Mga Dapat Gawin Kapag Nag-Positibo ang Iyong Anak sa COVID-19

Don’t panic – remember these tips when your child tests positive for COVID-19.

Mga Dapat Gawin Kapag Nag-Positibo ang Iyong Anak sa COVID-19

Don’t panic – remember these tips when your child tests positive for COVID-19.

Bilang magulang, nakakasakit ng puso kapag nakita mong may sakit ang iyong anak. Ngunit ang kirot na ito ay maaaring madagdagan kapag nag-positibo ang iyong anak para sa COVID-19, isang malungkot na realidad na dulot ng pandemyang ito. 

Dahil mabilis makahawa ang sakit na ito, malaking hamon ang pagharap sa pagsubok na ito, lalo na kung ang iyong mga anak ay bata pa at hindi pa nauunawan nang husto ang sitwasyon. 

Pero kahit positive ang resulta ng COVID-19 Test, huwag magimbala. Bagamat mahirap mag-alaga ng may sakit ng bata, magagawa mo ito. Tandaan ang mga tips na ito para sa mabilis na paggaling ng anak mo mula sa sakit na ito. 

1. Humingi ng atensyong medikal at ihiwalay o i-isolate ang may sakit na bata.
Kapag nagpakita ng sintomas ang iyong anak, kumunsulta sa iyong doktor para sa nararapat na gabay. Tutulungan ka ng iyong doktor o pediatrician sa mga hakbang na dapat sundin, at planuhin ang pag-aasikaso sa bata, depende kung gaano kalala ang sintomas niya.   

Alalahanin na ang sintomas ng COVID-19 sa mga bata ay “mild” at pwedeng maihalintulad sa sintomas ng sipon. Pero huwag mag-atubiling humingi ng atensyong medikal kapag napapansin ang sintomas tulad ng:

  • Kahirapan sa paghinga
  • Pagsakit ng dibdib
  • Pagkahilo
  • Malalang sakit ng tiyan
  • Nanlalamig, nagpapawis, at maputlang balat

Kung kaya, siguraduhin na may hiwalay na kwarto at banyo ang may sakit na bata. Kung may kasama siya sa kwarto, gumawa ng nararapat na arrangements o adjustments para mabawasan ang unnecessary contact sa bata.

Panghuli, magtalaga ng isang tao na responsable sa pag-aalaga sa maysakit na bata. Kapag may mild to moderate na sintomas ang bata, ihiwalay o i-isolate siya sa bahay sa loob ng limang (5) araw. Ang recovery period ay maaaring magtagal ng isa o dalawang linggo. Mahalaga ring i-update ang iyong pediatrician tungkol sa sintomas na nararamdaman ng bata.

Minsan, may mga pagkakataon na kailangan ng bata ng pag-aalaga sa ospital, lalo na kung mataas ang kanyang lagnat, nakakaramdam ng pagkapos sa paghinga o kahirapan sa paghinga, at/o immunocompromised siya at may co-morbidities. Ang inirerekomendang isolation period para sa mga malalang kaso ng COVID-19 ay nasa 21 na araw.  

2. Ihiwalay ang gamit ng may sakit na bata at iwasang ipagamit ito sa iba.
Huwag kalimutang ihiwalay ang mga personal na gamit ng batang may sakit tulad ng baso o bote, kagamitan sa pagkain plato, mangkok o bowl, tuwalya, damit, o pati na rin laruan. Ang mga gamit na ito ay dapat linisin nang mabuti gamit ng sabon at tubig pagkatapos ng bawat paggamit nito.

3. Magsuot ng mask kapag makikipag-usap o makikihalubilo sa maysakit na bata.
Siguraduhin na ikaw at ang may sakit na bata ay nakasuot ng angkop na face mask, lalo na kung nasa iisang kwarto o espasyo kayo. Ang mga face mask na ginawa para sa mga bata ay makakatulong sa panahong ito. Kagaya ng pagsuot ng face mask para sa adults, siguraduhin na ang face mask ng bata ay kasya at maayos na nakalapat sa ibabaw ng kanilang ilong, bibig, at ilalim ng baba. Tingnang mabuti at siguraduhing walang butas sa pagitan ng face mask at kanilang mukha.

4. Bantayan ang kanilang mga sintomas, temperatura ng katawan, at oxygen levels..
Pagtuunan ng pansin ang kanilang mga sintomas. Kunin ang kanilang temperatura at oxygen levels nang madalas, at itala o i-record ang mga ito. Kung posible, ipaliwanag sa bata kung ano ang nangyayari at bakit ito kinakailangan gawin. Huwag kalimutang i-update ang iyong pediatrician.

Pwede mong kausapin ang doktor para malaman ang mga posibleng gamot na tutulong sa pag-agap ng sintomas tulad ng sakit ng ulo, lagnat, ubo, sipon, at/o sakit sa katawan. Ang acetaminophen o ibuprofen na specially formulated para sa mga bata ay pwedeng ireseta para maagapan ang mga sintomas at siguraduhin na mas maging komportable ang bata.

5. Siguraduhin na kumakain sila ng tama at nakakakuha ng sapat na pahinga.
Tulungan mo silang gumaling kaagad sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming prutas at gulay na may mga nutrients na nagpapalakas sa resistensya, tulad ng:

  • Vitamin A: Mahahanap sa carrots, kamote, kalabasa, at leafy greens
  • Vitamin C: Mahahanap sa mga citrus fruits katulad ng oranges, kiwis, berries, kamatis, red bell peppers, at leafy greens
  • Vitamin D: Mahahanap sa salmon, tuna, sardinas, at pagkaing fortified ng bitaminang ito
  • Vitamin E: Mahahanap sa almonds, sunflower seeds, at peanut butter
  • Zinc: Mahahanap sa lean meats at poultry, chickpeas

Kung magulang ka at sa tingin mong hindi sapat ang nakukuhang vitamins at minerals ng iyong anak, pwede mo silang bigyan ng supplement tulad ng vitamin C isang beses kada araw, o ayon sa rekomendasyon ng iyong doktor.

Bukod dito, hiyakatin ang bata na uminom ng maraming tubig at bigyan sila ng sabaw kasabay ng kanilang pagkain. Huli sa lahat, siguraduhin na nakakatulog nang mabuti ang iyong anak at makakuha siya ng magandang kalidad ng pahinga para makapag-recharge at gumaling ang kanyang katawan.

Ang kasabihan na “prevention is better than cure” ay mas matimbang sa panahon ngayon. Mabuti ang maagang paghahanda para sa anumang posibleng sitwasyon sa bahay, kung sakaling may batang nag-positibo para sa COVID-19.  


References:

https://www.cnnphilippines.com/news/2022/1/7/COVID-19-home-isolation-quarantine-protocols.html 

https://www.hopkinsallchildrens.org/ACH-News/General-News/5-Steps-for-if-Your-Child-Has-COVID-19 

https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/prevent-getting-sick/about-face-coverings.html 

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/coronavirus/in-depth/coronavirus-in-babies-and-children/art-20484405 

https://kidshealth.org/Nemours/en/parents/coronavirus-child-is-sick.html 

https://www.goodfood.com.au/good-health/a-dietitians-guide-on-what-to-eat-when-you-have-covid-20220105-h20w9ihttps://health.clevelandclinic.org/eat-these-foods-to-boost-your-immune-system/

Send This Article

Related Articles