Learn how exercise can help cancer patients before, during, and after treatment.

Pwede Bang Mag-ehersisyo Kung May Kanser?

Is it okay to exercise if you have cancer? Find out how physical activity can do wonders for cancer patients.

Learn how exercise can help cancer patients before, during, and after treatment.

Pwede Bang Mag-ehersisyo Kung May Kanser?

Is it okay to exercise if you have cancer? Find out how physical activity can do wonders for cancer patients.

Okay lang bang mag-ehersisyo kung may kanser? Maaaring maging isa ito sa mga tanong mo pagkatapos malaman ang cancer diagnosis. Sa dami ng treatment plans, pagsusuring medikal, , at mga pagbisita sa mga espesyalista, maaaring ang pisikal na aktibidad ay hind na maisama sa mga priority. 

Ayon sa mga pag-aaral, maaaring mapabuti ng ehersisyo ang pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan ng mga may kanser bago, habang, at matapos ang gamutan. Makakatulong ito sa pagpapanatili ng tamang timbang, pagkakaroon ng quality sleep, at pagpapabuti ng mood. Ang pisikal na aktibidad ay nagbibigay rin ng relief o ginhawa mula sa lungkot at pangamba na kaakibat ng diagnosis, at maaari ring makatulong sa pagpapabuti ng pangkalahatang kalidad ng buhay. 

Bago ang Treatment

Ayon sa American Cancer Society (ACS), ang pisikal na aktibidad ay maaaring makatulong sa pagpapabilis ng recovery. Ayon sa research, ang pagiging aktibo ay maaaring makabawas sa mga komplikasyon sa operasyon at mapabuti ang pagtugon ng mga pasyente sa gamutan. Maaaring makatulong ang pag-eehersisyo na bawasan ang pag-aalala at pangungulila, dagdagan ang enerhiya, at pagandahin ang iyong tulog habang nagsisimula ang gamutan.

Sa panahon ng cancer treatment, maaaring maging mas mahirap ang manatiling aktibo. Mahalaga ang tamang pag-kondisyon sa katawan bago ang treatment para makatulong na mas makayanan ng katawan na ituloy ang physical activity sa panahon na sumasasa-ilalim ng cancer treatment at pagkatapos nito.

Sa Oras ng Treatment

Ang iyong kakayanang mag-ehersisyo habang isinasagawa ang cancer treatment ay maaaring maapektohan ng uri at stage ng kanser, treatment plan, at ng state of health sa panahon ng gamutan. Tandaan na ang layunin ay manatiling aktibo sa abot lang ng makakaya. Kung ang kaya lamang ng katawan ay ang mga low intensity exercises tulad ng simpleng paglalakad, ito ay sapat na.

Pagkatapos ng Treatment 

Ang mga gamot na ginagamit sa chemotherapy, radiation, at iba pang cancer treatments ay tumutulong sa pag-atake sa cancer cells. Ngunit, ito rin ay nakakaapekto sa mga malusog na cells (kabilang na ang mga red blood cells), na maaaring magdulot ng anemia. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nakakaramdaman ng mga pasyente ng kahinaan at pagod matapos ang mga treatment.

Ang ehersisyo ay makakatulong sa mga cancer patients labanan ang kanilang fatigue. Ayon sa pagaaral, ang mga cancer patients na regular na nag-e-exercise ay nababawasan ang nararamdamang pagod mula 40% hanggang 50%.

Ang kakulangan sa pisikal na aktibidad pagkatapos ng treatment ay maaaring magdulot din ng muscle weakness, decreased range of motion, at loss of body function. Samantala, ang ehersisyo ay maaaring magdagdag ng flexibility and muscle strength. Maaari rin nitong protektahan ang iyong mga buto at ma-improve ang iyong cardiovascular strength.

Maaaring mahirap bumangon at mag-ehersisyo sa simula, ngunit ang regular na ehersisyo ay nagbibigay ng pangmatagalang benepisyo para sa pangkalahatang kalusugan. 

Mga Gabay sa Ehersisyo para sa Mga Cancer Patients

Ang ACS (American Cancer Society) ay mayroon ding Nutrition and Physical Activity Guideline para sa mga Cancer Survivors. Ibinabahagi ng organisasyong ito ang ilang paraan kung paano mo maaaring gawing epektibo ang pag-eehersisyo kahit na mayroong cancer.,

  • Subukang ipagpatuloy ang normal na araw-araw na gawain pagkatapos ng diagnosis at treatment. 
  • Tanungin ang iyong doktor kung maaari gumawa ng mga light exercises tulad ng paglalakad, jogging, o pagbibisikleta bago gawin ang mas mahirap o mas intense na mga ehersisyo. 
  • Magsimula nang dahan-dahan. Maaaring dagdagan ang oras ng pag-eehersisyo sa paglipas ng panahon. 
  • Gawin ang mga light exercises ng ilang beses sa isang linggo ng hindi bababa sa 10 minuto.
  • Idagdag ang mga resistance exercises na hindi bababa sa 2 beses sa isang linggo.
  • Isama ang stretching exercises na hindi bababa sa 2 beses sa isang linggo.
  • Gawin ang mga ehersisyo o workouts sa matibay at pantay-pantay na sahig para maiwasan ang panganib ng pagkadulas.
  • Iwasan mag-ehersisyo kapag nakakaramdam ka ng pagkahilo.
  • Magdamit ng maayos at mag-apply ng sunscreen sa iyong balat kung mag-eexercise sa labas. Tiyakin ring ligtas at maayos ang lugar kung saan nag-eehersisyo.
  • Iwasan ang mga pampublikong gym o maingay na lugar kung may risk ng infection. . 
  • Habang undergoing ang cancer treatment, huwag piliting kumilos lalo na kung hindi maganda ang pakiramdam. Magpahinga muna kung kailangan. 
  • Dalhin ang cellphone kung mag-eexercise sa ibang lugar, o mas mabuti, siguruhing laging may kasama, sakaling magkaroon ng emergency. 

Kumunsulta sa Iyong mga Doktor

Panghuli, bagamat nakakatulong ang ehersisyo sa maraming paraan sa mga cancer patients, mas mabuti pa ring kumunsulta sa doktor o medical team ukol sa mga angkop na routines at kung ano lang ang dapat na intensity ng iyong ehersisyo. 

Para sa karagdagang impormasyon kung paano haharapin at malalampasan ang cancer diagnosis, maaari basahin ang mga impormasyon sa Makakatulong ang Hope from Within ngayon.

References:
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2885882/ 

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3647480/

https://acsjournals.onlinelibrary.wiley.com/doi/10.3322/caac.21721

https://www.cancer.org/treatment/survivorship-during-and-after-treatment/be-healthy-after-treatment/physical-activity-and-the-cancer-patient.html

https://health.clevelandclinic.org/should-you-exercise-when-you-have-cancer-2/

https://www.mdanderson.org/cancerwise/exercise-during-cancer-treatment–4-things-to-know.h00-159543690.html

Send This Article

Related Articles