Laging Pagod? Baka Dahil 'To sa Vitamin Deficiencies sa Mga Babae

See if your lack of energy can be linked to nutrient deficiencies.

Laging Pagod? Baka Dahil 'To sa Vitamin Deficiencies sa Mga Babae

See if your lack of energy can be linked to nutrient deficiencies.

Sa dami ng mga pang-araw-araw na gawain, minsan mahirap bantayan ang mga nutrient na natatanggap ng ating katawan. Sa ilang mga pagkakataon, maaaring hindi sapat ang nakukuhang nating sustansya mula sa pagkain para maabot ang inirerekomendang pang araw-araw na pangangailangan sa nutrisyon.

Sa paglipas ng panahon, maaaring pataasin nito ang iyong panganib o risk sa mga deficiency sa mga bitamina at pati na rin sa mga isyung pangkalusugan. 

Para sa mga kababaihan, tandaan ang tatlong karaniwang kakulangan sa bitamina na madalas makita sa mga babae; paano ito makakaapekto sa iyo at kung ano ang pwede mong gawin para masolusyunan ang mga isyu na ito kaagad.  

  1. Iron 
    Ang iron ay tumutulong sa produksyon ng mga hormone at ilang partikular na proteins na nagdadala ng oxygen sa iyong utak at kalamnan (muscles). Gayunpaman, maraming kababaihan ay may mataas na risk para sa iron deficiency anemia. Ang isyung pangkalusugan na ito ay sinasabing nakakaapekto na sa isang bilyong tao, at isa ito sa mga pinaka-karaniwang pagkukulang o deficiency sa buong mundo. 

    Ang mga kababaihang may iron deficiency anemia ay kulang sa iron na kailangan upang makagawa ng hemoglobin, isang protein na responsable para sa pulang kulay ng dugo, at para sa pagdadala ng oxygen sa mga red blood cells sa buong katawan.

    Ang sobrang pagkapagod at panghihina, pananakit ng ulo, pagkahilo, pananakit ng dibdib, at mabilis na tibok ng puso ay ang mga karaniwang sintomas ng iron deficiency anemia.

    Kung ika’y nagkaroon ng iron deficiency anemia habang buntis, maaaring tumaas ang panganib para sa maagang panganganak (premature birth), mababang timbang ng ipinanganak na sanggol (low birth weight), at postpartum depression.

    Maaaring makatulong ang mga pagkaing mataas sa iron tulad ng spinach, atay, lamang loob (organ meats), broccoli, at buto ng kalabasa (pumpkin seeds) para tugunan ang kakulangan ng mineral na ito.

    Maaaring makatulong din ang mga supplement. Ngunit mas mabuting kumunsulta muna sa iyong doktor bago uminom ng mga ito, dahil ilan sa mga sintomas ng iron deficiency anemia ay napansin sa iba pang uri ng mga anemia. May mga pagkakataon na ang pag-inom ng iron supplements ay maaaring kontraindikado o hindi maipapayo. 
  1. Vitamin B12 (Cobalamin) 
    Ang B vitamin na ito ay mahalaga sa paggawa ng mga red blood cells at sintesis ng DNA. Ito’y tumutulong rin sa pagpapanatili ng kalusugan ng iyong mga nerve cells, at tumutulong sa pagpapabuti ng iyong digestion at neurological function.

    Karaniwang sintomas ng kakulangan sa vitamin B12 ay ang pakiramdam ng pagkapagod o panghihina, pamamanhid o pagkirot sa mga paa, problema sa pagbalanse, paghina ng memorya, at pananakit ng dila o bibig.  

    Kung hindi agad aaksyunan ang kakulangan sa vitamin B12, maaari itong magdulot ng mas mataas na risk para sa cancer sa tiyan; problema sa nervous system tulad ng pagkawala ng memorya, paraesthesia o pakiramdam ng pagtutusok sa kamay o paa, pinsala sa nervous system, pagkabaog o infertility.

    Sa panahon ng pagbubuntis, maaari rin itong magdulot ng mas mataas na panganib para sa mga birth defects sa neural tube ng isang bagong silang na sanggol. Halimbawa nito ang spina bifida (isang depekto sa spinal cord) at anencephaly (isang depekto sa utak at bungo). 

    Bukod sa pagkain ng pagkaing mayaman sa vitamin B12 tulad ng chicken breast, salmon, low-fat milk, at mga itlog, maaari rin makatulong ang pag-inom ng supplement.

    Subukang hanapin ang mga supplement na may vitamins B1 at B6 na maaaring makatulong sa iyo sa pag-iwas at pagtugon sa mga deficiency na kaugnay sa mga bitaminang ito. Maaari rin itong makatulong sa pag-agap at pag-aksyon kontra sa nerve pain at pamamaga na maaaring maramdaman kapag kulang ang iyong katawan sa mga B vitamins na ito. 
  1. Vitamin B9, Folate, o Folic Acid 
    Isa pang uri ng vitamin B, ang folate o folic acid ay kritikal para sa produksyon ng mga red blood cells, at pati na rin sa synthesis at repair ng DNA.

    Ang kakulangan ng vitamin B9 sa katawan ay maaaring maging sanhi ng mga sintomas tulad ng pagkapagod, sugat sa bibig, at pamamaga ng dila. Kung hindi agad naaksyunan at nanatiling kulang ang folate sa katawan, maaaring tumaas ang panganib o risk mo para sa kakulangan ng white blood cells at platelets, pati na rin ng megaloblastic anemia (isang kondisyon kung saan mas malaki ang mga red blood cells kahit hindi pa sila ganap na nabuo).

    Ang folate deficiency rin sa mga buntis ay maaaring humantong sa mas mataas na panganib para sa mga depekto sa neural tube ng isang bagong silang na sanggol, gaya ng nabanggit kanina.

    Ang pagkaing mataas sa folate tulad ng beans, spinach, lettuce, at whole grains, at/o mga supplement ay maaaring makatulong sa pagpigil at pagtugon sa isang deficiency na katulad nito. Kung ikaw ay buntis o nagpaplanong magbuntis, ang pagdaragdag nito sa iyong regimen ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng panganib ng mga neural tube defect ng iyong sanggol.
     

Para malaman kung ikaw ay may kakulangan sa anumang bitamina o mineral, kumunsulta sa iyong doktor. Sila ay makakatulong sa iyo sa pagsuri sa mga nutrient na kailangan mo pang dagdagan sa iyong katawan, at magbibigay sa’yo ng konkretong paraan para labanan ang mga problema sa kalusugan na dulot ng kakulangan sa nutrisyon.  

Kung ika’y nakakaranas ng mas malubhang sintomas bukod sa mga nabanggit, agad na maghanap ng tulong medikal. Ang mga sintomas na ito ay maaaring magpahiwatig ng malubhang kakulangan sa sustansya na dapat maaksyunan kaagad. 

References: 

https://www.self.com/story/4-common-nutrient-deficiencies  

https://ods.od.nih.gov/factsheets/Iron-Consumer/  

https://ods.od.nih.gov/factsheets/VitaminB12-Consumer/#h2  

https://ods.od.nih.gov/factsheets/Iron-HealthProfessional/  

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/iron-deficiency-anemia/symptoms-causes/syc-20355034  

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/anemia-during-pregnancy/art-20114455  

https://www.healthline.com/health/vitamin-deficiency-in-women#vitamin-b  

https://www.healthline.com/nutrition/vitamin-b12-deficiency-symptoms  

https://www.healthline.com/health/folate-deficiency#complications https://www.healthline.com/nutrition/healthy-iron-rich-foods#2.-Spinach  

https://www.cdc.gov/ncbddd/folicacid/recommendations.html  

https://www.redcrossblood.org/donate-blood/blood-donation-process/before-during-after/iron-blood-donation/iron-rich-foods.html  

https://www.nhs.uk/conditions/vitamin-b12-or-folate-deficiency-anaemia/complications/  

https://www.medicalnewstoday.com/articles/vitamin-b12-foods#best-vitamin-b-12-foods  

https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/folic-acid/  

Send This Article

Related Articles