These nutrients are key for a healthy and safe pregnancy.

May Planong Magbuntis? Importante ang mga Nutrients na Ito!

For a healthy and safe pregnancy, proper planning is crucial! Learn more about the important nutrients your body will need if you want to get pregnant.

These nutrients are key for a healthy and safe pregnancy.

May Planong Magbuntis? Importante ang mga Nutrients na Ito!

For a healthy and safe pregnancy, proper planning is crucial! Learn more about the important nutrients your body will need if you want to get pregnant.

Kung nais mong magbuntis sa lalong madaling panahon, siguradong may listahan ka na ng mga baby essentials na gusto mong idagdag sa iyong cart o i-check out. Maganda ang pagpaplano nang maaga, pero naisip mo na rin ba ang mga pangangailangan ng iyong katawan para makapaghanda ito sa pagbubuntis?

Siguraduhing handa ang iyong katawan! Alamin ang mga mahalagang nutrients na makakatulong nang husto para sa mga babae, kahit bago pa sila mabuntis. Bukod dito, tandaan ang mga pang-araw-araw na recommended energy and nutrient intakes (RENI) mula sa the Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST):

  1. Folic acid

    Ang B vitamin na ito ay tumutulong sa paggawa ng mga cells. Habang nagbubuntis, mahalaga ang folic acid sa pagbuo ng neural tube, na siyang bumubuo sa utak at gulugod (spine) ng sanggol. Tumutulong rin ang folic acid na maiwasan ang risk ng neural tube defects gaya ng spina bifida o anencephaly.

    Ang mga sanggol na may spina bifida ay may gap sa kanilang spine dahil hindi ito nabuo nang maayos noong sila ay nasa sinapupunan pa. Ang mga sanggol na may mga neural tube defects ay may mas mataas na risk sa paralysis, incontinence, o intelektwal na kapansanan.

    Kadalasang nagkakaroon ng neural tube defects sa unang buwan ng pagbubuntis, kaya kailangan talaga ng katawan mo ang folic acid para maiwasan ito. Sa kasamaang palad, maraming kababaihan ang hindi alam na buntis sila sa unang buwan nito. Dahil dito, binibigyang-diin ang pagpapanatili ng sapat na level ng folic acid sa katawan kahit hindi ka pa buntis.

    Ideal daily requirement: 400 micrograms DFE (bilang dietary folate equivalent) mula sa mga pagkaing tulad ng beans, broccoli, whole grains, at sariwang prutas. Maaari ring magtanong sa doktor o OB-GYN tungkol sa mga benepisyo ng folic acid supplements.

  2. Iron

    Ang mineral na ito ay responsable sa pagbuo ng red blood cells na naghahatid ng oxygen sa buong katawan. Kailangan ng mga buntis na babae ang iron para mapataas ang dami ng blood cells sa kanilang katawan, maging malusog ang sanggol, at mapababa ang panganib para sa maternal morbidity at iron deficiency anemia.

    Nangyayari ang iron deficiency anemia kapag kulang ang katawan sa mga red blood cells na nagbibigay ng oxygen sa katawan. Ang mga buntis na may iron deficiency anemia ay maaaring manganak ng mga sanggol na may mahinang cognitive, motor, at behavioral performance.

    Ang mga diet na mababa sa iron at mga period kada buwan ay maaaring magpababa ng iron levels ng isang babae. Kaya kung planong magbuntis, subukang sumailalim sa isang blood test para masuri ang level ng iron sa katawan. Kapag lumabas ang mga resulta, pwede kang kumonsulta sa doktor o OB-GYN tungkol sa mga ito at pag-usapan ang mga posibleng plano sa pagpapanatili ng sapat na iron para sa iyo at sa sanggol.

    Ideal daily requirement: 28 milligrams (mg) mula sa mga pagkaing tulad ng tokwa, karne ng baka, manok, tuna, at broccoli. Maari ring makatulong ang mga iron supplements - magtanong sa iyong doktor tungkol sa mga ito.

  3. Calcium

    Mahalaga ang mineral na ito para mabuo ang mga ngipin at buto ng sanggol. Kailangan ng sapat na level ng calcium sa katawan dahil kapag kulang ito, maaaring gamitin ng sanggol ang calcium mula sa buto ng kanilang mga ina para sa kanilang paglaki. Kung hindi ito naagapan, ang mababang antas ng calcium sa katawan ay pwedeng magdulot ng pregnancy-related osteoporosis, bagama’t bihira lamang ito mangyari.

    Bukod dito, ang mababang level ng calcium sa katawan ay maaaring magpataas ng panganib ng isang buntis na babae para sa hypertension o preeclampsia. Samantala, ang mga sanggol na may mababang level ng calcium ay mas mataas na panganib para sa low birth weight, preterm or premature birth, o impaired bone mineralization.

    Ideal daily requirement: 750 mg, mula sa mga dairy products tulad ng gatas, keso, at yogurt, at mula sa mga gulay tulad ng broccoli o spinach. Pwede mo ring tanungin ang iyong doktor o OB-GYN kung mabisa ba ang pag-inom ng mga calcium supplements.

Ang maaga at mabusising pagplano, kasabay ng pagpapanatili ng sapat na level ng mga nutrients na ito, ay makakatulong sa iyo sa pagkamit ng isang ligtas at malusog na pagbubuntis. Kung may karagdagang hinaing tungkol sa mga nutrients na ito o tanong tungkol sa ibang vitamins o minerals para sa mga buntis na babae, kumonsulta sa iyong doktor o OB-GYN para sa karagdagang impormasyon.  

References:

https://www.stanfordchildrens.org/en/topic/default?id=nutrition-before-pregnancy-90-P02479

https://www.healthline.com/health-news/here-are-5-nutrients-that-can-help-women-get-pregnant

https://www.cdc.gov/ncbddd/folicacid/about.html

https://www.cdc.gov/ncbddd/birthdefects/facts-about-neural-tube-defects.html

https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/folic-acid/

https://ods.od.nih.gov/factsheets/Iron-Consumer/

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/pregnancy-week-by-week/in-depth/anemia-during-pregnancy/art-20114455

https://health.clevelandclinic.org/how-to-add-more-iron-to-your-diet/

https://www.verywellfamily.com/calcium-needs-during-pregnancy-4580491

https://www.nhs.uk/conditions/spina-bifida/

https://faseb.onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1096/fj.201700692RR

https://onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1002/bdr2.1579

https://link.springer.com/article/10.1007/s00394-019-01896-8

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6722688/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7173188/

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK235217/

https://apjcn.nhri.org.tw/server/apjcn/17%20Suppl%202/399.pdf

https://www.intechopen.com/chapters/56773

Send This Article

Related Articles