I-Check Kung Kumpleto Ka sa Gamot Para sa Ubo’t Sipon

Be ready with these meds in case of cough and colds.

I-Check Kung Kumpleto Ka sa Gamot Para sa Ubo’t Sipon

Be ready with these meds in case of cough and colds.

Mabuting maging handa para sa hindi inaasahang kaso ng ubo o sipon sa iyong bahay. Alamin nang higit pa tungkol sa mga gamot para sa ubo at sipon na maaaring mo nang mabili sa botika at itago sa iyong medicine cabinet.  

Bakit Ka Umuubo? 

Ang ubo ay isang spontaneous reflex at defense mechanism na tumutulong sa pagprotekta sa iyong mga airway at mga baga kontra sa mga irritant. Ang pag-ubo ay sintomas ng iba’t ibang sakit na respiratory gaya ng karaniwang ubo at sipon (impeksyon sa upper respiratory tract), at pati na rin ng mas malalang sakit tulad ng asthma at pulmonya.

Uri ng Ubo  

Ang non-productive cough, na kilala rin bilang dry cough, ay ubo na walang plema o mucus secretions. Inilalarawan ito ng mga tao bilang isang “nakakakiliti” o “makati” na pakiramdam. Ang mga allergy, flu, at iba pang respiratory infection ay maaaring magsilbing sanhi o trigger para sa isang non-productive cough.;  

Ang productive cough ay kadalasang tinutukoy bilang ubo na may plema o wet cough dahil posibleng marinig ang isang tunog na “gurgling” na dulot ng mucus at iba pang fluids. Kapag may infection, gumagawa ang katawan ng mas maraming mucus kaysa karaniwan na tutulong sa “paghuli” at pag-alis ng bacteria o virus na nagdudulot ng sakit. Ang pag-ubo ay tumutulong sa pagluluwa at pag-alis ng sobrang mucus. Ang acute bronchitis, pneumonia, at bronchiectasis ang ilan sa mga karaniwang sanhi ng ganitong uri ng ubo..   

Anu-Ano ang Gamot sa Ubo na Inireresta ng Mga Physician? 

Para sa non-productive cough

Ang mga cough suppressants ay karaniwang inireresta para sa mga taong may non-productive cough para maharang ang reflex para sa ubo. 

Isang halimbawa ng cough suppressant ay dextromethorphan HBr, at kadalasang binibigay o iniinom ito kasabay ng isang decongestant para sa baradong ilong at paracetamol.  

Para sa productive cough

Ang mga expectorant ay nilalayong bawasan ang kapal ng mucus, pinapaluwag ito, at pinapadali ang pag-ubo para mailabas ang plema. Ang pinakakaraniwang expectorant na available sa mga botika ay guaifenesin. 

Ang mga mucolytics naman ay tumutulong sa paghihiwalay ng mucus, para mas madali itong mailabas sa iyong mga airways.

Paano Naman Para sa Sipon?

Kung ang problema ay runny nose, kasabay ng pagbahing at makati at matubig na mata, kumunsulta sa iyong physician at itanong kung nararapat ba ang mga antihistamines (anti-allergies) para sa iyong kondisyon.   

Ang mga antihistamine ay tumutulong sa pagharang ng isang kemikal na tinatawag na histamine na nagdudulot ng pamamaga at pangangati sa iyong ilong. 

Sa kabilang banda, kung problema ang baradong ilong o nasal congestion, magtanong sa iyong doktor kung ang Phenylephrine HCl ay magiging kapani-pakinabang para sa iyong kondisyon. Makakatulong ito sa pagpapabuti ng hininga ng pasyente dahil tumutulong ito sa pagtanggal ng mga bagay na nakaharang sa daanan ng ilong at mga sinus.

If symptoms persist, consult your doctor.


References:

https://wa.kaiserpermanente.org/kbase/topic.jhtml?docId=ug1887 

https://www.healthline.com/health/green-phlegm 

https://www.healthline.com/health/dry-cough

https://www.healthline.com/health/best-cold-medicine#fever-and-aches  

https://www.medicalnewstoday.com/articles/cough-with-mucus 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/327442#treatment 

https://www.nhs.uk/medicines/carbocisteine/ 

https://www.healthhub.sg/a-z/medications/18/Ambroxol-Tablets 

https://www.medicinesforchildren.org.uk/medicines/chlorphenamine-maleate-for-allergy/ 

https://www.everydayhealth.com/cold-flu/right-cold-medication-for-your-symptoms.aspx 

https://www.webmd.com/cold-and-flu/otc-cold-medicines 

https://www.webmd.com/cold-and-flu/cold-guide/decongestants-antihistamines-cold#1 

https://www.cdc.gov/antibiotic-use/colds.html

https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30657115/#:~:text=Cough%20is%20a%20natural%20defense,an%20efferent%20pathway%20and%20effectors.  

https://www.healthline.com/health/wet-cough#causes

https://www.healthhub.sg/a-z/medications/390/Mucolytics-and-Expectorants#1   

https://www.medicalnewstoday.com/articles/expectorants#medicinal-expectorants

Send This Article

Related Articles