/fast-food-effects-on-body#sugar-and-fat https://www.healthline.com/nutrition/why-trans-fats-are-bad
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4772793/
https://www.helpguide.org/articles/healthy-eating/healthier-fast-food.htm
Ang Link sa Pagitan ng Fast Food at Depression ay Nakumpirma na (bjorklundnutrition.net)
Ang dagdag na burger meal sa isang araw ay kumakain ng utak - Neuroscience News